Hindi ko alam kung paano natago ng De Loyola at Santiesteban sa media ang nangyari noon sa pagitan namin ni Hector. It should be booming back then. Dapat ay kalat na may babaeng buntis sa bahay nila Hector. Pero hindi lumabas ang ingay o kalat sa kahit sino noon. Donya really protected me well too. Naalala ko tuloy kung paano ako nagmakaawa sa Donya. "ANONG sabi mo?! Iiwan mo ang apo ko?!" Lola hissed. Nagdadalawang isip din ako na pumunta kay Lola, pero wala akong choice kung hindi siya. I have the money and means—pero hindi ako tatantanan ni Hector for his selfish reason. Kaya kailangan ko ng matigas na proteksyon. Kung hindi gagana, talagang aalis na lang ako mag-isa. But this is my chance. "Ayaw po sakin ng apo niyo..." Nagsalubong ang kilay nito. "Paano mo nasabing ayaw

