Amoy ng basang lupa at kahoy ang una kong napansin ng imulat ang mata. Malabo pa ang lahat sa’kin at hindi alam ang nangyayari kaya hindi ko alam ang gagawin. Nasaan ako, at anong nangyari? Tatayo na sana ako pero mabilis din na natumba dahil nakatali ang kamay ko sa likod! My eyes widened in disbelief. Doon na tumama sa’kin ang kaba at kilabot… Si Laura… Hinampas ako ni Laura kanina pagkabukas ko ng pintuan! Napaamang ang labi ko at tinignan na ang paligid. Madilim at malamig. Gabi at punong-puno ng puno. I cannot even see a single light from where I am! I gritted my teeth in anger. Anong pina-plano ng babaeng ‘yon!? I am still wearing the same pastel purple dress earlier. Medyo napaigtad ako ng maramdaman na ang sakit ng ulo dahil pinilit kong i-angat ang katawan ko! “Gising ka na!

