Chapter 3

1568 Words
I was curled up on my bed. The soreness was unbearable. Parang ten times ng dysmenorrhea. Kanina ko pa gustong bumangon para magbasa at mag-aral pero nahihirapan akong gumalaw. Paulit-ulit kong binatukan ang aking sarili. Malandi ka kasi! Nakakita ka lang ng gwapo ay bumigay ka na! Nagtataka pa rin talaga ako kung bakit ko nagawa yun. Oo saksakan siya ng gwapo at cool ang personality pero hindi naman sa pagmamayabang, marami na rin naman akong nakasalamuhang gwapo. Yung iba nga ay nanligaw pa ngunit hindi man lang ako natinag. Pero pagdating sa kanya, I was totally caught off guard! Parang nawala lahat ng prinsipyo ko sa isang iglap. Was it love at first sight? But I don't believe in such thing. Love is a long process. Imposible itong mangyari sa unang pagkikita lamang. Napasubsob ako sa unan. Mas lalo akong naiiyak. Speaking of love, kaya ko pa naman iniingat-ingatan ang aking virginity dahil nakalaan lamang iyon sa lalaking mamahalin ko, sa aking mapapangasawa. Pero nawala lang lahat dahil ganun-ganun ko lang isinuko ang bataan! Ganun ba kagaling mang-akit si Franco ng babae? But as I recalled we never really flirted while drinking. We just talked about sensible topics. Hindi rin naman ganun kadami ang nainom namin. Basta sa part ko naramdaman ko na lang na instead of going home, I wanted to spend more time with him. The desire came after I rode in his car. Doon na nagsimula ang pakiramdaman. Mabuti na lang wala akong ibinigay na mga personal information. Like my full name, numbers, pinagtatrabahuan ko. Pero kahit pa nga siguro meron, hindi niya na ako pag-aaksayahan ng oras. I looked at the time it's past nine in the morning. It's not that late yet in the Phiillipines. Naisipan kong ivideo call ang aming bunsong si Rajah. She's a typical teenager na mahilig sa mga celebrities. A certified fangirl. "Hi Ate! I miss you! Bakit po?" may lambing na sagot niya. I cleared my throat and tried to act normal. "Hi sweetie I miss you too. Matutulog ka na ba?" "Not yet ate. Maybe after an hour." "Kumusta kayo?" tanong ko. "Eto busy lagi sa preparation ng kasal ni kuya." "Mainit pa rin ba ang ulo ni Mommy?" "No. Alam mo naman yan si Mommy pag nakasermon na okay na ulit. How I wish you are here too ate. The whole family is really enjoying all these preparations." "Ako rin I wish I'm there. Miss na miss ko na kayong lahat... By the way Rajah. Di ba mahilig ka sa artista. Do you know Franco Cael Alonzo?" Namilog agad ang kanyang mga mata. "Of course! He's the hottest guy here in the Philippines. Mahigpit na karibal yan ni Jungkook sa mga kababaihan dito sa Pilipinas..." My guess was correct. Tiyak na marami na siyang naikamang mga babae. "Wait, bakit mo po naitanong?" Bigla siyang napangiti. "Don't tell me you met him? He's in US right now." "Bakit mo nalamang nasa US siya?" taka ko. "Ate naman siyempre nasa balita dito. Nakabreak siya at magpapahinga daw muna. Katatapos lang kasi ng isang series niya at box office din ang latest niyang pelikula...Teka muna ate. Ano nga nakita mo ba? Sayang sana nagpahingi ako ng autograph. Or mas maganda video greetings!" may kasamang kilig na sagot niya. Nag-isip ako ng makatotohanang alibi. "Actually yung kasamahan kong nurse na Pilipina din ang nakakita sa kanya. She talked non-stop about him." Nawala ang kanyang ngiti at napalitan ng pagtulis ng nguso."Ay akala ko naman ikaw ang nakakita." I cleared my throat again. "Ano bang image diyan ni Franco?" "Good boy. Gentleman. Gwapo. Matalino at charismatic lalo na pag sumagot sa mga interviews. Kaya madaming nagkakandarapa sa kanya dito." "Hindi ba siya babaero?" duda ko. "No!" Napakabilis ng sagot niya. "Never siyang nabalitang may girlfriend kaya nga maraming umaasa sa kanya," she giggled. "Well yung mga nakakapartner niya sa pelikula or tv drama pansamantala siyang natsitsismis pero nawawala din naman agad kasi hindi naman totoo." "Do you believe that? Maybe he's seeing someone in private," giit ko. "Maybe but never talaga siyang nabalitaang may nakarelasyon kahit hindi artista. Or siguro magaling lang siya magtago kasi iniingatan niya ang image niya." "Exactly my point!" mariing sabi ko. "Pero ate sa dami ng tsismosa dito sa Pilipinas parang ang hirap magtago ng kasing-sikat na kagaya niya." "Who knows. Madali namang maitago ang relasyon. You can do it even within the four corners of a room." Kumunot ang kanyang noo. "Teka ate. Bakit ba parang may pinaglalaban ka? Affected ka masyado. You never cared about celebrities before." "Ahh kasi ano..." naghanap ako ng magandang isasagot. "I wanted to tell these to that nurse. Para matigil na siya sa pagkukuwento about him, nakakarindi na sa tenga eh," kunway inis na sabi ko. "Pero ate dahil nakita nung kasamahan mo si Franco, malay mo makita mo rin. Yung autograph o video greetings ko ha." "T-That's impossible to happen. Ang laki nitong Amerika." Bigla iniba ko ang mood. Ngumiti ako nang malapad. "O sige na baby girl. Matulog ka na at gabi na diyan." "Bye ate. I love you. Mwah! Mwah!" halik niya sa screen. "I love you too. Mwah! Ingat kayo diyan." Napaisip agad ako nang malalim pagkatapos ng tawag. Si Franco hindi babaero? I really doubt it. Gentleman. Yes that's true. I felt it last night. Pero hindi babaero? Malabo. Why would he slept with an ordinary girl like me? Mahilig siya sa babae, that's it and there's no other explanation. ***** "Good morning Dr. Salazar," an intern greeted me as I entered the lobby of the hospital. "Good morning!" ngiti ko. I was feeling a bit better today. The soreness was still there, but the pain was more manageable now. Nakakalakad na ng normal pero kailangan pa ring iupo nang madalas. Prolonged standing or too much walking made the ache in my hips flare up again. Dumiretso muna ako sa staff room para iwan ang aking gamit. Naabutan ko doon si Dr. Kumar. There's another doctor in the room kaya nagbatian na lamang kami at makahulugang nagtinginan. Senenyasan niya akong lumabas ng silid. Pagkalabas niya ay patay-malisya akong sumunod. "Sorry I left you in the bar," she said while we walked in the corridor. "It's alright. How was your birthday night. Did you enjoy it?" ngiti ko. Kumislap ang kanyang mga mata. "Yes. I had a wonderful time." Nawala din agad ang mga ngiti at naguguilty na tumingin sa akin."Thank you for accompanying me. My bad that I left you there." "No worries," tipid na ngiti ko. Bumalik ulit ang sigla sa mukha niya. "Hey while I was leaving, I saw a very good looking guy sat beside you." Uminit ang aking mga pisngi sabay asiwang ngumiti. "Ah him. He's also a Filipino. He recognized that I'm a Filipino too. That's why he approached me." Napataas ang kilay niya, halatang interesado. “Really? He’s Filipino? He’s probably the most handsome Filipino I’ve ever seen in my life.” "Yeah me too," sabay tawa ko, medyo naiilang. She gave me a naughty look. "So how was your night?" "Nothing special. We just talked..." pagsisinungaling ko. "But I enjoyed it though. It's nice having conversation in our own language." She rolled her eyes dramatically. "Oh well. What can I expect from a very upright woman like you?" Tinapik niya ako sa braso. "Learn how to flirt girl." I responded with a soft laugh and quickly avoided her eyes. "I have to go to ER now." "See you later," wika niya. Humugot ako nang malalim na buntong hininga nang maghiwalay kami ng direksiyon. Pagdating sa ER napaupo agad ako. Sinamantala ko ang pagkakataong hindi pa abala ang paligid para ipahinga ang aking balakang. Tahimik kong sinimulan ang pagbabasa at pagsuri ng mga chart na iniwan ng doktor na pinalitan ko sa shift. Tumigil ako sa pagbabasa nang nag-vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking lab gown. It's from an unknown caller. I quickly answered it thinking that's its from a patient's family. "Good morning this is Dr. Salazar speaking." I answered amiably. "Good morning, Lauren, it's Franco." Pansamantala akong di nakagalaw. My heart raced again after hearing the familiar deep voice. "F-Franco?" kurap ko. "Yes Franco, remember...the other night." "Ah yes hi..." senenyasan ko ang nurse that I'll take the call outside. Mabilis akong nagtungo sa corridor. "Can I talk to you? Are you busy? Nakakaistorbo ba ako?" he said. "Yes. I mean no. No, I mean yes we can talk," tarantang sagot ko. "Lauren... you know." There's hesitation in his voice. "Kumusta ka?" "I'm fine," ngiti ko. "Well... Lauren to be honest. I kept thinking about you. I wish we could meet again. Okay lang ba na magkita ulit tayo? Can I ask you out on a date tonight? Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. I wanted to reject his invitation but the butterflies inside my stomach are revolting against it. "Actually I have a twelve-hour duty today. I'll be free around ten tonight. It's already late, o-okay lang ba sayo?" I awkwardly explained. "I'm fine with it," mabilis niyang sagot. "I can pick you up in the hospital before eleven." "O-Okay." "Bye. See you tonight." "B-Bye." Natutulang ibinaba ko ang telepono. Was it real? Siya ba talaga ang nakausap ko? But how did he get my number? Mukhang pati itong hospital ay alam niya rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD