Napalingon sa amin si Shannon. She approached us right away with a smile. Alam ko sa likod ng mga ngiting yun ay ang intensiyong bakuran ang kanyang nobyo. And I knew too that it was the same reason kung bakit siya sumama. Hindi ko yun alintana. Tanggap ko kung anuman ang maramdaman niya at may karapatan siya. Sabi nga ni Franco, kung sakali mang magparamdam ng selos si Shannon, dapat ko na lang siyang unawain. At iyon ang gagawin ko. Susundin ko ang gusto ni Franco. I’ll protect his happiness, and I’ll never do anything na puwedeng makasira sa relasyon nila. Whether Shannon had hidden discomfort to me or none, ayokong magpaapekto. Ang importante ay hinahayaan niyang mapalapit si Franco kay Audrey at tikom ang kanyang bibig sa aking pamilya tungkol sa koneksiyon ni Franco at Audrey. "At

