"What are you doing here?", pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng aking dugo pagkakita ko sa kanilang ayos nang sundan ko si Sherly.
Muntik na silang magkahlikan sa sobrang lapit nila at sa ganda ng posisyon nila. Nakaakap si Andrew kay Ms. Delos Reyes na nakaliyad ang katawan habang ito naman ay nakahawak sa dibdib nito.
Kung may ikukunot pa ang noo ko ay tingin ko ay naitodo ko na. Kulang na lang ay maipagpalit ko na ang pwesto nito.
"Just visiting you. Bakit hindi na ba ako welcome dito?" sagot nito sa kanya ngunit ang mga mata ay nasa sekretarya nya pa rin.
Aligaga ito at tila hindi mapakali. Napaismid ako ng mapansin ang reaksyon ni Sherly. Tila ito kinakabahan na hindi mawari kaya naman lalo siyang naiinis sa pag-aakalang may gusto ang sekretarya niya sa pinsan niya.
"ahhh ehh s.sir p.pasensya na hindi ko ho namalayan na may mababangga na pala ako." nakayukong sabi nito at namumula ang mga pisngi.
"It's ok, I actually saw you while going out in my cousin's office. Pero mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo kaya sinadya ko nang hindi ka iwasan kesa naman mabangga ka sa labas."
may naglalarong ngisi sa mga labi nito.
"huh?!.... ahh ehh, nagugutom na kasi ako at medyo sumakit ang ulo ko...." napakamot sa noo si Sherly."Mauna na po ako b.boss at pasensya na ulit." paalam niya sakin sabay hingi niya ulit ng paumanhin kay Andrew.
"Kaya ka pala wala sa wisyo kanina. By the way, Andrew Dela Cerna." sabay lahad ng kamay nito kay Sherly.
"You should leave now." putol ko sa pag-uusap nilang dalawa. Hinablot niya agad ang kamay ni Sherly nang akmang makikipagkamay na ito sa pinsan niya.
"How rude man! I didn't tell you yet what's my reason to come here." pasigaw nitong habol samin ni Sherly.
tsk. the hell I care. dire-diretso lang ang lakad ko habang hila ko ang kamay ni Ms. Delos Reyes papuntang elevator.
Pinindot ko agad ang G button. Sa matalim na titig na ipinukol ko sa kanya ay pinarating ko na huwag siyang susunod sa amin.
Alam kong hindi siya kailanman masisindak sa akin. But he raise his hands this time.
Sherly Delos Reyes
"You should leave now." aabutin ko na sana ang pakikipagkamay ni Andrew ng marinig ko malamig na boses na yun.
Akala ko ay ako ang pinapaalis na niya. Kaya nilingon ko si boss Darren bago pa man umabot ang kamay ko kay Andrew.
Laking gulat ko ng kamay ni boss ang humawak sa akin. May kung anong kuryente akong naramdaman ng magkadaop ang aming palad.
Aalisin ko na sana ang kamay ko kaso ay humigpit ang paghawak ni boss sa kamay ko kaya hindi ako nakatakas sa kuryente na yun.
Wala na akong naintindihan sa pinagtatalunan nila. Ang tanging alam ko na lang ng mga oras na yun ay ang sobrang kagalakan na nararamdaman ko habang hila hila niya ako papuntang elevator.
Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam ko rin na namumula ang mga pisngi ko dahil ramdam ko ang init na nagmumula rito.
Gosh. Bigla nawala yung gutom. hihihi... pasimple kong tinitingnan si boss Darren sa peripheral vision ko.
Ang gwapo talaga niya kahit saang anggulo mo tingnan. He has ocean pair of orbs, narrow nose, red thin lips, and a square jawline that gave him a perfect face and strong personality.
Bumagay sa kanya ang suot niya grey long sleeve with black tie ang black pants. Tinalo pa nito ang mga kilalang modelo sa buong mundo. At kahit pa bibihira itong ngumiti ay marami pa ring nahuhumaling dito.
"Are you listening?" nagising na lang ako sa tanong niyang yun.
Sa sobrang pagkatulala ko sa mga nangyari ay hindi ko namalayan na nasa isang fine restaurant na pala kami malapit sa kumpanya niya.
"C-come a-again?" tarantang tanong ko nang masalubong ko ang tubig dagat nitong mga mata.
Bigla akong nailang sa paninitig nito. Nakakawala ng lakas. Tumikhim ako upang maialis ang pagkabara sa aking lalamunan.
"I'm asking if you are available for tomorrow before lunch?" seryosong tanong nito sa akin.
Did he asking me for a date? waaahhh...
Hindi ko alam kung bakit yun ang tinatanong niya pero ayokong maging asyumera kaya naman napakagat labi ako upang pigilan ang kilig na nararamdaman.
"Bakit po boss?" ibinuhos ko ang lahat ng powers ko upang maging kaswal lang ang pagkakatanong ko rito.
Sumubo muna ito at binigyan ang oras upang nguyain ang pagkain nito bago pa man niya sagutin ang tanong ko.
Sinundan ko ang bawat kilos niya. Ako lang ba o talagang nang-aakit siya sa paraan ng pagsubo nito.
"I need you..... to accompany me in my meeting with Mr. Chua." nalaglag ang balikat ko sa sinabi niyang yun.
Akala ko talaga yun na. Sabi ko na mahirap umasa hahaha...
"Hehehe, wala naman akong choice boss. Parte po yun ng trabaho." may kung anong kislap sa mga mata niya na nakita ko pagkasabi ko nun sa kanya. Pero agad din un nawala kaya hindi ko mapangalanan.
Isa pa, ayoko na ngang mag-assume ng kung anu-ano pa. Tama nang lihim akong nagmahal pero ibang usapan kung mapapahiya pa ako dahil sa mga maling akala.
"Good. Now finish your food, so we can go home now." bigla akong napalingon sa sinabi niyang iyon.
Ito na naman ako. Hayyst. Hinayaan ko na lang ang sinabi nito at pinagpatuloy na aking pagkain.
Tinapos ko na ang pagde day dream ko at hinarap ang pagkain. Hindi ko dapat palagpasin ito. Kumakalam ko munang tiyan bago ang kumakalabog kong puso.
"We should take some drink para matunawan ka kaagad." may pagkaaliw na mababanaag sa mga mata ni boss.
"S-sige po." medyo alanganing sabi ko.
Hindi kasi ako marunong uminom pero bahala na.
"Malakas ka palang kumain. Kaya naman pala..." binitin nito ang sasabihin pero nahuli ko kung saan patungo ang mga tingin niya.
Kahit hindi ko sundan kung saan dumapo ang mga mata nito ay alam kong sa mga dibdib ko siya nakatingin.
Kahit kasi anong tago ko rito at pilit parin itong kumakaway sa kahit na sino. 34 cup C kasi ito at natural na malulusog.
Pasimple ko na lang na dinampot ang wine glass at ininom ang laman nito diretso.
"Hey, slowly. Hindi yan tubig para lagukin mo lang basta basta." napatayo siya sa reaksyon ko kulang na lang ay tabihan niya ako upang daluhan.
Muntik ko nang maibuga ito sa harapan nito. Kanda ubo ako dahil sa kabiglaan.
Gosh. Kahit kailan hindi kami friends ng alak. Kahit gaano man ang kababa ang alcohol content nito ay hindi ko talaga kinakaya.
Itinaas ko ang kanang kamay upang pigilan siya. Lalo lang akong hindi magiging kumportable kung lalapitan pa niya ako.
Inabutan na lamang niya ako ng tissue upang punasan ko ang kumalat na wine sa gilid ng aking labi.
"Punta muna akong restroom boss." paalam ko rito upang ayusin ang sarili ko. Tiyak akong mukha na akong ewan sa harapan niya.
Dali dali akong tumayo at hindi na hinintay ang sasabihin niya.
Pagbalik ko sa pwesto namin galing restroom ay naandun pa rin siya at naghihintay.
"Are you ok now?" agad nitong tanong ng makita niya akong papalapit sa lamesa natin.
Tumango na lamang ako bilang tugon dito.
Tinitigan niya muna ako bago siya tumayo at tinahak ang daan palabas ng restaurant.
Tahimik akong sumunod sa kanya palabas.
Dire-diretso itong pumunta sa kinaroonan ng kotse niya.
Hindi ko na nahabol kaya hindi tuloy ako nakapagpalaam sa mahal kong boss.
Lumihis ako ng daan upang mag-abang ng masasakyang jeep pauwi.
Paparahin ko na sana ang unang sasakyang paparating ng may humintong sasakyan sa aking harapan.
"Hop in." Ibinaba nito ang salamin sa passenger side at bahagyang sumilip ito.
"Naku b.boss huwag na po. Malapit lang naman ako."
"I insist. Ihahatid na kita at wala kang choice kung hindi ang sumakay." medyo may pagkairitang sabi nito nang tinanggihan ko alok nito.
Umandar na naman ang pagkasungit nito. Sumakay na lamang ako at hindi na nagpumilit pa. Baka kasi lalong sumama ang timpla nito. Eh, mahirap pa naman gamutin ang pagkaaburido nito sa buhay.
Habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay na tinutuluyan ko ay medyo nagulat pa ako nang mapansin kong hindi na siya nagtanong pa kung saan ang direksyon.
Sabagay magtataka pa ba naman ako eh hawak nga pala niya ang lahat ng records ng mga empleyado niya. Kaya walang dahilan para umandar ang mabilis kong utak. hahaha
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng maliit kong apartment. Medyo luma na ito pero ok pa naman siya.
Mas pinili kong mangupahan dito dahil bukod sa malapit lang sa pinagtatrabuhan ko ay mababa lang ang bayad ng renta.
"Thank you po boss sa paghatid sa akin." mahinang sabi ko matapos kong tanghali ang aking seatbelt.
"Hindi mo man lang ba ako aalukin pumasok para magkape?" bigla akong napalingon sa tanong niya yun.
Sinuri kong mabuti kung seryoso ba siya sa tanong niyang yun o nangtitrip lang.
Pero si boss Darren ito. Bukod sa napakasungit nito ay hindi ko kailanman narinig na nagbiro ito.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang magpasya itong tanggalin ang seatbelt nito at mabilisang umibis ng sasakyan niya.
Napamaaang na lang ako habang sinusundan siya ng tingin. Nagulat pa ako nang biglang makaranig ako ng click. Indikasyon na ini unlocked niya ang pinto sa side ko.
Napakurap na lamang ako at hindi na nakaimik pa. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lamang at tinungo ang harap ng akong pintuan.
Lumapit ako sa isa sa mga paso. Inangat ko ang nasa ikatlong paso at dinukot ang susi sa ilalim nito.
Sa totoo lang halo halo ang nararamdaman ko sa mga oras na yun dahil first time kong maging bisita si boss Darren.
Sa mahigit dalawang taon kong paninilbihan dito bilang secretary, ni minsan at hindi ko naisip na maaaring mangyari ito.
Nanginginig ang aking kamay habang pinapasok ang susi sa aking doorknob.
Sh*t! Kalma ka lang self. Patuloy ang panginginig ng aking kamay dahilan para mahirapan ako na buksan ang aking pinto.
Ramdam ko kasi ang paninitig nito sa likuran ko kahit pa hindi ko ito nakikita.
"Let me." lalong naghurementado ang sistema ko ng maramdaman ko siya sa aking likuran.
Tumatama ang mainit niyang hininga sa aking batok na siyang nagdulot ng libu-libong boltahe sa aking kalamnan.
Inagaw niya ang susi sa kamay ko at hindi na nakapalag pa. Umalis ako sa pwesto ko upang hayaan siyang buksan ang aking pintuan.
Pilit kong hinahamig ang aking sarili dahil pakiramdam ko ay humihiwalay na ang aking kaluluwa sa hindi malamang dahilan.
"Tuloy po kayo boss Darren." Tinulak ko ang pinto nang tuluyan na niyang mabuksan ito.
Linibot nito ang paningin sa loob ng aking apartment. Studio type lamang ito na may tamang espasyo para sa isang maliit na sofa, center table, papag na pinatungan ng foam na may katamtamang kapal. Ilang hakbang lamang ay naroroon ang lababo sa kaliwang bahagi nito ay ang isang maliit na banyo.
"Maupo po muna kayo boss. Ipagtitimpla ko lamang po kayo ng kape."
Habang umuupo siya ay saka ko tinungo ang aking cupboard upang ipagtimpla siya ng kape.
"Hindi ka ba nahihirapan sa lugar mo na ito?"
Napatigil ako sa paghahalo ng kanyang kape ng marinig ko ang boses niyang yun.
"Sanay na po ako sa ganitong kalagayan ko."
"I can't really imagine that you are living in this kind of place." lumapit ako sa kanya bitbit ang kanyang kape.
Linapag ko sa harapan niya ang kanyang kape at umupo ako sa gilid ng kama.
"How long are you in our company? Two years?!" salubong ang kilay nitong tanong sa akin.
"Yes, boss. 2 years ang 3 months." napataas ang kaliwang kilay niya sa sinabi kong iyon.
"Then why are you still in this kind of place? Ganun ba kababa ang pinapasahod ko sayo para hindi mo ma afford ang isang mas komportableng bahay?" medyo nag-alangan naman ako sa tanong niyang iyon.
"Hindi naman po sa ganun boss, pero kailangan ko kasing magpadala sa mga magulang ko sa probinsya kada buwan at saka may pinag-iipunan po kasi ako kaya ok lang po ako rito.
"Then maybe I should grant you a better house to stay."
"Pero boss, ok lang po talaga ako dito. Huwag na lang po boss." nahihiya kong sabi.
"You don't have to be worried. Besides all of my employees that reached in 2 years with the great sales and performance will be granted a house to stay for as long as he or she's still in my company."
Totoo yun, pero hindi ko pa inaavail ang benefits na yun kahit pa lagpas na ako ng 2 years. Isa pa, hindi pa dumarating ang anniversary ng GGC. Kaya kahit ako ang sekretarya ni boss Darren ay hindi yun excuse para unahin ang benefits ko kesa sa iba pang empleyado na siyang nagpapakahirap sa kumpanya.
"Nakakahiya naman boss, wala pa po kasi ang anniversary ng GGC at baka masilip po ng iba pagnagkataon." napapakamot na lang ako sa aking noo.
"Do you think I care whatever they're saying?" nagsimula na naman siyang magsungit. "I'm the CEO of GGC, don't you remember?"
Right I almost forgot. Si Darren ang boss ng kumpanya nila kaya hindi ko dapat itong kwestyunin.
Halos nangalahati na niya ang kape nang tumayo ito sa kanyang inupuan.
"Thanks for the coffee, need to go now. Lock your door and don't let anybody to come in."
Natataranta akong tumayo upang ihatid siya palabas.
"Wala pong anuman boss." kiming sagot ko sa kanya.
Hinintay ko munang umalis ang kanyang sasakyan bago ako pumasok sa loob.
Saktong paglapat ng aking pinto ay tumili ako ng pagkalakas-lakas upang isigaw ang kanina ko pang pinipigilan na damdamin.
Sobrang dami ng nangyari sa araw na yun at hindi ako makapaniwala.
Jusko, ano bang nakain ng boss ko at naisipan niyang sumabay sa akin para kumain? Tapos hinatid pa ako pauwi and worst nakikape pa dito sa loob ng inuupahan ko?!!!
Kung nanaginip man ako ay sana hindi ako magising na. Totoo bang nangyari ang lahat na yun o sadyang binibigyan ko lang ng malisya ang lahat ng kilos niya.
Bigla akong napasulyap sa naiwan niyang tasa ng kape.
Linapitan ko ito at kinuha ang tasa. Ininuman ko ito kung saan ang parteng ininuman nito.
Napapikit na lang ako ng mariin after kong matikman ang kape niya.
Grabe sarap nito. hmmm.... Lasang boss Darren.
Napahagikgik na lang ako sa kabaliwang ginawa ko. Napapailing na lang ako dahil dito.