Ilang oras na ba ang hinintay ko dito sa gurang na iyon? Aabot na ata ng mga dalawang oras. Grabe ako na nga dineadma, siya pa ang may ganang mag walk out.
Tinignan ko ulit ang mga palad ko. Chinecheck ko ito every time baka kasi bigla na lang ako maglaho ng tuluyan. Mamatay akong virgin. Naks naman. Grabe ka tadhana a.
"Tagal naman ng tandang iyon a." bagot kong sabi.
"Maghintay ka, hindi iyong puro reklamo ka."
Nagpalinga linga naman ako kung sino iyong nagsasalita. Akalain mo may multo din pala dito?
"Nang iinsulto ka ba? Nandito ako sa baba." sabi pa ng multo.
Tinignan ko naman sa baba at kita ko ang isang nakapamewang na daga. Pfft.
"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA—teka...HAHAHAHAHHAHAHAHA—di ko keri...HAHAHAHAHA—"
*PAK*
"Aray ano ba!" sigaw ko habang hinihimas ang paa ko. Pano ba iyan e hinampasan ng daga ng bakal ang paa ko.
"Yan napala mo sa kakatawa sakin. Hmph!" sabi niya sabay halukipkip. Pinigilan ko na matawa sa inaasta niya. Hindi na nakakagulat na nagsasalita ang daga. Palaka pa lang kanina gulat na ako e dito pa kaya sa daga?
"Pasenysa na a pfft—Sabi ko nga pipigilan ko na tumawa." sabi ko agad e pano ba kasi grabe ang sama ng tingin sakin. Umupo ako at tinitigan ang daga.
"Ano pangalan mo?" tanong ko sa daga. Ngayon ko lang napansin na medyo mataba siya.
"Pangalan ko si Squek, ito namang babae ay si Kikkik, at ang mataas na daga siya naman na lalaki ay si Ekek." sagot niya. Tinignan ko naman silang tatlo habang ang mga kasamahan nila ay nagtatago sa loob ng maliit na bahay nila. Ang cute.
"Hello sa inyo, ako naman si clesyaela." sabay wave ng kamay ko sa kanila.
"Aclesia bracelet ba iyang nasa kamay mo?" tanong ni kikkik.
"Oo, alam niyo ba ang tungkol dito?" tanong ko sa kanila. Baka sakali matulungan nila ako.
"Isa lang ang alam namin, si Prinsesa Aclesia ang nag mamay-ari na iyan." sagot naman nito. Siguro hindi naman iyon si Mama ko diba? Magkaparehos lang sila ng pangalan.
"Isa siyang Prinsesa?" tanong ko pa ulit.
"Oo, pero siya ay tinaboy nung malaman ng Boss ng bahay na ito na may mahal siyang iba." sagot naman ni Ekek.
"Kaano-ano niya ba ang boss ng bahay na ito?" tanong ko pa.
"Tiyahin!" sabay sabay naman nilang binanggit. So babae pala ang boss dito? Akala ko lalaki matatakot na sana ako. Hahaha.
"Tama na iyang usapan niyo at magtrabaho kayo."
Napalingon naman ako sa dumating at si Lolo Ginga iyon. Nagsibalik na din ang mga daga sa pagtatrabaho habang ako? Ayun, dineadma na naman ng gurang. Ano ba yan!
"Lolo Ginga, sinabihan ako ni Hoshi na sa inyo ako humingi ng tulong." pagsisimula ko na ikinatigil niya.
"At sino ka pa naman para tulungan kita?" sabi niya at sabay lapit sakin gamit ang mahaba niyang leeg. Jusqo, Katakot naman itong gurang na ito. Humahaba ang parte ng katawan niya. Mga kamay, paa, at leeg.
Elastic Man is dat you? ksksksksk.
Magsasalita na sana ako ng napatigil siya at mas lalong nilapitan ako at sininghot. Ahhh!! Kakainin niya na ako. T^T
"Isa kang tao? Paano ka nakapunta dito?" tanong niya.
"Kasama ko si Papa ko. Rafaelo ang kanyang pangalan." natigilan naman siya ng binanggit ko ang pangalan ng papa ko. Hindi naman niya siguro kilala si papa ko hindi ba?
"Ganun ba? Sige susubukan ko hanapan ka ng trabaho kung meron pang available." sagot naman nito.
*BLAGGGG*
"Ugh! Kainis! Ako pa talaga ang ilalagay nila sa paglilinis na iyon!" sigaw ng babae na kakarating lang dito.
"Tamang tama ang dating mo, Selene." sabi ng gurang. Nagtaka naman na lumingon saaming direksyon ang babae na gulat na gulat.
"Teka! Siya ba itong tao na pinagguguluhan sa itaas?" sabi niya naman habang pinagmamasdan ako. Tama nga si Hoshi, mabilis nila ako masense.
"Oo Amanda, kaya ang gusto ko samahan mo siya sa kay boss sa pinakataas. Gusto niya magtrabaho dito." sagot naman ni Lolo Ginga. Ako tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Ako? Hindi ko iyan magagawa. Takot ko na lang maging daga, kaya hindi pwede." angal naman agad ni Amanda. Biglang may kinuha si Lolo Ginga sa may cabinet.
"Ayaw mo? Sige hindi kita bibigyan nito." sabi ni lolo habang hawak ang dalawang pritong butiki. Sinubuka kong hindi lumuwa sa harapan nila. Iyan ba kinakain nila dito? Mas mabuting maglaho na lang ako dito keysa kumain niyan. Pero paano si papa? Aish!
"Sige na nga! Hanggang elevator lang ako a." sagot naman ni Amanda at tumingin sakin.
"Halika ka, sundan mo lang ako at huwag ka mawawala sa tabi ko. Baka maamoy ka nila." dugtong niya pa at pumunta na sa maliit na pintuan.
Lalakad na sana ako ng pinigilan ako ng mga daga. Tinuturo nila ang sapatos ko na iwan na lang dito kaya sinunod ko na lang at pumunta na sa maliit na pintuan. Bago ako pumasok tumingin ako kay Lolo Ginga na ngayon ang nagluluto na.
"Salamat po, Lolo!" masayang sambit ko at nag thumbs up naman siya.
Pumasok na ako sa loob at sinundan na si Amanda. Nasa likod niya lang ako habang naglalakad kami as in nakadikit ako kay Amanda. Kung titignan ay hindi palaka si Amanda, maganda nga siya kung pagmasdan mo.
"Sa likod ko lang lagi ikaw. Huwag ka mawawala diyan. Mahirap na." pagpuputol niya sa pagiisip ko. Tumango na lang ako at sinunod siya.
Tumingin ako sa mga nadadaanan namin. Mukhang busy sila a. Iyong iba hindi naman palaka ang mga mukha. Magaganda naman ang mga babae dito.
Nadaanan din namin ang malaking hallway na may mga mahahabang mesa at madaming nilalang ang mga kumakain. Iyong iba mga payat at mataba. Nadaanan din namin ang malaking banyo. Napanganga ako sa mga nadaanan namin. Nakakamangha.
Akala ko hindi totoo ang mga fantasy pero ito ako ngayon, ramdam na totoo talaga.
"Nandito na tayo." sabi ni Amanda at tinignan ang elevator.
"Amanda! Nandito ka lang pala." sigaw ng kasamahan niya. Agad niya naman akong tinago sa likod niya.
"A-ah, pumunta kasi ako kay Lolo Ginga, bakit ano kailangan mo sakin?" tanong naman ni Amanda sa lalaking palaka.
Naningkit ang mga mata ng kausap niya at para bang hinahanap ako. Lapit siya ng lapit samin, kami naman atras ng atras hanggang sa may naramdaman ako na malambot sa likod ko.
Tumingin ako sa likod ko at kita ko ang isang matabang malaking nilalang na mabalahibo. Puti ang kanyang balahibo. Mukhang mabait naman siya.
"Amoy tao ka Amanda, sabihin mo nga may tinatago ka ba?" tanong ng kasama niya.
"Kung meron man akong tinatagong tao, sana kinain ko na iyon pero wala e. Siguro ito ang naamoy mo." sabi ni Amanda sabay kaway kaway ng isang pritong butiki.
Nanlaki naman ang mata ng kasama niya at pilit inaabot ang butiki.
"Akin na iyan Amanda, ibigay mo na iyan sakin." sabi niya kay amanda habang inaabot ang butiki.
Tinignan naman ako ni Amanda at kinindatan sabay tulak sakin sa loob ng elevator. Kasabay ng pagpasok ko ay ang nilalang na puti ang balahibo.
Sakop niya ang loob ng elevator. Hindi ako kasya dito sa likod niya. Pilit ko inaabot ang pull lever para umandar ang elevator pero hindi ko talaga maabot dahil nasa likod ako ng nilalang na ito.
Naramdaman ko namang gumalaw siya at inabot ang pull lever. Gumalaw ang elevator pataas. Kaya hindi na ako umimik pa at hinintay na lang na makalabas dito.
*TING*
Sa wakas makalabas na ako dito. Pinagpapawisan na ako dito. Jusqo. Di ko keri ang init. Ikaw ba naman may kasamang malaki at matabang nilalang. Wala pang hangin niyan, kaya mo ba?
Lumabas na kaming dalawa at luminga linga ako. Sobrang tahimik dito. Ito na ba ang pinakatuktok? Nakita ko namang tinuro niya ang isang pintuan sa hindi kalayuan. Iyon na siguro ang kwarto ng Boss nila.
Nagpasalamat na ako sa kanya at umalis na patungo sa silid ng Boss nila. Tumigil ako sa harap ng pintuan at kakatok na sana ako ng bumukas ito ng biglaan at parang hinihigop ako sa papasok.
"AHHHHH!!!!!" sigaw ko.
Hinigop talaga ako papasok. Ilang pintuan ang nadaanan ko habang nagpahigop ako. Daming pasikot sikot. Ahhh! Nahihilo na ako. Ano ba!!
Natigil din kami sa isang silid. Sumandal ako sa isang sofa. Nabaliktad ata sikmura ko sa bilis ng pagkahigop sakin. Tumayo ako ng dahan dahan at tumingin sa paligid.
May mga bookshelves dito at iba pang furnitures. Para siyang eleganteng kwarto. Natigil naman ang paningin ko sa isang desk na may mga tinta at papel. May mga jewelries pa na kumakalat sa mesa. Wow, yayamanin.
Natungo naman ang paningin ko sa isang matandang babae na may mahabang ilong. Girl Version ni Pinochio. Hahaha.
Pero seryoso ang sama ng tingin niya sakin. Medyo may katabaan siya at pandak.
"Anong kailangan mo dito?" seryosong saad niya. Napalunok naman ako.
"Nandito po ako para maghanap ng trabaho." sagot ko naman agad.
"Walang trabaho. Makakaalis kana." sabi niya ng walang pakialam. Laglag panga ako diyan a.
"Pero kailangan ko ng trabaho. Pleasee po! Bigyan niyo na po ako." Pagmamakaawa ko.
"Sabing umalis kana!" sigaw niya na kinataas ng balahibo ko. Pero hindi ako susuko. Kailangan ko ito.
"Pero kailangan na kailangan ko ito. Bigyan niyo na po ako ng tra—" naputol ang sasabihin ko dahil biglang ayaw bumuka ng bibig ko. Anong nangyayari?
"Ayan, buti tumahimik kana." sabi niya at nagpipirma ng mga papeles sa desk niya.
"Hmmmmm!!! Hmmm...Hmmmmm!" sigaw ko kahit alam kong hindi ako makakapagsalita.
"Ay ano ba! Huwag ka sabi maingay!" sigaw niya.
"WAAAHHHHHHHH!!! WAAAAAAAAHHHHH!!!" biglang sigaw ng isang sanggol. Sanggol?
"Ayan! Dahil sayo nagising ang anak ko." sabi niya at pumunta sa kwarto ng anak niya.
"WAAAAHHHHHHH! WAAAAHHHH!!!! WAAAAAAHHHH!" kasabay ng pag iyak niya ang pagkasira ng buong kwarto.
"Shhh..Tahan na baby ko...andito na si Mama....shhhh..." kita ko na pilit niya pinapatahan ang anak niya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng lungkot.
Nakita ko naman na lumipad ang isang papel at isang feather na may tinta. Ano gagawin ko dito? Tinignan ko lang ito ng may pagtataka.
"Pirmahan mo iyan." sabi ng Matandang Babae na kung tawagin ay boss nila. Dahil sa pagpapatahan sa anak niya, kita mo ang pagkasira ng kanyan buhok at damit. Ganun ba kahirap mag patahan ng sanggol?
"Hmmmm? Hmmmmm?" hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagsalita.
"Contract yan para sa trabaho mo." sagot niya. Agad naman ako naghanap ng maliit na mesa at nag pirma gamit ang pangalan ko. Biglang lumipad ang papel at pumunta sa kay Boss.
"Clesyaela, magandang pangalan. Pero hindi na ito ang magiging pangalan mo." sabi niya at binago ang pangalan ko gamit ang kanyang kamay. Wow! Namamangha pa rin ako sa mga nagagawa nila.
"Ikaw na ngayon si Aclesia." dugtong niya pa. Pangalan ng Mama ko iyan. Dahil sa hindi ko maibuka ang bibig ay nagbow na lang ako bilang pasasalamat.
"Makakapagsalita kana Aclesia." sabi pa niya.
"SALAMAT PO!!! BOSS." sabi ko agad.
"O siya sige, may magtuturo saiyo kung ano ang trabahong gagawin mo." sabi pa niya.
Maya maya biglang dumating ang isang pamilyar na lalaki saakin. Si Hoshi. Ngumiti ako ng magtama ang aming paningin pero dinaanan niya lang ako. Parang kanina grabe ang tulong niya sakin, pati nga first kiss ko kinuha niya. Ngayon!? WALA DEADMA NA NAMAN AKO!
"Tss. Sungit." bulong ko sa sarili.
"Ano sabi mo?" malamig na may pagkairita sa boses nito ngunit ito ay pabulong lamang.
"Wala, sabi ko panget ka." bulong ko ulit. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya umiwas na lang ako. Psh.
"Hoshi, ikaw na bahala kay Aclesia. Iyan na ang bagong pangalan niya." sabi ni Boss.
"Masusunod po, Boss." sagot naman nito. Inikot ko na lang ang mata ko. Asar.
"Halika na kung ayaw mo maging daga." sabi niya kaya agad naman ako sumunod sa likod niya.
Nang makalabas na kami sa silid ay huminto ako.
"Bakit ba ang sungit mo ngayon a?" tanong ko sa kanya habang napamewang. Tinignan niya naman ako ng matalim.
"You don't need to care or worry about it." saad niya.
"Aba! Anong don't care ka diyan, kung makahalik ka sakin kanina parang kulang na lang ikama mo na ako." sagot ko.
"I said you don't need to worry or care about me!" sigaw niya. Tumigil na din ako. Ano ba nangyari sa kanya?
"From now on, call me Master Hoshi. Ako ang magtuturo ng iyong magiging trabaho. Lahat ng utos ko, susundin mo. At sa oras na umangal ka sobrang parusa ang gagawin ko sayo." sabi niya at umalis na.
Hindi ko nagets pero parang nakakatakot naman siya. Hmp! Bahala siya! Si Boss lang susundin ko at hindi siya. Period.
Umalis na din ako at sinundan siya. Sana maging maayos ang lahat at mahanap ko na agad si Papa.