Chapter 6

1412 Words
Tahimik na ninanamnam ko ang mainit na kapeng nakalagay lamang sa disposable cup. I'm in my favorite part of the hospital, the rooftop. I usually come here either to witness the sunrise or the orange sky during sunset. It's the biggest and tallest hospital in Metro Manila so there's so much to see from up here. Iniunat ko ang leeg ko, sinusubukang pakalmahin ang tumitigas kong batok. Kagagaling ko lang sa walong oras na aortic surgery. Dalawampu’t siyam na oras na akong gising. Walang ligo, walang pahinga, walang kahit anong maituturing na maayos na kain. Para akong robot na nauubusan na ng baterya. Kaya itong ilang minutong katahimikan sa rooftop na ’to… ito lang ang tanging pahinga ko sa gitna ng mundong ayaw tumigil sa pag-ikot. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang tatlong malalaking billboard ni Franco sa magkakahiwalay na lokasyon...isa para sa clothing brand, isa para sa skin care, at isa naman para sa health supplement. He wasn't lying when he said he works hard. Six years have passed but he's still at the top of his game. Mukhang mas lalo pa siyang sumikat. I heard he landed some international projects too. While looking at him I couldn't help but think about the past. After I walked out on him at that restaurant, we never spoke again. Mahigit isang taon ko ding iniyakan ang paghihiwalay namin. Until now, wala pa rin akong napapanood sa mga pelikula o drama niya dahil makita ko pa nga lang noon ang mga pictures niya ay napapaluha na ako. Maiksi man ang naging relasyon namin but it was deeply rooted in my heart kaya nahirapan ako mag move-on. Nag-iwan ito ng pilat na naging sanhi kung bakit natakot na ulit akong makipagrelasyon. Tahimik akong humigop ulit ng kape. Ang braso naman ang inunat-unat ko...saka muling tumitig sa mga billboards. They say time heals all wound... and maybe it does. But I never imagined this day would actually come. That I’d be standing here, staring at Franco’s giant face looming over the city, and feel… nothing. No ache. No tears. Just silence where the pain used to be. Sometimes I wonder... does he still remember me? Probably not. After everything I did, I wouldn’t blame him if he buried every trace of me deep in the past. Naistorbo ang pagkakape ko nang may dumating na lalaking nurse. Hinihingal ito at napapahawak pa sa tuhod. "What are you doing? Why are you here?" istriktang salita ko. Everyone knows na pinakaayaw kong iniistorbo ako pag nagpapahinga ako sa rooftop. Pag umakyat na ako dito, it's a clear message that no matter what...they can't disturb me. They have to wait until I go down. Thirty minutes lang ang pinakamatagal kong inilalagi rito, kaya nakakainis kapag kahit 'yung maikling oras na 'yon, gusto pa rin nilang agawin. "I'm sorry doktora pero may VIP patient ho na nagdedemand na ang pinakamagaling lamang na surgeon ang titingin sa kanya at ikaw ho yun." "Andiyan si Dr. Nicolas. Why can't he do it?" I'm referring to other surgeon on-duty. "Ayaw po ng pasyente na may ibang titingin sa kanya, kaya daw siya pumunta dito dahil sa inyo." "Sino ba ang pasyenteng vip?" "Si Senator Hidalgo ho." Napabuntong-hininga ako. Dapat ay balak ko nang umuwi. Mag-aayos na lang sana ako ng mga gamit. But it's written in my contract clause that I must always prioritize VIP patients... especially those with the power to either elevate or ruin the hospital’s credibility with just one word. This is why I used to hate working in this country. Ipinagyayabang ang kalayaan pero napakagarapal naman ng kawalan ng equility. "Is it emergency?" napipilitang tanong ko. "Magbabasa lang doktora ng CT-Scan. Nabasa na rin ho ni Dr. Nicolas ang resulta kaya lang gusto pa ring marinig ang opinyon niyo." I let out a deep sigh. It’s not even an emergency since Dr. Nicolas already read the image. Tsk. Those privileged patients thinks that undermining other doctors will save them from their illness. "I'm not done with my coffee break. Tell them to wait," matigas na salita ko. "Sige po doktora. Sasabihin ko po. Pasensiya na." I turned my back. I gazed at the crowded city again. Time and experience had hardened my heart. I learned to value myself more. Dati kapag namamatayan ako ng pasyente, ilang araw kong dinadamdam yun. Pero ngayon, tanggap ko nang hanggang doon na lamang ang buhay nila. We're doctors but we're not God. I no longer blame myself, not if I know I did everything I could to save them. Isang taon at dalawang buwan pa lang akong nagtatrabaho dito but I already performed ninety six major surgeries. Our country's health system is very frustrating. Ang daming lumalalang sakit dahil hindi naagapan nang maaga. Unlike in other countries, where even a simple cough or cold is enough reason for people to visit public hospitals and they’re warmly welcomed for check-ups. Yung mga kagaya lamang ni Senator Hidalgo ang nakakatanggap ng magandang health services. Pero yung mahihirap, may sakit na nga tila mas mga pinapahirapan pa. I finished my coffee. Mahinahong pinuntahan ko ang pasyenteng senador. Based on his results, kailangan niya ng by-pass operation. Hindi pa naman ganun ka urgent kaya we schedule the operation based on his availability. And he demanded that I'll be the one to perform it. "Senator Hidalgo, Dr. Nicolas can also perform it. He's a very good surgeon too," magalang na alok ko sa pasyente. Kaharap ko si Dr. Nicolas, alam ko na medyo nasaktan siya dahil siya ang unang doktor na nag-asikaso sa senador. "It's okay Dr. Salazar. I totally understand that Senator Hidalgo will request the best surgeon of Good Heart," maamong wika ni Dr. Salazar. Although he's a bit hurt, he's a very understanding and kind colleague. "Yes. He's right. Ikaw ang gusto kong mag-opera sa akin at wala nang iba." "O-Okay sir." Bigla akong nagsisi na sinabi ko pa yun. Mukhang mas lalo ko lang nasaktan ang feelings ni Dr. Nicolas. Nauna akong lumabas ng silid. Nagmamadali ako dahil gusto ko nang makauwi at magpahinga. "Dr. Salazar!" tumigil ako at lumingon kay Dr. Nicolas. He's walking behind me. Nakangiting sumabay siya sa akin. He's three years older than me. Most of the nurses got a crush on him. He's tall, handsome but apparently not dark... Maputi at medyo may pagka tsinito. Wala akong masyadong alam sa personal niyang buhay pero simula nang nagtrabaho ako dito sa Good Heart, I haven't seen him with a woman or a kid. "I'm sorry about earlier," agad kong sabi. "No. Don't feel bad about it. Most of us here already accepted that we're no match compared to your popularity," may halong birong salita nito. "Did you have breakfast already?" "Not yet," diretsong sagot ko. "W-Would you mind joining me? Hindi pa rin ako nag-aalmusal." "I'm sorry but I really want to go home now. I want to take a rest so badly," medyo nagi-guilty na sabi ko. "Oh okay," mahinang tawa niya. "I understand. Narinig ko nga na katatapos mo lang ng mahabang oras na surgery." "Yes, pasensiya ka na." "No worries. Yayayain ko na lang yung ibang doktor or nurses perhaps," masiglang sabi niya. I waved him goodbye. Dumiretso ako sa aking office. Kinuha ko ang aking mga gamit saka pumunta ng parking. I drove to my parent's house first. I'm craving for lutong bahay kaya kahit alam kong marami na naman akong maririnig na kung-ano-ano mula sa aking ina ay titiisin ko na lamang. "Ano na Lauren? Ganyan na lang ba ang buhay mo? Wala ka na ba talagang balak mag-asawa?" My mother's word as she served me a plate of rice and chicken adobo. "Mom, pwedeng huwag muna ngayon. I'm really really tired," nanghihinang wika ko, mas lalo ko pang pinagmukhang pagod ang aking hitsura para makonsensiya naman siya. "Nakakapagod talaga ang ganyang buhay. Sa trabaho na lang umiikot ang buhay mo. Paanong hindi ako mag-aalala? Tatanda kang mag-isa Lauren! Si William nakadalawang anak na. Ikaw ni lovelife wala! Huwag mong sabihing hihintayin mo pang maunahan ka ni Rajah mag-asawa!" "Mom. Patapusin mo naman akong kumain," pakiusap ko. "Ay hindi dahil ito lang ang pagkakataon na nasesermunan kita. Mamaya, either nakaalis ka na o tulog ka na kung saan-saan dito sa bahay!" Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siyang mag-drama habang ako ay tahimik na nag-aalmusal. Magana pa rin akong kumain. Binilisan ko na lang ang pagsubo para makauwi agad sa sarili kong condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD