Forget-me-not flower
"symbolize true love and respect. When you give someone these tiny blooms, its represent a promise that you will always remember them and will keep them in your thoughts."
Leyanna Pov
Nasa restaurant kami sa malapit sa falls. Hindi ako comfortable dahil sa mapanuring tingin na ginawad sakin ni Charmy. Naging kaibigan ko na din ito dito. Umirap ako na ikinatawa lang din nito. Siya pala ang may-ari ng restaurant na Ito with her husband.
"Mama you mad at who?" usisa ng batang si Lea. Peborit talaga ng batang Ito ang tignan ako. Nagpapalambing na naman nag-aalala ako na baka magselos si Rale, pero ayos lang naman daw sa kaniya dahil baby pa daw si Lea. Mas okay na daw iyon kisa lalaki ang kausapin ko. Sumimangot ako.
Kaya pala panay bantay sakin at bawal makipag-usap sa mga lalaki, dahil may nakalaan na itong lalaki para sakin at iyon ay ang gagong si Rad. Boyset!
"Just eat baby. Careful ang dungis mo na." sabi ko sabay punas sa nguso nito. Napaka-cute talaga nito kaya ang hirap tanggihan.
"Thank you po." sabay ngiti sakin. Kaya napangiti na din ako.
"Welcome baby." sabay haplos ko sa ulo nito. Gustong gusto naman niya. Napalingon ako kay Rale na nakatingin pala sa amin ni Baby Lea. Ngumiti ako saknya ngumiti din naman pabalik sakin. Hindi ko naman nakitaan ng pagkainggit ang Anak ko.
Hindi ko pinapansin ang lalaking katabi ng Anak ko. Ramdam ko na nakatingin din Ito sa gawi namin ng anak nito. Yung may Anak ako tapos may Anak din siya. Sabik sa Papa ang Anak ko, sabik din sa Mama ang Anak nito. Hayyyy diyos ko!
Ang dalawang bata lang ang maingay ako lang ang tahimik dahil ayoko magsalita. Ayoko makijoin kahit sabihan pa nila ako ng KJ "I have no care!" simangot ko.
"What I have no care Mama?" takang tanong ni Rale.
"Nagsalita ba ako?"
"Yes po I heard it too Mama. You heard it Didi right?" tumango naman ang Gago.
"Hindi dapat kayo nakikinig sa sinasabi ko mga baby ko. Bad yun." sabi ko na lang. Nagkatinginan naman ang dalawang Bata. Na-weirduhan sila sakin.
"Ang weird mo Mama." sabi pa ni Rale.
"Minsan lang Anak. Kain na wag na madami daldal para mabilis na kayo matapos kumain."
Paano ko sasabihin sa Bata na hindi ako matutulog sa bahay ng Didi nito. Excited kasi itong makatabi ako sa pagtulog mamaya. Bumuntong hininga ako.
Tinapos ko na ang pagkain ko para maasikaso ko ang batang makalat kumain. Hindi pa masyado magaling gumamit ng kutsara. Siguro spoiled Ito sa daddy nito. Baka sinusubuan parin nito ang Bata hanggang ngayon.
"Mama wiwi po ako." nguso ni baby Lea. Panay sauce na ang nguso. Kumuha na muna ako ng tissue at ipinunas sa nguso nito.
"Tara samahan na kita." sabay baba nito sa upuan. "Samahan ko lang umihi si Baby Lea." sabay pa ang mga itong tumango. Hindi ko na lang pinansin.
Hawak kamay na kaming nagtungo sa banyo. May mga ilang Tao sa loob ng banyo.
"Ang cute naman na baby yan." puri ng isang ginang.
"Thank you po." masaya naman na pasasalamat ni baby Lea.
"Pasok na baby ng makaihi kana." pumasok na kaming dalawa sa cubicle. Pinunasan ko na muna ang kubeta bago pinaupo doon ang Bata.
Napahagikhik pa kaming dalawa ng malakas ang tunog ng pag-ihi nito. Ihing ihi na siguro talaga Ito.
"Kapag naiihi ka sabihin mo agad okay." tumango naman Ito. Nakadress Ito kaya madali lang isuot ang suot nitong panloob.
"Wash your hands na baby." may pang Bata na lababo kaya doon ko iginiya.
"Whoaah boyset!" bulalas ko ng may pumalo sa balikat ko. Yung gulat ko wagas. Humalakhak naman ang salarin. Umirap ako ng makita kong si Charmy ang pumalo sa balikat ko.
"Magkwento ka babaita ka! Bakit mo kasama si Radeon ha? At sino itong batang kasama niyo sa lamesa. Akala ko ba si Noven ang boyfriend mo?" taka pa nitong tanong sakin.
"Kilala mo siya?" yun naman ang nasabi ko.
"Oo nabanggit ko diba ang pangalan niya." sarkastiko naman na sagot nito.
"Paano mo siya nakilala?" usisa ko.
"Kaibigan ng Asawa ko ang Radeon na yan. Bakit hindi ang Asawa niya ang kasama niya, bakit ikaw?" taka pa nitong tanong. So alam din nito na kasal na ang Gago.
"Paano mo na sabing boyfriend ko si Noven?" pag-iiba ko sa usapan.
"Madalas kayo magkasama eh, nakatambay lagi sa flower shop mo. Palagi din sila ng Anak mo sa falls kapag andito sa Sevenity ang Noven na yun. Ano na?"
Napalingon ako sa Bata na nakakapit sa kamay ko. "Mag hello kana kay Tita Cham." utos ko sa Bata. Kumaway lang pero hindi nagsalita. Natawa naman si Charmy.
"Saka na ako magkwento very mahirap ikwento kasi. Basta kapag may time tatakbo ako dito para makachika ka." .
"Siguraduhin mo yan ha."
"Oo, sige na mauna na kami. Hindi pa tapos kumain ang baby ko." sabi ko. Kaya sabay na kaming lumabas ng banyo.
"May kausap na chicks si Radeon, hindi ka ba magseselos?" pang aasar sakin. Kaya hinampas ko siya. Natatawa naman na umilag Ito. Pagkalingon ko sa lamesa namin meron nga itong kausap na babae. I no care. Sabi ko sa isipan ko pero nasasaktan at nagseselos naman ang puso ko.
"Hello Didi, hello Kuya done na ako nagwiwi." agaw pansin ng Bata sa kanila. Nagulat pa ang Daddy nito at ang kausap na babae. Si Rale naman busy naglalaro sa cellphone. Tapos na pala itong kumain.
"Upo kana baby tapusin mo na ang food mo." sabi ko naman. Hindi ko sila pinansin kunwari wala ako nakita. Sinubuan ko na ang bata para hindi ito magkalat at masayang ang pagkain.
"Let the child eat alone, para matuto siya." sabi ng babae.
"I want you to feed me Mama, please." lambing ng Bata. Parang nakakaunawa naman Ito sa sinabi ng babae.
"Sure baby ko. Of course pakakainin kita." hindi namin pinansin ang babaeng nagsasalita.
"Kaya nagiging spoiled ang Bata dahil ini-spoiled mo. Hindi ka marunong magdesiplina ng Bata." rinig kong sabi ng babae. Nainis ako sa sinabi nito kaya tinignan ko ito. Anong konek sa pagpapakain ko sa Bata at ang sinabi nitong hindi marunong magdesiplina?
"Anong pakialam mo sa pagdi-disiplina ko sa bata. Wala kang pakialam at lalong wala kang karapatan na kuwestyunin ang pagpapalaki ko sa mga Bata. It's none of your businesses!" gigil kong inis. Buti maayos yung english ko.
"Bakit natrigger ka!" patol nito sakin.
"Sinagot ko lang ang pagpaparinig mo. Matuto ka sanang tumahimik kong alam mong hindi ka naman belong dito sa lamesang Ito. Attention seeker ka siguro!" patutsada ko sabay irap.
"Kain na baby. Kunwari na lang wala ka na listen okay." Bulong ko sa Bata. Tumango naman agad ito.
"Mama okay ka lang po?" tanong naman ni Rale. Tumango naman ako at ngumiti saknya. Lumapit Ito sakin at niyakap ako mula sa likuran ko. "Ayaw ko na nakikipag-away ka Mama. Natatakot ako baka masaktan ka ulit po eh." sabi pa nito sakin.
"Sinasagot ko lang siya Anak, wag ka mag-alala okay." yumakap lang Ito sakin.
"Enough hug na kay Mama, Kuya." awat naman ni baby Lea.
"Mama ko siya kaya okay lang na yakapin ko siya."
"Mama ko din siya eh." nguso ng Bata.
"Shhhh.." awat ko na. "Kain na baby, para makauwi na tayo." mukhang busog na hindi na yata maubos ang pagkain nito. Kunti na lang ang natira.
"Full na po ang teyan ko. Ayaw na ko kain Mama." sabay takip sa bunganga nito.
"Kunti na lang baby." sabi ko pa.
"Busok na ako Mama."
"Sabihin mo baby Lea, bu-sog hindi bu-sok. Gayahin mo si kuya bu-sog." gumaya naman Ito. Heto na naman ang anak ko. Pala puna eh.
Kaya imbes na ipilit ko ay kinain ko na lang ang tira nito. Sayang bawal ang magsayang ng pagkain. Napatigil ako ng napatingin silang apat sakin na kumakain sa tira ng Bata. Akala ko umalis na ang babaeng Ito.
"Para kang aso na gutom na gutom!" kutya nito sakin.
"Ano bang pakialam mo pakialamerang babae? Ayaw ko lang magsayang ng pagkain. Ano naman sayo? Baka gusto mong masakmal para malaman mo kong paano ako kumagat sa pangingialam mong mangkukulam ka!" patol ko ulit. Saka ko na pagsabihan ang mga Bata kapag nasa bahay na kami.
"Asal kalye ka talaga! Ang dali mo naman mainis parang yun lang eh."
"Gwen, shut up!" finally nagsalita din ang Gago. Akala ko nalunok na niya ang dila niya.
"Kung ikaw kaya ang sabihan ko ng ganyan matutuwa ka ba ha, mukhang mangkukulam! Tara na mga anak baka ma-uppercut ko pa ang mangkukulam na 'to. Baka kulamin pa tayo scary!" kumapit naman agad si baby Lea sakin.
"Let's go home Mama." sabi pa ni Lea.
"Oo Mama tara na ng umuwi. Baka makasuntok ka na naman eh." hila sakin ni Rale.
Parang tanga lang ang gagong 'to na hindi man lang awatin ang babaeng kasama nito. O, hindi man lang niya ito paalisin dito sa lamesa namin. Tanga ba ang lalaking ito? Sarap kutusan eh.
Inakay ko na ang dalawang bata palabas ng restaurant. Nakita ko si Charmy kaya tumigil na muna ako sa paglalakad.
"Chameow! Madam uwi na kami next time kwentuhan tayo. Magba-bye na kayo kay Tita Berde." utos ko sa mga Bata.
"Bye Tita berde." malakas na sabi ng Anak ko. Gumaya din si baby Lea. Humalakhak naman ako naniwala naman sila na berde ang pangalan. Natawa din ang ibang ando'n na kumakain pa. Umamba ng suntok si Charmy na natatawa.
Hanggang alas nuwebe ng gabi lang ang restaurant dito.
****
"Sumama kana sa daddy mo baby Lea. Bukas pag gising mo pumunta ka ulit dito. Hindi tayo kasya dito baby ko." malumanay kong sabi sa Bata.
"Ayaw! Ayaw ko. I want tabi you Mama. I sleep here. I want to sleep with you Mama." agad nitong sabi. Kumapit na sa mga binti ko.
"Wala ka bihisan na damit dito baby ko. Mas comfortable ka sa house ng Daddy mo kesa here. Magkikita pa naman tayo eh."
"No! No! Mama ayaw. Didi I want sleep here please. If you want you can sleep also here Didi, right Mama?"
"No baby, no space here cannot be." tanggi ko agad.
"Pwede naman Mama kami ni baby Lea sa taas kayo ni Tito Dart sa baba po. Kasya po kayong dalawa sa baba Mama."
"Kayong tatlo na lang ang matulog dito at sa labas ako ng bahay matulog. Ano deal ba?" seryoso ko ng tanong. Nagmartsa na akong palabas ng bahay. Hindi ako mananalo sa kanila dahil ang hirap nilang kausap.
"I can sleep here in the flower shop. Or you all sleep in my house." sabad ni Radeon.
"Isa ka pa! Kung umuwi kana sana at kinuha mo na agad ang Anak mo. Nakapagpahinga na sana kami ng Anak ko. May bahay ka naman bakit makikisiksik ka pa dito." sikmat ko.
"Didi is right Mama, mag sleep na kayo ni Kuya sa bahay ni Didi. Kuya sleep ikaw sa house ni Didi, say yes so that Mama come too." baliwala ang pag susungit ko sa mga taong ito. Na-stress na naman ako.
"Yes baby Lea let's sleep in Tito Dart house." sabi naman ni Rale.
"You three go sleep there and I stay here! Ang kukulit niyong tatlo! Lumayas na nga kayo dito sa bahay ko. Sleep na kayo doon. Go na! Alis na!" pagtataboy ko sa kanila.
Hindi gumalaw ang tatlo nakatayo lang sila na parang mga tanga. Sumimangot ako anong gusto nila sila na lang palagi ang masusunod. God! Tulungan mo naman ako isang buong araw na akong stress dito!
"Mama, you come also ah." mahinang sabi ni baby Lea. Nasense niya sigurong galit na ako.
"No. I sleep here. I don't want to sleep there. Go na kayo ni Kuya Rale. I'm okay here." sagot ko pinipigilan ko ang mainis baka mabulyawan ko ang batang 'to.
"I sleep na with you Mama."
"Bakit ba ang kulit mo baby Lea? Hindi naman kita an---" napatigil ako kapag talaga ako naiinis walang preno ang bunganga ko.
Nalungkot na ito bigla. Nanunubig na rin ang mga mata nito. "I have never experienced sleeping next to you at night Mama. Ayaw mo Mama?" sabay tingala sakin.
Bumuntong hininga na naman ako. Kapag ganito na ang sinasabi ng bata lumalambot na ang puso ko. Naaawa na naman ako at gusto ko na lang talaga na akuin ang batang Ito. Niyakap naman siya ni Rale.
"Dito na lang muna siya matulog at umuwi kana sa bahay mo. Kunin mo na lang bukas ang Bata. Bawal ka dito sa gabi. Alis na ng maisara ko na ang pinto." Pagtataboy ko kay Radeon.
"Ayaw mo siya dito matulog Mama?" usisa din ni Rale.
"Wala siyang tulugan dito Anak. At may bahay naman yata siya dito. Doon siya matulog wag dito. Bukas na lang niya kukunin satin si Lea." sabi ng hindi nakatingin sa kanilang dalawa.
"Meron naman yung sofa dito sa flower shop Mama tulugan niya." pangungulit nito sakin.
"Bahala na nga kayo katitigas at ang kukulit niyong lahat. Na-stress ako ng sobra." padyak kong sabi sabay buhat na kay baby Lea.
Pumasok na kami sa maliit naming banyo para maghugas ng sabay ni baby Lea. Pahiramin ko na lang sa damit ni Rale may mga maliliit naman itong damit na hindi na niya nagagamit pa.
Buti na lang din naglinis ako sa flower shop. Bahala siya kung matutulog siya dito o hindi. Namana yata ng mga batang Ito ang katigasan ng ulo at kakulitan. Ayaw nila makinig sakin asar sila!