Chapter 40 (Part 2)

1562 Words

“Gusto mo ng biscuit o kahit tubig man lang?” alok ni Lorenz. Umiling ako kasabay ng paghinto ng bus na sinasakyan namin. Mabilis akong napatingin sa bintana at nadismaya—akala ko nakarating na kami ng Maynila. Gas station lang pala. Hinayaan ng driver bumaba ang ilang pasahero para bumili ng pagkain at gumamit ng banyo dahil mahigit isang oras na rin kami sa byahe. Pahintu-hinto pa kasi ang bus dahil may iilang pasaherong bumababa at sumasakay. “Malayo pa ba tayo?” tanong ko kay Lorenz. Naubo ako, medyo may sumabit sa lalamunan. Sinisinat na naman yata ako dahil mainit at mabigat ang pakiramdam ko. “Medyo. Depende rin kasi sa traffic. Kapag naka-bus, mga tatlo hanggang apat na oras ang byahe. Kapag nakakotse, mas mabilis.” Umawang ang labi ko. Nagulat ako dahil ganito pala kalayo an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD