Chapter 39 (Part 2)

1508 Words

Tumakbo si Karl pabalik sa kanilang kubo. Naiwan ako kaharap ni Lorraine. Nakaangat ang isang kilay, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakahalukipkip. Para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko. Napabuntong-hininga ako ng malakas. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na tapatin siya. “Ginagawa mo ba lahat ng ‘to para mapaalis ako sa isla?” diretsong tanong ko, nanatili ang kalmadong tono. “Walang ibang tao. Hindi mo kailangang magpanggap,” paalala ko pa. Umikot ang mga mata niya. Katulad ng inaasahan ko ay naging in-character pa rin siya. Para bang kahit siya ay naniniwala sa mga kasinungalingan niya. “Kung nagpunta ka rito para linisin ang pangalan mo, pwes wala kang mapapala. Malas ka. Kaya mas mabuti pang umalis ka na sa Cole’s Cove.” Bago pa man ako makapagsa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD