“Doktora, kumusta po ang asawa ko?” naghihinagpis na salubong sa akin ng misis ng pasyente. Nanginginig ang tinig at namumutla sa pag-aalala. Isang uri ng pagsalubong na dati ay wala ng epekto sa aking puso. At my early career, I would share in either the joy or the agony, depending on the news I carried. Until I decided to be neutral. Nakakapagod mabugbog ang puso. Nilunod mo na ang sarili sa paggawa ng lahat ng makakaya mo para maligtas ang pasyente tapos paglabas ng operating room lulunurin ka ulit ng mga emosyong nag-aabang sayo. But lately, my heart has begun to feel other people’s hearts again. Napapatanong ako sa isip, paano kung ako ang nasa kalagayan nila? Paano kung ako yung asawa o nanay na naghihintay sa labas? The mere thought of it hurts. So the least I can give them is a

