Stacey's POV Mabilis akong bumaba sa jetski noong nakarating ako sa isla. Medyo nakakatakot dito kasi mag-isa ko lang at ang tahimik pa ng buong kapaligiran. “I should hurry up and tour around,” ani ko. Hindi dapat ako magtatagal dito. Tumingala ako at nakita kong malapit nang umulan kaya kailangan ko talagang magmadali. Hindi ko nadala yung phone ko kaya hindi ako maka-picture dito. Naglakad-lakad na lang ako papasok sa isla. Ang daming puno dahil walang nakatira rito gaya ng sabi ni Zach. Wala akong makitang bahay dito tapos pero may narinig ako na tunog ng umaagos na tubig. “Imposible namang may falls dito, right?” Pero rinig na rinig ko talaga ang I ngay ng tubig. Hinanap ko na lang ang pinanggagalingan ng naririnig ko tapos tumambad nga sa akin ang isang falls. “Wow!” I'm speechl

