Orchid
"Are plants that belong to the family orchidaceae, a diverse and widespread group of flowering plants with blooms that often colourful and fragrant."
Leyanna Pov
"Haynako! Ang dami na namang mga langaw dito. Ang lalaki pa naman nila. Saan kaya nila nilagay 'yong pang spray ng mga insekto? Sigurado akong masisira at mamamatay ang mga bulaklak dito. Dahil sa pollution na nagmumula sa hangin na ibinubuga nila. Ang gaganda pa naman ng mga orchids dito. Hayyyyy!" mahaba kong buntong hininga.
Nagkunwari akong may tinataboy na insekto. Dahil kita kong napatigil sila sa pagsasalita at tumingin sakin. Kunwari hindi ko sila napansin. Hindi ba nila alam na nandito ako na pinagchichismisan na naman nila.
"Oh Leya, nandito kana pala. Akala ko mamaya ka pa darating dito." sabi ng isang ante.
Nasa 40's na ito at hindi ko naman Ito ka-close. Hindi ko din kabisado ang mga pangalan nila. Pero kilala ko sila sa mukha.
"Bakit wala ka sa bisperas ni sir Radeon? Hindi ka ba nila sinabihan o inimbita?" usisa pa ng isang mas matandang ante.
Sinabi naman iyon sakin ni Rad, pero mas pinili ko na lang na wag pumunta at masakit pa kasi ang katawan ko. Lalo na ang p********e ko. Nilagnat pa nga ako eh. Pero ang hindi nila alam kachat ko siya. Tumawag pa nga siya sakin na sana magpukos ito sa party niya.
"Paano siya imbitahan e, baka landiin lang niya si Sir Radeon." sagot naman ng ante na may malanding anak. Tsk!
"Landiin? Nakita mo na bang nilandi ko po ante ang boss natin dito? As far as you don't understanding ante mga bulaklak lang ang nilalandi ko dito. Sa mga bulaklak lang din ako nakikipagngitian. Malandi na iyon sayo ante?" sagot ko agad.
"Wag kang piling englesira ening." sabi ng Isa.
"I no care ante." irap ko.
"I don't care iyon!" pagtatama ng isa pa.
"Minding your on words ante." sagot ko agad.
"Eh, totoo namang malandi ka ah. Kung makatawa ka at makipag-usap kay Sir Reagan wagas. Pakalandi ng tawa mo." singit na patutsada pa ng isa.
"Ah gan'on po ba ang basihan niyo po sa mga malanding babae? Ano po ba ang dapat kong ginawa? Wag ko po ba sagutin ang tanong ng boss natin at iwan na lang at layuan? Kung nag joke po ba si Sir Reagan, dapat ba umiyak ako o sumimangot dahil bawal ang tumawa kasi nakakalandi iyon? O, dapat ba sinungitan ko siya, kasi maraming magagalit kung makipag-usap ako ng maayos sa boss natin. Kung maayos naman akong nakipag-usap at magalang sasabihin niyo na naman na ang sipsip ko. Ante saan ba ako lulugar sa mga kagaya niyong mga chismosa?" matapang kong sagot.
"Masyado kang defensive." sabi din ng Isa.
"Dapat ba hayaan ko na lang na ganyan ang sinasabi niyo sakin. Kahit wala naman kayong pruweba mga ante. Hindi niyo ba iniisip na may mga dalaga na kayong mga Anak. Bata palang ako kumpara sa mga Anak niyo po. And as far and fast as you do not know wala akong nilalanding mga lalaki dito. And my brainy remember na matagal na ang pag-uusap namin ni Sir Reagan. 15 years old pa lang yata ako noon. Tapos 18 years old na po ako ngayon. So past, paster, and pastest na dapat tayo mga ante." hindi ako nagpapatalong sagot sa kanila.
"Ang ate mo nga maagang nag Asawa dahil sa kalandian niya. Malamang na gan'on ka din gagaya ka din sa ate mo!" kumulo bigla ang dugo ko sa sinabi nito. Kaya galit akong tumingin saknya.
"Makapagsalita ka ante akala mo hindi lumandi ang Anak mo! Wag mong idamay ang ate ko dito dahil wala naman siyang kasalanan sainyo! Wala kaming kasalanan sainyo para sabihin niyo iyan samin! Ano masaya ba kayong nakaka-chismis ng ibang Tao. Lalo na ang mag imbento ng mga salita na wala namang katutuhanan! Yumayaman ba kayo sa kaka-chismis niyo sa ibang tao ha? Aba, kapag gan'on e,di iyan na lang din ang tatrabahuin ko ano ho?" inis kong sagot sa matanda na may malanding Anak na nagpalaglag. Dahil nabuntis ng boyfriend niyang nagtatrabaho din dito sa hacienda. Pang ilang boyfriend na ba niya iyon. Mas matanda lang Ito ng dalawang taon sakin eh.
"Bakit natatamaan ka hija! Totoo naman hindi ba. Malandi kayong magkapatid kaya nag asawa ng maaga ang ate mo. Kaya wala kang pakialam kung chinichismis ka namin dito dahil totoo naman na malandi ka." ayaw din na patalong sagot ng Isa.
Wala naman yatang matinong katrabaho ko dito na matatanda. Kaya sasagutin ko na lang siya at sabihin ang nakita ko. Akala niyong mga malilinis ang mga anak. Pare-pareho lang naman kami. Ang lamang ko lang kay Rad, ko sinuko ang p********e ko. Mga Anak nila sa mga trabahador din naman dito sila nagpakantot. Dumi sa dumi parin at least ako sa mayamang oten ako nagpagamit. Sa gwapong nilalang dito sa hacienda.
"Mas malandi ang mga Anak niyo! At least si ate pinanindigan niya ang bata na wag ipalaglag. Hindi kagaya ng mga Anak niyong malalandi na pinalaglag ang mga pinagbubuntis nila! Wag na wag niyong ipapasa ang mga ganyang salita dahil ibabalik ko din yan sainyo. Ayokong patulan ko kayo mga ante dahil mas sobrang tanda niyo sakin. Pero yang mga lumalabas diyan sa mga bunganga niyo mas masahol pa sa mabahong tae ng kalabaw! Akala niyo napakalinis niyo! Akala niyo napakalinis ng mga Anak niyo! Nagmana din ang mga Anak niyo sainyo mga malalandi ka'y tanda na eh. Ewwe." sigaw ko sa kanila.
"Mabait si Ate dahil hindi siya pumapatol sa mga chismis. Pero ibahin niyo po ako mga ante pumapatol ako sa mga matatanda. Lalo na sa mga walang modo na inililipat ang gawain ng mga Anak sa ibang tao. Ang alam ko bulaklak lang naman ang inaatupag ko dito. So saan ako nakikipaglandian sa mga bulaklak ba? Sa mga damo, at mga kahoy! It's so unbelievableness na ganyan kayo makapagsabi sakin na malandi kaming magkapatid. Pero mas malalandi pa ang mga Anak niyo. Pati kayo lumalandi din sa may mga Asawa na dito! Katatanda niyo na hindi pa kayo makontento sa mga Asawa niyo!" galit kong sabi.
Paano nakita ko sa cctv recorder sa cellphone na bigay sakin ni Rad. Tinanong ko siya dati kung bakit naka-connect Ito sa cctv sa flower farm. Ang sagot niya para daw makita niya ako kahit sa malayo lang. Kinilig naman ako sa sinabi nito.
Pinapanood pala niya ako kapag alam nitong nakaduty na ako dito ng sabado at linggo. Sa bulaklak lang talaga ako nahuhumaling at kay Rad. First crush ko talaga noong Bata pa ako si Kuya Reagan. Pero nong nagkagirlfriend na ito. Doon naman nahumaling ang pagkagusto ko kay Rad. Crush ko ang Kuya nito pero Mahal ko naman si Rad. Magkaiba iyong crush sa Mahal dahil ang crush is paghanga lang. Ang Mahal ay may nararamdaman pagmamahal sa puso ko para kay Rad.
Nagsimula noong nakita ko si Rad na nakasakay sa kabayo nito. Ang gwapo niya sa suot nitong fitted jeans with boots at naka white sando lang. Naligaw ako dati sa hacienda dito noong pumunta akong mansion nila. Doon kasi nagtatrabaho si Mamang. Sa taniman naman ng gulayan si papang.
Nagulat pa ako noong lapitan niya ako. Nakita daw niya akong mukhang naliligaw. Kaya laking pasasalamat ko sakanya. Bata palang ako that time mga 14 years old pa lang ako at si Kuya Reagan pa ang crush ko noon. Nasabi ko pa na sana si kuya Reagan na lang ang nakakita sakin. Na ikinasimangot dati ni Rad.
"Pangit ba ako?" tanong nito sakin dati.
"A-ah E-eh.... g-guwapo din po kayo. Ngayon ko lang din po kasi kayo nakita ng malapitan po." utal ko pa na sagot noon.
"Nakatutok ka lang kasi kay Kuya noon. Crush mo siya ano?" tukso pa nito sakin.
"Oo crush lang naman eh. Bata pa po ako bawal pa ako magboyfriend. Kras-kras lang muna. Nag-aaral pa ako eh baka mapalo ulit ako ni papang. Sakit pa naman ang mapalo akala mo ba." nguso ko pang sabi.
Humalakhak Ito. "Your nice. Hindi nahihiyang aminin na crush mo ang Kuya ko. Ang cute mo pa oh."
"Cute po talaga ako. Pagdalaga na daw ako mas maganda pa ako kay nanay mo. Ay sorry po mali mas maganda pa daw ako sa isang artista po." bungisngis ko.
Humalakhak na naman Ito. Napatigil ang nasa isipan ko ng may humampas sakin sa balikat. Nagulat naman ako kaya napaigtad ako.
"Anong pinagsasabi mo ha? May pruweba ka ba ha na malandi kami? Saan ang ebidensya mo bastos kang Bata ka!" galit ng sabi ng isang ante.
"Bakit po kayo nagagalit kapag sinabihan ko po kayo ng malandi? Kayo lang ba ang may karapatan na magsabi ng ganyan sa iba? So unfairness naman po kayo. Sakin po nasaan din ang pruweba niyo na akala niyo may alam kayo sa buhay ko! Kasi ako may pruweba ako pero kapag ako nainis sainyo ikakalat ko dito ang mga baho niyo!" banta ko.
"Ang ate mo----"
"Puro kayo Ate mo, Ate mo, Ate mo diyan Ate mo ganyan, Ate mo ganito, Ate, Ate, Ate!" sigaw ko na sa inis. Wala akong pakialaman kung wala na kaming natrabaho. O, may makarinig man samin. Wala na din akong pakialam kung maging bastos na ako sakanila. Hindi sila karapat dapat na galangin.
"Ako ang nandito at ako ang sinasabihan niyo ng malandi tapos ang ate ko ang idinadamay niyo ng wala namang kasalanan sainyo! Pwede ko lang kayong kasuhan ng paninirang puri sa ginagawa niyo sakin eh. Hindi niyo ba alam na may camera dito pati boses natin naririnig nila kapag pinanood nila ang recording video." gulat na gulat naman sila sa sinabi ko.
"Hindi niyo alam dahil Puro lang kayo chismis." sikmat ko. "Maghahanap na nga ako ng lalaking bulaklak dito at iyon na lang ang landiin ko. Para naman hindi masayang ang pagpaparinig nila at pag-iimbento ng kung ano-ano. Mas magaling pa kasi silang gumawa ng chismis kisa sa mga writer eh. Tseee!" sabi ko at lumayo na ako sa kanila.
"Mag ingat kayong mga chismosa dahil kayo-kayo lang din naman ang nasisiraan. Ang galing pa alam na nga niyang Asawa ng kaibigan niya 'yong lalaki nakikipagharutan pa. May pahimas himas pa sa braso at pahampas hampas nakakadiri! Makaalis na nga dito!" kunwari kinilabutan pa ako. Nag-react sila pero hindi ko na pinansin pa.
Nagtungo na ako sa ibang area ng orchids. Nakita ko sa dulo ang isang taga pangalaga ng mga orchids. Si Manang Dalen.
"Magandang umaga po Manang Dalen." bati ko agad.
"Oh, hello Hija. Magandang umaga din sayo." ngiti nito sakin. Mababait naman ang Ilan sa kanila dito. Ang mga kabisado ko lang na pangalan ang close ko dito sa flower farm.
"Ano po ang gagawin ko po dito, Manang? Nakuha na kasi ang mga i-deliver sa manila na mga bulaklak kaninang madaling araw pa yata nila iyon kinuha po." tanong ko. Gan'on ako kapag wala akong ginagawa nagtatanong ako ng gagawin ko dito.
"Teka, ikaw ba ang sumisigaw kanina?" usisa nito.
"Paano po ang aga-aga ako ang pinagchichismisan ng mga trabahador dito na mga ante. Hindi porke hindi na ako nakapunta sa bisperas ni Sir Rad, sinabihan na nila akong malandi. Baka landiin ko lang daw si Sir Rad, kung ando'n ako. Hindi ko po alam kung nasaan ang utak nila." stress kong sumbong.
"Nako lumayo layo ka sa mga chismosang mga yan. Wala silang magandang idudulot sayo. Ma-stress ka lang sa mga walang kwenta nilang pinagsasabi. Kung ako lang ang masusunod matagal ko na silang tinanggal sa trabaho. Pero dahil mabait ang mga amo natin at marunong naman sila sa trabaho kaya nananatili parin sila dito. Gigil din ako sa kanila minsan." sabi naman ni Manang Dalen.
"Nako sinabi niyo pa Manang Dalen. Lagi nila sinasabi na malandi ako dahil lang nakipag-usap ako dati kay Sir Reagan. Ambata ko pa noon eh tapos hanggang ngayon inuungkat pa nila na as if its false to talk to Sir Reagan." simangot ko.
"Hayaan mo na sila. Ang ganda mo naman kasi hija. Bagay na bagay mo ang mga damit na sinusuot mo. Kaya inggit sila sayo. Lumayo ka nalang sa kanila para iwas stress. Baka papangit ka pa sige ka."
"Ay halla, wag naman sana." sabi ko agad. Natawa naman kaming dalawa.
"Halika ka dito tulungan mo akong maglagay ng plastic water tube sa orchids na naharvest ko kanina lang. Para hindi agad sila malanta. May kukuha daw mamaya ang mga Ito."
"Sige po." sabi ko na lang.
Habang busy kami sa ginagawa namin ay nagtanong ako kay Manang Dalen.
"Manang paano mo po malalaman ang lalaking bulaklak at babaeng bulaklak?" tanong ko.
"Mamaya e-explain ko sayo hija. May mga bulaklak kasi na sa iisang bulaklak mo makikita ang male at female. Na binubuo ng parehong lalaki at babae na bahagi ay kilala bilang isang kompleto o buo na or yung tinatawag nilang bisexual na mga bulaklak." paliwanag ni Manang Dalen.
"May tomboy at bakla din pala na mga bulaklak Manang?" namamangha kong tanong.
"Nasa iisang bulaklak kasi ang kasarian ng lalaki at babaeng bulaklak. Kaya tinawag nilang bisexual flowers or hermaphrodite flowers yata 'yon basta gan'on yun. Mostly ang mga orchids isang natatanging katangian ng orchids para umunlad ang pagsasanib ng stamen at pistil. Parang karamihan sa mga bulaklak ay mayroong parehong mga organs ng kasarian ng lalaki at babae sa iisang bulaklak. Kapag may pagkakataon ituturo ko sayo kung paano mo malalaman ang lalaking bulaklak at babaeng bulaklak." matyaga nitong pagpapaliwanag sakin.
"Sige po salamat. Gusto ko din malaman ang iba pang pangalan ng mga bulaklak. Ang iba sinusulat ko po para hindi ko makalimutan. Mga common bulaklak lang kasi ang mga kabisado ko ang mga pangalan. Lalo na ang peborit kong bulaklak na sunflower at gumamela. They are simpleness but so elegante and sophisticated beautifuls flowers." maarte kong pagbigkas sa english words.
Hindi naman talaga ako marunong masyado sa english kinakaya ko lang dahil kailangan yun sa paaralan. Yung pag pronounce ako nahihirapan pero sa pagkakaintindi kayang kaya ko naman.
"Kaya may tomboy at bakla dahil sa mga bulaklak Manang Dalen, naiinggit sila. May oten pero puso nila babae. May pekpek naman pero puso nila lalaki. Nagdamit na din sila ng damit pambabae at panglalaki. Taray nila." sabi ko pa. Habang busy na kami sa ginagawa namin. Natawa na lang din Ito.
Busy na kaming dalawa ni Manang Dalen sa paglalagay ng plastic water tube sa mga tangkay ng bulaklak na orchids. Napakamaselan pa naman ang ibang mga imported na orchids. Yung iba bawal hawakan tamang titig lang ang pwede. Ang daming mga proseso at kaartehan din pala ang pagtatanim ng mga bulaklak.