Ch#1: Ang Pagsisimula

2020 Words
Kay ganda pagmasdan ng araw ngayon. Malinaw na asul ang kalangitan ang makikita mo. Mga pagsayaw ng mga puno, ang sipol ng hangin papunta sa iyong balat. "Ahh...Nakakarelax naman dito tay." sabi ko sabay tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "Oo naman anak, mas magiging relax pa tayo doon sa pupuntahan natin." Excited na ako sa pupuntahan namin. Pupunta kami ng probinsya kasi summer vacation na. Hindi ko talaga maiwasan mamangha sa mga nararaanan namin na mga puno parang kumikislap sila. Kasabay ng mga dahong nagsasayaw at lipad ng lipad sa hangin. Napakaaliwas ng araw ngayon. Mararamdaman mo ang konting init na humahaplos sa balat na nagmumula sa araw. "Pa, dito din ba nakatira si mama?" walang pasabing tinanong ko. "Oo anak, tandang tanda ko pa noon. Pati ang kanyang tinitirahan..." pagsisimula niya. Tumahimik ako at humiga sa loob ng sasakyan at hinayaan si papa mag kwento. Gusto ko malaman kung ano ang buhay ng mama ko. Kinuwento ni papa kasi sakin na umalis at hindi na bumalik si mama nung sanggol pa lamang ako. Kaya hindi ko maiwasan magtanong palagi tungkol kay mama. "...noong gabing iyon, inutusan ako ng lola mo na kumuha ng ilang kahoy sa kagubatan. Mag gagabi na iyon kaya binilisan ko ang paghahanap. Habang papasok ako sa kagubatan ay mararamdaman mo ang napakagandang pakiramdam. Lahat ng makikita mo ay talagang nakakamangha. Kaya dahil sa nag eenjoy ako sa loob ng kagubatan ay naligaw ako at hindi ko na alam ang daan pauwi samin..." "Pasaway ka kasi pa." dugtong ko. Hahaha. "Ikaw talagang bata ka, hahaha... Itutuloy ko pa ba ang kwento?" tanong niya sakin. "Oo namna tay, excited na ako kung ano mangyayari sa iyo Pa. Hahaha." sabi ko na may pangtukso na tono na siyang ikinatawaniya na lang. "..So ayun na nga anak, naabutan ako ng gabi at sobrang dilim. Sinag ng buwan lang makikita mo sa kagubatan. Habang naglalakad ako nun ay parang nakaramdam akong may nakatitig sakin kaya binilisan ko ang paglakad hanggang nasa pinakaliblib na ako ng kagubatan. Hindi ko inaasahan na may makikita akong babae na may hawak na lampara habang nakatitig sakin." "Siya na ba ang mama ko?" excited kong tanong. Feeling ko maganda si mama kasi duh! Maganda ako noh. "Hahaha, Oo anak. Siya si Aclesia. Nung makalapit na siya sakin tinanong niya ako kung bakit nandito pa ako sa gitna ng kagubatan e gabi na." rinig ko pang tawa ni papa habang inaalala ang mga pangyayari. Pinagmasdan ko si Papa habang nagmamaneho. Kahit tumatawa siya, ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Matang nangungulila sa kanyang mahal. Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng tissue at binigay ka papa. Hininto niya ang sasakyan at tumingin sakin. "Ito Pa oh?" sabay bigay sa kanya ng tissue. "Ok lang si Papa, Anak." sabi niya sabay ngiti at pinaandar na muli ang sasakyan at nagsimula na mag maneho. Binalik ko na lang ang tissue sa bag at humiga ulit. Kita ko dito sa labas ng bintana na nagbabadyang umulan. Wala naman bagyo nung chineck namin bago kami pumunta dito. Aish. "Mukhang uulan yata, Hanap muna tayo ng matutuluyan dahil delikado na daanan ang routa." sabi niya at huminto sa isang malaking bahay. "Pa, magiging ok ba tayo dito?" sabi ko ng may pagaalalang tanong. Medyo nakakatakot kasi dito. Marami na din mga alikabok sa mga pader at frame. Creepy. Naglakad pa kami patungo sa pinakagitna ng malaking bahay. Para siyang mansion kung titignan ang kabuuan. May mga bulaklak din na patay na at meron pa din natira na maganda. Hindi ata ito inaalagaan dahil na rin siguro sa kawalan ng customer. "Alam mo ba anak, dati sobrang takot din ako. Pero dahil sa mama mo naging matapang ako. Kaya pag natakot ka. Isipin mo lagi na sa bawat dilim na iyong mararaanan ay nandoon ako at si mama mo. Bawat dilim na kakain sayo ay palagi mo kami kasama. Bawat dilim na pupuntahan mo ay may laging liwanag sa dulo." malalim na sabi ni papa. "..." wala akong masabi. Ibang iba si papa ngayon e dati sobrag kulit niya sakin. Sinunod ko na lang ang sabi niya at hinayaan ang madilim na hallway kumain samin. Maya maya nakarating din kami dahil may nakita kaming liwanag ng isang lampara at mesa. Unti unti ko nakikita ang isang imahe at bulto ng isang tao. Siya ata ang tagabantay nitong malaking bahay. "Ah, Miss may bakanteng kwarto ba kayo dito?" tanong ni papa ng maabot namin ang desk. Tumingin naman samin ang matandang babae. Biglang nagsitaasan mga balahibo ko kaya napakapit ako sa damit ni papa at nagtago sa likod. "Oo, Madaming madami." sagot naman nito. "Sige kunin namin ang isang kwarto iyong dalawa ang kama, nagdadalaga na kasi ang anak ko. Kaya gusto ko matuto siya matulog na siya lang mag isa." sabi ni papa na may halong biro. "Papa naman! Hmp!" napanguso na lang ako sa sinabi ni papa. Nawala din ang takot na naramdaman ko dahil sa biro niya. Siguro naramdaman niya din ang takot ko. Ibang iba talaga si papa ko. Ayaw na ayaw ko mawalay sa kanya. Siya ang pinaka the best na papa sa buong mundo. Kahit wala akong mama, pinaramdam niya sakin ang pagiging Ama't Ina sakin. Hindi siya nagkulang, lagi niya ko sinusuportahan. Kaya ang swerte ko sa papa ko. "Sige, hatid ko na kayo sa taas." sabi ng matandang babae at kumuha ng susi sa bulletin board. Wow, ngayon ko lang diyan nakita. "Salamat po." sabi ni papa tyaka nag bow ng konti. Nagsimula ng umalis ang matandang babae at sinundan namin siya ni papa. Hindi pa rin ako bumibitaw sa damit ni papa baka may biglang kukuha sakin dito. Takot pa naman ako sa dilim. "Bawat dilim na iyong mararaanan ay nandoon ako at si mama mo. Bawat dilim na kakain sayo ay palagi mo kami kasama. Bawat dilim na pupuntahan mo ay may laging liwanag sa dulo." Bigla ko naman naalala ang sinabi ni papa. Dapat hindi ako matakot at dapat maging matapang. Tinignan ko ang likod ng matandang babae habang paakyat kami sa isang lumang hagdanan. Ang creepy talaga dito. Tinignan ko ang mga frames na madadaanan namin. Maalikabok at medyo hindi kita ang mga picture sa loob. Hindi siguro ito nalilinisan. Binalik ko ang tingin sa matandang babae na ngayon ay diretsong nakatingin sakin. Juice colored! Tumayo lahat ng balahibo ko pati buhok ko. Ramdam ko ang takot sa katawan ko. Hindi ko mawari ang mensahe ng kangyang titig sakin na para bang may mangyayaring masama. "Nandito na tayo, sana'y maging maganda at mahimbing.......ang tulog niyo." sabi pa niya at binuksan ang pintuan ng kwarto. Ang pagkabanggit niya ay parang babala saamin. Ihhh! Ayoko na mag isip matatakot lang ako lalo niyan. "Salamat po sa muli." sabi ni papa kaya hindi na rin ako nagdadalawang isip na magpasalamat. "S-salamat din po." sabi ko sabay yuko tanda ng paggalang. "Kay ganda ng iyong anak. Pwede na siya sa isang pageant." sabi ng matandang babae kaya napataas ang tingin ko sa kanya. Nagulat ako kasi naging isang dalaga ang kanyang mukha at ngayon ay nakangiti na rin. Ang ganda niya para siyang isang diwata. Kinusot ko mga mata ko baka kasi namamalikmata ako. Matanda na siya e pano naman magiging dalaga iyon? Masyado na ako naadik sa mga fantasya na mga kwento. Binuksan ko ang mga mata ko at namamalikmata lang talaga ako. Kasi matanda na iyong babae e. Imagination ko lang iyong pagiging dalaga niya. "O siya, Maiwan ko na kayo. Malapit na din ang gabi." sabi niya at nilisan ang kwarto namin. Dali dali ako pumunta sa isang kama at nahiga. Ah, ang sarap sa pakiramdam. Kung sa labas masyadong alikabok dito namansa loob sobrang linis. Ito pala ang sekreto nila ah. Tumingin ako kay papa na ngayon ay nagaayos ng gamit namin. Pansamantala lang kami dito bukas aalis na din kami. Kaya dahil mag gagabi na kakain at tutulog na lang kami. . . . . . . . . . . . . . . . . Teka, Gabi? Hapon pa lang nung chineck ko iyong oras sa phone ko. Bumangon ako at umupo. "Pa, pansin mo ba? Parang may kakaiba dito sa bahay na ito e." pagsisimula ko. "Bakit mo naman iyon naisip anak?" tanong niya. "Kasi, kanina nung pumasok tayo parang walang tao, tapos sobrang alikabok pa. At ito pa, sobrang linis dito sa loob ng kwarto. Atsaka nung chineck ko iyong time pagkababa ng sasakyan hapon pa lang, 1pm. E, bakit sinabi ng matandang babae na mag gagabi na" sabay harap kay papa. "Alam mo anak, ang mga isip ng mga matanda ngayon medyo hindi na gumagana dahil tumatanda na sila." tumayo si papa at tumabi sakin. "Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na kakaiba, tulad ngayon. Dahil parte sila ng mga magagandang bagay. Hindi mo makikita ang kagandahan pag walang mga kakaibang bagay hindi ba?" napatango naman ako sa sinabi ni papa. "Kaya, matulog ka na a? Aalis pa tayo bukas." dugtong niya at may kinuha sa bulsa niya. Isang star na bracelet. Kumikinangkinang pa nung nilagay ni papa sa wrist ko at sabay ngiti sakin. "Ang ganda naman nito Pa. Saan mo ito nabili?" tanong ko habang pinagmamasdan ang bracelet. "Bigay iyan ng mama mo nung sanggol ka pa. Ito ay isang lucky charm na mag proprotekta sa iyo sa kahit anong sumpa." sagot naman nito. "Sumpa? Wala naman iyan pa e. Pero sige ikekeep ko ito. Ang ganda." sabi ko ng may ngiti sa labi. Hinimas ni papa ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. "Matulog ka na anak, gigisingin na lang kita pag dinner na. At.......huwag na huwag kang lalabas sa kwartong ito hanggat hindi ko sinasabi na lalabas ka." sabi niya na ipanagtataka ko. Bago ko pa maitanong ang huli niyang sinabi ay tumayo na ito at pumunta sa kama niya at humiga ng patalikod sakin. Ano kaya ibig sabihin ng huli niyang sabi. Baka ayaw niya ako lumabas dahil baka maligaw ako at hindi niya ako mahanap. Oo nga naman, madalas ako maligaw sa mga pinupuntahan namin. Humiga na lang ako at nagtalukbong ng kumot. Ano kaya magiging pagkain namin? Gabi na pala mamaya, kaya itulog ko na lang muna ito. Pagod din ako sa byahe kaya pahinga na ako. Pinikit ko na ang mata ko at hinayaan ang sarili ko na matulog. Hanggang sa naging blangko na ang lahat at tuluyan na akong natulog ng mahimbing. Matandang Babae's POV Tinitignan ko ang batang natutulog at ngumiti. Kasabay ng iyon ay ang pagbangon ng kanyang ama na ngayon ay nakatingin sakin ng masama. Kilala ko siya. Siya si Rafaelo, Asawa ni Aclesia. "Kamusta na Rafaelo." sabi ko ng may diin. Iniwas niya ang kanyang tingnin at napabuntong hininga. "Alam kong alam mo kung sino si Aclesia. Pero hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa anak ko. Sa anak namin ni Aclesia." sabi niya. "Huwag ka mag alala, hindi siya mapapahamak. Pero kailangan niyang pagdaanan ang mga pagsubok sa buhay niya dahil iyon ang nakatakda sa kanya." sabi ko at binuksan na ang pintuan. "Dahil siya ang anak ni Aclesia." dugtong ko at umalis na. Hindi ko inaasahan na magkaroon ng anak si Aclesia. At kita ko nga na mahal niya ang kanyang anak dahil sa bracelet na nasa pulsuhan ng dalaga. Napangiti na lang ako at hindi na mangamba pa. Alam kong protektado ng bracelet na iyon ang kahit anong sumpa. Sana maging maayos ang lahat at sana maging tagumpay ang anong mangyari. Rafealo's POV Tinignan ko ang anak kong himbing na natutulog. Hinimas ko ang kanyang buhok. Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sayo. Hindi ko hahayaan na kunin ka nila sakin. Bigla kong naramdaman ang isang presensya ng binata sa likod ko. "Nagkita muli tayo, Rafealo." sambit nito. Napangiti ako ng malungkot. "Ikaw na ang bahala sa anak ko. Ikaw na bahala kay Clesyaela." sabi ko at tumayo na. Pinagmasdan ko muli ang aking anak. Magiging maayos ang lahat. Magkita muli tayo aking anak. Aking pinakamamahal na anak. Kasabay nito ay ang paglagay ng marka ng binata sa aking kamay na siyang sumpa na magiging isa akong halimaw. "Paalam, Clesyaela aking anak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD