CHAPTER 7: MALL

2148 Words
"How many times do I needed to tell you to stop being so hard headed. Paano ka gagaling niyan." I heard my mom almost shouted. Dinig na dinig kasi ang boses nito sa buong mansion. "Elizabeth, I told you I'm already ok now. You see?!" Ipinakita pa ni daddy ang mga braso nito kay mommy. "Mom, dad!!! What's happening? Dinig na dinig ang boses nyo hanggang sa kwarto." I kissed my mom on his cheeks and I sat down beside my dad and hugged him. "Ang daddy mo kasi, matigas ang ulo. Nadatnan ko na naman na nagbababad sa laptop niya. Eh alam naman niyang hindi pa pwede ayan tuloy masakit na naman daw ulo." Halos magkabuhul-buhol na ang kilay ni mommy sa sobrang ngitngit sa ginawa ni daddy. Napailing ako at hinarap ko si daddy. "Dad, di ba kagagaling niyo lang sa hospital. Gusto niyo po ba na bumalik tayo dun?" Nag-aalala na talaga ako kay daddy. Although, sinabi naman ng private doctor namin na hindi naman daw ito malala. Na kailangan lang ni daddy ng sapat na pahinga at tamang pag-inom ng gamot. "Ok lang talaga ako. Di ba nga sabi ni Alfred na ok lang ako. May tiwala ako sa batang iyon. May pinagmanahan eh." Ngumiti lang si daddy sa amin ni mommy para iparating sa amin na ayos lang siya. "But dad, at least you should give yourself a break. Para naman nakapagpahinga ka nang maayos." "Magagawa ko lamang yan kung may papalit na sa pag-asikaso ng mga negosyo natin." Pasimple akong tiningnan ni daddy na parang sinasabing na kung pinalitan ko na siya sa posisyon niya ay saka lamang siya makakapagpahinga. "Bakit kasi anak hindi mo na lang tanggapin ang matagal na naming plano para sayo. Alam mong Ikaw lang ang tanging tagapagmana namin ng dad mo sa lahat ng mga negosyo natin. Siguro naman ay sapat na ang mga panahong binigay namin sayo para mabuhay mag-isa." Mahabang litanya ni mommy at may pagsusumamo sa mga mata nito. "You're mom is right, sweetie. I think it's about time na kami naman ang pagbigyan mo." Dagdag pa ni daddy. "But mom, dad. Alam nyo naman na may naiwan akong trabaho sa Quezon City. Hindi ko pwedeng iwan iyon ng basta na lamang." Pagdadahilan ko dito. "Then why are you still here?! It's been a month when you're dad has been in a hospital." Parehas silang nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. Nag-iwas ako ng tingin kila daddy dahil ayaw kong may makita sila na kahit katiting sa kung anong dahilan kung bakit ako hindi pa ako bumabalik sa trabaho ko. It's been a month, a week and three days since that night. Pagkauwi ko sa apartment ko ay nakatanggap ako ng tawag kay mommy na nasa hospital si daddy dahil nadatnan nila itong walang malay sa opisina nito. Tumagal lamang si daddy sa hospital ng one week. Ayaw no Daddy na nanatili sa hospital. Dahilan nito ay lalo lang daw siyang magkakasakit kung magtatagal pa siya sa loob ng hospital. At since family doctor naman namin ang may hawak sa kanya doon ay pinayagan kami na iuwi namin si daddy. Isa pa, matagal na naming kilala si Dr. Alfred dahil anak siya ng yumaong kaibigan ni daddy na si Dr. Wilson Salcedo. At siniguro naman nito na lagi niyang dadalawin si daddy para macheck ito at mamonitor ang kalusugan nito. Bagay na ginawa naman nito at kailanman at hindi nakalimot. Napabuntong-hininga ako dahil sa pangungunsensya nila mommy. "Fine, I'll take over the position but at least give me some time to know the right things that I should do in our company. Mahirap sumugod sa giyera ng hindi ko alam kung ano ang dapat na gagawin ko." My mother beamed with my decision. "Great. Thanks God that you finally agreed with that. We're so happy, sweetie." She held my hand and sit beside me to hugged me. "Don't worry anak, may kakilala akong makakatulong sa iyo para malaman mo ang lahat ng dapat mong matutunan sa pagpapatakbo ng kumpanya." I hugged my father as I felt him kissing me at my temple. "Señor, Señora, handa na po ang almusal niyo." Agaw pansin sa amin ni Elita. Dalagang anak ni Aling Nena na mayordoma namin. Morena ito at balingkinitan ang katawan. Maganda siya at simple. Agaw pansin ang dimple nito sa kaliwang pisngi kapag ito ay nakangiti. Sa pagkakaalam ko ay malapit na itong magtapos ng kolehiyo sa kursong Accountancy. "Mabuti pa nga at kumain na tayo. Medyo gutom na po kasi ako Mommy, Daddy." Hinimas ko ang tiyan ko sa harapan nila para ipakita na gutom na talaga ako. "Ok then, let's go. Medyo gutom na nga rin ako." Natawa si Daddy at napapailing. "Oh.. dahan-dahan, Romero. Baka mahilo ka na naman." Inalalayan namin ni mommy si daddy sa pagtayo kahit pa pinipilit nito na kaya na niya mag-isa. Natapos ang agahan namin na puro lang tawa. Paano naman kasi si daddy nag-umpisa na namang mangulit. Ang alam ng lahat ay strikto siyang tao lalo na pagdating sa negosyo. Pero kabaligtaran ito pagdating sa bahay. Bagay na nagustuhan ko ng sobra kay daddy. He's made sure that he spends a quality time with us. Lagi itong umuuwi pag-oras na ng hapunan. At kung may pagkakataon man na hindi ito makakauwi at ipinapaalam agad nito kay mommy kung asan ba siya at kung Bakit siya hindi makakauwi ng maaga. Sobrang sweet nila sa isa't-isa simula pa man noon. Kaya naman umabot sa punto na kung magkakaroon man ako ng asawa ay gusto ko ay yung tulad ni daddy. Na mapagmahal na asawa at ama sa anak nito. "Ok. Thank you, so I'm expecting you to come here sooner or later." I heard my Dad who's talking in his phone inside his library. Sino kaya kausap ni Daddy. "Well my daughter is a smart girl. I know she can catch up things easily so you don't need to be worried." I raised my eyebrows when I heard him talking about me. Now I got confused who's that person. Pumasok na ako sa library ni Daddy ng masiguro kong tapos na ang kanilang pag-uusap. "Dad, pinatawag mo daw ako." "Kanina ka pa ba diyan, anak?" Direktang tanong nito sa akin. Normal lang naman yung pagkakatanong niya at walang kababakasang kahit na anong kaba. "Hindi naman po. Bakit nyo po ba ako pinatawag, daddy?" Tanong ko kay daddy habang prenteng nakaupo sa sofa na naroroon. "Well, I just want to tell you that you're going to start practicing as a CEO." "Agad-agad dad? Hindi ko pa alam ang dapat kong gawin sa posisyon na yan." Bigla akong nag-alala sa kung anong hirap ang kakaharapin ko. "I know that's why I asked my friend to help me to train on you while you're taking my position." "Pero dad, hindi madali iyon." Halos malukot ang mukha ko sa sinabi ni daddy. "May tiwala ako sa iyo anak. Pano pa't naging c*m Laude ka sa kursong Business Administration?" Haysst... wala na talaga akong kawala nito. "Ok. So when do I need to start?" I lazily asked him and laid my back on the sofa. "Tomorrow morning. He'll come in our company at exactly 8am in the morning." He answered me quickly and I saw him smiled at me. "Ok, I'll just go to the mall to buy some stuffs. Can I leave now?" "You take care, anak. You can bring Alex to assist you." I rolled my eyes when I heard him saying that. "Daddy, I don't need someone to assist me. Kaya ko ang sarili ko, dad." Tumayo na ako at humalik sa pisngi ni Daddy. "Yeah I, but it'sfor your own good. Isa pa hindi naman na iba sa atin si Alex. I know I can trust that man." I heaved a sigh as being defeated... again. "Ok, bye dad. See you later." Lumabas ako ng kwarto at pupunta ng garahe. Nakasalubong ko si Aling Nena na pagpasok ng mansion. Bitbit nito ang mga pinamili na grocery. "Nana, si Kuya Alex po nakita nyo po ba?" Napangiti ako sa pagkakasabi ko ng 'Kuya'. Tiyak na naiinis na naman iyon pagkarinig ako. Tinulungan ko si Nana na dalhin ang pinamili sa kusina. Nana ang tawag ko rito dahil maliit pa lamang ako at siya na ang nag-alaga sa akin. "Nasa garahe siya, hija. Ipapatawag ko ba?" "Ahhh, hindi na po ako na pong bahala." "Oh sige, asikasuhin ko na lamang ang tanghalian niyo." Ngumiti na lamang ako kay Nana at lumabas ng mansion upang puntahan si Kuya Alex. Nadatnan ko itong naglilinis ng kotse. He's one of the most trusted person ni daddy. Bata pa lamang ako nung patirahin ni daddy si Alex dito at pag-aralin. Matanda lamang ito ng ilang taon sa akin. Nasa sampung taon gulang pa lang ako noon at siya naman ay kinse anyos na. Ang sabi sa amin ni Daddy ay anak siya ng isa sa mga malapit na kaibigan niya. At malaki ang utang na loob niya dito kaya naman tinutulungan niya ito ngayon upang makabawi. Sa totoo lang gwapo ito sa salitang gwapo. Pero ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng espesyal na pagtingin dito maliban sa isang kapatid. Siya na kasi ang kasa-kasama ko noon at naging tagapagtanggol ko sa mga gustong umaway sa akin. Siya rin ang humaharang sa mga lalaki na gustong manligaw sa akin. Bagay na kinaiinisan ko na minsan. Pano ba naman ay daig pa ni daddy kung rendahan pa ako. Ayan tuloy sa edad na 24 ehhh NBSB ako. As in no boyfriend since birth. Haysst. "Kuya Alex. Samahan mo daw ako sabi ni Daddy." I said to him to catched his attention. Tumigil ito sa pagpupunas at tumingin sa akin. "I told you to stop calling me Kuya. Hindi tayo...." "Stop it. Kahit ano pang sabihin mo Kuya kita kahit hindi tayo magkadugo." I cut his words and raised my left eyebrow. He exasperatedly sighed and looked at me with annoyance. I bit my inner lips to suppress my smile. I know he can't say no to me. "Saan ba ang punta ng prinsesa ko?" Umikot ang mata ko ng marinig ko ang tawag niya sa akin. "Pupunta lang akong mall. May bibilhin lang ako doon sandali then uwi na rin tayo agad." Pagkakasabi ko nun ay pumasok na ako sa passenger sits at doon ko na lang siyang aantayin. Pinulot nito ang polo at ipinatong sa puting t-shirt nito. Para tuloy itong model sa ayos niyang iyon. Nakasuot ito ng dark blue pants at loafers. Simple lang pero lakas ng dating. Pagtingin ko sa suot ko ay natawa ako. Daig pa namin ang couple dahil sa kulay ng damit namin. I'm wearing a blue crop top and faded fitted jeans paired with a white sneakers. I set my hair in messy bun and I put some powder and lip balm. "Seatbelt mo, princess." Agad na sabi nito bago pinaandar ang Ford Mustang. Pagdating namin sa mall ay pinauna na niya akong pumasok dahil maghahanap pa siya ng mapagpaparkingan ng kotse. Sunday ngayon at maraming tao ngayon sa mall. Pumasok na lamang ako at tumingin tingin sa mga boutiques na naroon. Hindi rin naman nagtagal at nakasunod rin agad si Kuya Alex. "Sa tingin mo maganda ba to?" humarap ako dito habang nakalapat sa harapan ko ang napili kong damit. Sinipat ako nitong mabuti bago umiling. "Masyadong maigsi. Kinapos ata sa tela." natawa ako sa komento nito. "Yan ang uso ngayon. Isa pa opisina ang pupuntahan ko at hindi simbahan." Lukot ang mukha ko habang tinitingnan ang damit. Tama lang naman ang haba. "Just find some other dress yung hindi masyadong revealing. Daming matalim ang mata sa opisina." Seryosong sabi nito sa akin at mukhang hindi papatinag. Paglingon ko sa mga sales lady ay para itong mga naiihi na hindi mo maintindihan. Todo ang ngiti at nagpapacute pa. Sinundun ko ang kanilang tingin para lang magsisisi. Nataranta ako at basta ko na lamang kinuha ang damit na napili ko. Anong ginagawa niya dito? Pilit akong nagkukubli sa mga naka hunger na damit at pasimpleng pumunta ng counter. Binayaran ko kaagad ito sa cashier at basta ko na lamang hinila si Kuya Alex palabas ng boutique. "Dali baka mapansin niya ako!!! napansin ko na tila ang bigat nito hilahin. Dire-diretso lamang ang mabilis na hakbang ko at hindi na inintindi pa ito. Malamang nagtataka ito kung ano nangyayari sa akin. Mamaya na ako magpapaliwanag dito. Nang makalayo na kami ay saka ko ito hinarap upang magpaliwanag. Pero mas nagulat ako nang makita ko kung sino ang nahila ko palayo sa boutique. "Where do you think you're going?" Halos mabingi ako sa sobrang tension ng marinig ko ang boses niyang iyon. Sh*t. Ang tanga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD