Iniyakap ni Hector ang ulo ko sa mabango niyang dibdib. Tae, kanina lang nag-aaway kami tapos ngayon yakap ako!? Aba-aba! Ang bango! Amoy lalaki pero hindi ganon katapang! Kaadik! “Sino ‘tong babae mo na dinadala sa ospital at balita ko, buntis?” Kalmado ngunit may bakas ng pagbabanta ang tinig ng matanda. “Lola…” Hector sighed. Tunog magpapaliwanag na. “Hindi naman ‘to si Magnolia, ano?” Ako ‘yon! Ay, kilala ako ni Lola? Siguro… kasi nga nagpanggap ako bilang bride ni Hector, di ba? Taray. “Lola…” “Ikaw bata ka!” Sigaw ng matanda at hinila ang buhok ni Hector. My eyes widened noong sinabutan siya mula sa likod noong matanda at hinila-hila! “Kaya pala ayaw mo ipakulong kasi tipo mo!?” She hissed. Ay, ako ba ang usapan nila? Tulala ako sa Lola na busy sabunutan ang anak. Medyo

