Stacey's POV “Aeryl! Oh my gosh!” tili ko nang nakababa si Aeryl sa bankang sinasakyan niya. Tumakbo pa ako at niyakap siya ng mahigpit. "You`re finally here!" dagdag ko pa. Naiiyak ako habang yakap si Aeryl. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya na hindi ko nasasabi sa kahit kanino. Konti lang ang alam niya tungkol sa buhay ko rito pero hindi lahat. Mabuti na lang at nandito na siya para may kasama ako. “I miss you so much! Bakit ka kasi bigla-biglang maglalayas sa bahay niyo?!” inis na giit ni Aeryl habang magkayakap kami. “Mamaya na ako mag-explain. Miss na kita, sobra,” naiiyak na sambit ko. Nagkayakapan pa kami ng ilang minuto bago sumikit si Zach. Sumama kasi siya nang nagpahatid ako mula sa bahay nila Aling Belen kahit sinabihan ko siya na huwag nang sumama. "Siguraduhin mo

