Chapter 34 (Part 2)

1951 Words
Nahinto kami nang maraanan ang kubo nila Aling Dolores. Nakapagtataka dahil sarado pa ito gayong palagi silang maagang nagigising noong dito pa ako nakikitira. “Gusto mo ba silang dalawin?” tanong ni Peter pero umiling na lang ako. “Baka tulog pa sila,” sabi ko at dito namin nilagpasan ang kubo ng mag-asawa. Nanatili sila sa isip ko habang naglalakad kami ni Peter. Kaya hindi ko napigilang magbigay ng komento, “Ang bait nila ‘no? Sayang at hindi sila nagkaroon ng anak. Siguradong magiging mabuti silang magulang.” Naging tikom naman si Peter at nang sundan ko ang kanyang tingin, dito ko napansin ang isang kubong medyo may kalakihan dahil sa harapan ay may makikitang mga lamesa at upuan. May ilang taong makikitang kumakain dito at base sa itsura, mukha itong tipikal na karinderya sa Maynila. “Ito ang nag-iisang kainan dito sa Cole’s Cove,” sabi ni Peter at bago ko pa maitanong kung sino ang may-ari, lumabas sa pinto si Lorraine na may dalang plato. Nilapag niya ito sa isang lamesa bago nag-angat ng tingin sa direksyon namin. Syempre ay una niyang nakita si Peter at nagmistula akong invisible nang lapitan niya kami. “Magandang umaga, Pete! Bakit ka napadaan? Kumain ka na ba? Masarap ‘yung lugaw ni mama. Marami at malambot ‘yung laman,” sunod-sunod na alok ni Lorraine. Masyado siyang maligalig ngayong umaga. Umubo naman ako. Gamit ang hinlalaki sa magkahawak naming kamay ni Peter, bahagya kong inayos ang buhok ko. “Good morning din sa ‘yo, Lorraine,” sabi ko at dito umasim ang mukha niya. “Inililibot ako ni Peter sa isla,” paliwanag ko pa. “Ah okay. ‘Di pa pala luto ‘yung lugaw. Matigas din ‘yung laman,” sabi ni Lorraine habang diretso ang matalim na tingin sa ‘kin. Lumambot ito pagbaling kay Peter. “Punta ka lang dito anytime, Pete. Miss ka na ni Mama,” sabi pa niya. “Kakain kami rito sa susunod,” simpleng sagot ni Peter. “Kakain kami pag malambot na ‘yung laman,” habol ko pa habang nakangisi. Inirapan naman ako ni Lorraine bago talikuran. Sinalubong niya ‘yung batang lalaking kalalabas lang ng bahay nila. Parang nasa pitong taong gulang pa lang ito. “Kapatid ni Lorraine?” tanong ko kay Peter na tinanguan niya. Kasunod ng bata ay lumabas naman ang babaeng medyo may edad na sa kanila. Marahil ay nanay nila ito. Nakita ko na rin ito sa ilang okasyon noon at palagi siyang abala tulad ngayon. Sunod kaming nagpunta sa bahay ni Lorenz. Wala namang kakaiba rito bukod sa mga panindang minsan kong nakita sa tiangge. Nakumpirma ko kay Peter na tindera at tindero ang mga magulang nito. “Bakit pala parang madalas wala si Lorenz dito sa isla?” tanong ko dahil noon madalas ko silang makitang magkasama. Ngayon ay kapag may okasyon ko na lang yata nakikita si Lorenz. “May training siya sa kabilang isla. Balak niyang magtrabaho sa Maynila kapag nakapasa.” Bumilog ang bibig ko sa sagot ni Peter. “E paano ang mga magulang niya?” tanong ko dahil only child lang daw si Lorenz. Alam ko ‘yung hirap niya lalo na’t pareho kami ng sitwasyon. Kahit napapayag ko ang mga magulang kong manatili ako rito sa isla, hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko kung ayos lang ba sila. Hindi na rin naman kasi sila bumabata. “Baka sumunod din sila kapag naging maayos ang lahat. Iyon din naman ang pangarap nila para kay Lorenz.” Mas malawak na mundo. Naalala ko ang sinabi ni Peter kanina. Babalik na sana kami sa pinanggalingan nang mapalingon ako sa pinakadulong kubo. “Puntahan natin ‘yon,” turo ko pa. “Wala namang makikita roon,” sabi ni Peter pero gusto ko pa rin. Wala siyang nagawa nang hilahin ko siya. May mga bakanteng kubo rito katulad ng sinabi ni Peter kanina, pero ang pumukaw ng atensyon ko ay ‘yong naiiba at pinakamalaking kubo rito sa isla. “Pwede ba nating pasukin?” tanong ko dahil sa curiosity. Bago pa sumagot si Peter ay bumitaw na ako sa kanya at tumakbo sa pinto. Ayon lang ay nakita ko ang kandado. “Sino bang nakatira rito?” Nilingon ko si Peter na lumapit na rin sa ‘kin. “Walang nakakaalam. Matagal nang bakante ‘yan,” sabi niya sabay hawak sa kamay ko. “Tara na, wala nang makikita rito,” aya niya at sumunod naman ako. Napalingon nga lang ako sa kubo. Kung wala akong ideyang bakante ito, iisipin kong dito nakatira ang may-ari ng Cole’s Cove. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang buhanging nakapaligid sa kubong ito. Parang may shoeprints. Ibig sabihin ba hindi lang kami ang tumingin dito ngayong araw? Kinilabutan naman ako. *** “Ano ka ba naman, Cardo? Kahit anong mangyari, anak mo–” “Matagal na ‘kong walang anak!” Napahawak ako sa dibdib nang marinig ang pagtatalo ng mag-asawa. Nadaanan kasi namin ulit ang kubo nila habang pabalik sa kubo namin. Sarado pa rin ang kanilang pinto at bintana pero rinig na rinig ang boses nila sa labas. Ito yata ang dahilan kaya kanina pa sila closed doors. May kapitbahay din silang napasilip dahil dito. Gusto ko sana silang puntahan pero hinawakan ni Peter ang braso ko. Paglingon ko sa kanya ay umiling siya. “Hayaan mo muna sila,” makahulugan niyang saad. “Sabihin mo dyan sa mga anak mo na wala na siyang uuwian dito. Tutal matagal na tayong patay sa kanila,” sabi pa ni Mang Cardo; ramdam ang bigat na kanyang dala-dala. Naunawaan ko namang wala ako sa lugar para sumingit sa kanila. Imbes na makinig pa ay umalis na kami. Noong makalayo, bago pa man ako makapagtanong, ay nagsalita na si Peter, “May dalawa silang anak. Isang babae at isang lalaki. Pero mga bata pa lang sila, nagpunta sila ng Maynila para makapag-aral. Wala namang problema noong una… pero parang nakalimot sila. Hanggang sa ayaw na nilang bumalik pa sa isla. Naputol din ang komunikasyon nina Aling Dolores at Mang Cardo sa kanila.” Parang pinipiga ang puso ko sa kwento ni Peter. Kaya pala ganuon na lang ang galit ni Mang Cardo. Ngayon ko napagtanto na bukod sa pagkilala sa isla, kailangan ko ring kilalanin ang mga tao rito dahil may iba’t iba silang kwento. Nagpatuloy kami sa paglilibot sa Cole’s Cove – dumaan kami sa powerplant at water treatment plant dito pati na rin sa lugar kung saan nila inaalagaan ang ilang hayop at mga halaman. At sa lahat, naging interesado ako sa observation deck na matatagpuan sa kanang bahagi ng isla malapit sa dagat. It’s an extended road that stretches out into the sea. Sa dulo ay makikita ang lighthouse. Ilang minuto rin kaming naglakad, pansin ang mga bato sa magkabilang gilid ng kalsada. Pagdating sa dulo, sinalubong kami ng lighthouse na may pintong gawa sa kahoy. Hawak-hawak ni Peter ang kamay ko nang igiya niya ako papunta rito. “Teka, baka bawal,” sabi ko kahit na interesado rin talaga akong makita ang loob nito. “Magtiwala ka lang sa ‘kin,” pagbibigay assurance ni Peter kaya walang pagdadalawang-isip akong sumama sa kanya papasok. May spiral staircase pataas at dito kami umakyat. Halatang bago pa ang lighthouse na ito dahil well-maintained ang interior. Hinigit ko ang hininga ko nang makita ang magandang tanawin sa malalaking bintana. Narating namin ang pinakatuktok na balkonahe at dito ako sobrang namangha nang makita sa ibang perspective ang isla. Maganda na ang tanawin noong nasa itaas kami ng bundok pero mas maganda pa pala mula sa lighthouse dahil kita ko hindi lang ang malawak na dagat kung hindi maging ang mga kubo at iba pang parte ng isla. This was the best way to end our short trip. Naramdaman ko ang pagtayo ni Peter sa likuran ko. Naestatwa ako nang dumausdos ang mga braso niya sa bewang ko; niyakap niya ako mula sa likuran at pinagpahinga ang baba sa ibabaw ng balikat ko. Awtomatikong uminit ang pakiramdam ko. Natahimik kaming dalawa habang ganito ang posisyon. Parang ayaw ko na tuloy matapos ang araw na ito. “Anong tingin mo sa Cole’s Cove?” tanong ni Peter na inasahan ko naman na pero hindi ko mahanap ang tamang salita para sagutin ito. Tuloy ay sa katahimikan ko, dinugtungan niya ito, “I know this island doesn’t offer much to impress you–” “Perfect! Para sa ‘kin perfect ang islang ‘to. Sa totoo lang, add-ons na lang lahat ng ‘to. Kahit nasa deserted island pa tayo, perfect pa rin ‘yon kung kasama kita,” mabilis kong sagot na gusto ko sanang magmukhang sincere kaya lang para akong nambobola. Tuloy ay hinarap ko si Peter, pinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg habang nasa bewang ko pa rin ang mga kamay niya. “Kahit saan pa tayo dalhin ng agos ng dagat… ayos lang sa ‘kin basta kasama kita… kasi… kasi hindi ako sanay lumangoy!” Natawa ako sa sariling joke at ganuon din si Peter kahit yumuko pa siya sa balikat ko para itago. Seryoso na kasi sana pero pinairal ko pa ang kabaliwan ko! Pagbalik ng tingin ni Peter sa ‘kin ay dito kami ngumiti ng matamis sa isa’t isa. “Salamat sa pagtanggap mo sa islang ‘to… lalo sa pagtanggap mo sa mundo ko,” sabi pa niya na nagpalawak ng ngiti ko. “Iisa na tayo ng mundo ngayon,” paalala ko sa kanya bago siya ninakawan ng halik sa labi. Nang akmang hahalik pa siya pabalik ay inilayo ko ang ulo. “Sayaw tayo to celebrate?” aya ko at kita ang pagtataka sa mukha niya. “Bakit? Sino bang may sabing bawal magsayaw ng walang tugtog?” At akala ko tututol pa si Peter nang humakbang na siya. Nagsimula kaming mag slow dance sa taas ng lighthouse. At kahit hindi ganuon kalaki ang space, pakiramdam ko sobrang lawak nito ngayon. Ramdam ko ang nag-uumapaw na saya sa puso ko kaya ‘di ko napigilan ang pag-hum ng isang kanta. Hindi ko maalala ang title pero nagawang sabayan ni Peter. Nagsayaw pa kami ng ilang minuto bago tumigil at kumuha ng ilang litrato. At habang nakangiti kami, may tanong na akala ko sa isip ko lang pero nasabi ko pala ng malakas. “Sinagot ko ‘yung tanong mo noon tungkol sa pagtira ko rito. Pero ikaw ba? Seryoso ka bang gusto mo ‘kong makasama rito sa isla?” “Oo. Sobra.” “Paano kung gusto kong ikasal sa chapel?” Ngumiti ako para gawing light ‘yung tanong ko kahit gusto ko na naman itong bawiin. Hindi yata ako pwedeng maging komportable dahil kung anu-anong nasasabi ko. “Hindi pwede. Hindi pwede sa chapel.” Magkasunod na pagtanggi ang natanggap ko. Mistulang nahulog ang puso ko mula sa lighthouse. Sumabay pa rito ang biglaang buhos ng ulan sa kabila ng magandang panahon. Tumawa ako nang malakas kahit halatang peke. “Syempre joke lang! Cool naman ako!” Napa-rock hand sign ako na mabilis kong pinalitan ng peace sign. Hindi ko na rin alam kung bakit. Hiyang-hiya lang talaga ako para sa sarili. “Hindi naman ako traditional. Kaya ‘di kailangang ikasal para magsama,” sabi ko pa at nang tumindi na ang buhos ng ulan ay hinila ko na siya pababa ng hagdanan. Pagbaba sa kalsada imbes na hintayin si Peter, nagulat na lang ako sa sarili nang tumakbo ako papalayo sa kanya – mistulang dala-dala ang pira-pirasong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD