Chapter 10

1293 Words
Ma'am sigurado po talaga kayo dito sa gagawin natin?nag-aalalang tanong nito sa Amo. "Ikaw Mang Caloy ahh ang dumi nang-isip mo, gagawin ko 'to para kay Angel kaya huwag ano!" pilyang wika nito kay Mang Caloy "Nagkamot 'to nang ulo.Simula nang iniligtas nila ang mag-ina itinuring na nilang kamag-anak si Aliya kaya suportado nila 'to sa lahat. "Ate! within 5 minutes andito na daw sila sabi ni Antir." "Sige Joe kayo na ang bahala salubungin niyo 'to basta make sure niyo walang nakasunod na tauhan ni Maryam dahil alam ko bantay sarado nito si Rashed Pagkatapos magsalita ni Aliya agad bumaba ang dalawa para abangan ang bisita. "Tito Caloy andiyan na sila."excited na wika ni Joe "Joe halika dito tulungan mo ako ang bigat ni Rashed."tawag ni Antir sa dalaga Aakmang baba na si Joe pero pinigilan 'to ng tyohin."Mag-antay kana lang dito ako na ang tutulong." Hoy,ikaw lalaki iba din ang diskarte mo no?andito ako pero si Joe talaga ang tinawag mo pero sorry ka boy dahil ang style mo bulok na talaga. Ikaw tlaga Tito ang higpit mo sabay kamot sa ulo at iniba ang usapan. "Ang bigat mo cous,"reklamo ni Antir,nakailang bagsak na sila bago niya 'to nailabas sa sasakyan. Mang Caloy saan natin dadalhin si Insan?usisa nito sa Matanda Walang naisagot si Mang Caloy dahil wala talaga 'tong idea sa plano ni Aliya tanging si Joe lang may alam ng buong plano nito ngayong gabe.Mayat-maya pa ay bumukas ang pinto malapit sa kinaroroonan nila.. "Antir dito mo siya dalhin!" tawag nito Agad naman inakay ng dalawa papasok sa silid na itinuro ni Aliya.. "Thank you ako na ang bahala sa kanya!" Konot-noo 'tong tiningnan si Aliya na may pagtatanong sa kanyang mga mata. "Hoy,Antir!" pinitik 'to ni Aliya sa noo ang binata. "Huwag mo akong titigan ng ganyan tulad ka din ni Mang Caloy madumi ang isip.." "Sabi mo ehh,pero huwag mo takotin si Cous baka matuluyan biro ni Antir habang nakasandal sa pintu-an dahil napagod 'to sa kaka-akay kay Rashed simula sa Bar hanggang sa Resthouse na nabili ni Angel at Rashed. "Salamat Joe,ako na ang bahala ihatid mo na sa labas si Antir." utos ni Aliya "Ate,remember wala kang tagakuha ng picture kaya kasali ako," sabay nguso 'to at pakindat-kindat pa 'to. Ginulo ni Aliya ang buhok ng dalaga dahil naaliw siya sa kapilyahan nito."Okay,sige! tanggap kana po."malambing na sagot nito kay Joe kaya tuwang-tuwa naman 'to "Thank you Ate,excited na ako.Sige na mag-ayos kana at ihahanda ko lang ang mga gagamitin sa honeymoon picturial pilyang wika ni Joe Pagkatapos nang usapan nila ni Joe,nag-ayos na ang dalaga at suot-suot ang bestidang regalo ni Rashed noon ikinasal sila.."Tingnan lang natin kung hindi ka mababaliw pag nakita mo ako," kausap ang sarili habang nag-aayos ito. Naka-silent ang telepono nito kaya hindi namalayan na tumatawag na ang ina at nag-iwan nalang 'to ng mensahe."Anak gising na ang Ate Angel mo" ang nakalagay sa mensahe ng ina. Kring! Kring! tumunog ang Telepono ng Rashed kaya dali-dali niya 'to tiningnan kung sino ang tumatawag,nang makita ang pangalan sa screen ng Telepono napangiti 'to dahil ang tanging gusto niya lang ay kukuha siya ng litrato na magkatabi sila ni Rashed upang asarin si Maryam pero Jackpot dahil ang kinasusuklaman niyang babae at dahilan kung bakit ginagawa niya 'to ngayon,kaya para sa kanya bunos na 'to.. Oohh! Hello! matipid nitong sagot kay Maryam S-sino 'to at bakit hawak mo ang Cellphone ng asawa ko?usisa nang nasa kabilang linya. "Makakalimutin kanaman.Apat na taon palang ang nakalipas agad mo na akong nakalimutan.Alam mo sissy nakakatampo ka! napangiwi si Aliya habang binigkas ang mga salitang binitawan niya. "You're so f*****g liar.Patay na si Angel ibigay mo sa asawa ko ang Cellphone niya at tigilan mo ang pagsisinungaling dahil oras rp kung sino ka isusunod kita kay Angel." Humalakhak ng malakas sa tuwa si Aliya dahil galit na galit ang kausap nito sa kabilang linya kulang nalang pumasok 'to sa Cellphone upang saktan siya based sa mga salita at reaction ng boses nito. "Oppss,hindi mo pa ako nakikita nagwawala kana diyan,ikaw din mamaya aatakihin ka sa puso niyan marami ang mawawala sa'yo.Una, hindi muna makikita ang anak mo este anak ko,Feeling ina karin no?, samantala baog kanaman.Pangalawa,hindi muna matitikman ulit ang asawa ko,ay mali,hindi mo naman talaga natikman,Ops! huwag mo itapon ang Cellphone mo kasi may pangatlo pa,huwag ka muna mamatay dahil hindi ko pa na iparanas ang ginawa mo sa amin kaya kumain ka nang mabuti,matulog at relax dahil ako na muna ang bahala sa asawa ko."Bye My dear Sissy,see you when i see you." Nagsasalita pa si Maryam ngunit pinatay na ni Aliya ang tawag nito.Kaya binato nito ang Cellphone at pinaghahagis ang mga gamit sa loob ng silid... "No,hindi ako papayag na may a-agaw sa'yo,"tinawagan niya ulit 'to ngunit ring lang ng ring 'to kaya halos sumabog na 'to sa galit.. "Mamatay ka ngayon sa galit dahil lahat ng ginawa mo sa pamilya ko ipaparanas ko sa'yo."napailing 'to dahil hindi niya sukat akalain na sobrang sama 'to,nagpalamom 'to sa galit at inggit.Napalingon 'to nang marinig na nagsasalita si Rashed. "Love, sorry sobrang miss na miss nakita,patawrin mo ako."mga salitang lumalabas sa bibig nito Nang marinig ni Aliya ang mga salitang lumabas sa bibig ni Rashed,napahinto sa ginagawa niya at pinunusan ang mga luhang umaagos sa mata ni Rashed.."I'm sorry bayaw kailangan ko 'tong gawin dahil alam ko ikaw ang kahinaan niya."Pagkatapos nitong hubaran si Rashed agad 'to tumabi sa kanya na naka nighties lang kaya kahit sino ang makakita sa eksina talagang mag-iisip na kakatapos lang 'to mag-loving-loving. "Ate! grabe ang kuha mo dito talagang sigurado pagnakita 'to ni Maryam talagang magbibigti 'yon." "Tama ka,Joe! at iyon ang purpose natin dahil sa mga ginawa niya..Joe,may tumatawag sa'yo kanina pa 'yan bakit hindi mo sa sagutin baka emergency iyan." Tiningnan ni Joe ang tumatawag at nakita niya si Doc. Adrian ang tumatawag."Ate si kuya Adrian ang tumatawag hindi ka daw sumasagot.." "Patay na Joe,ano gagawin ko?"natatarantang tanong ni Aliya sa dalaga "Hindi niya ba alam 'to ate?"usisa ni Joe Umiling 'to at nag-iisip nang sasabihin sa Nobyo upang huwag magalit. "Akin na ang Cellphone mo Joe,ikaw na bahala sa kay kuya Rashed mo.." "Ehhh,Anooo...kasi..Ate!" nginuso ng Dalaga si Rashed na naka-boxer lang 'to.. Ginulo ulit nito ang buhok ng dalada,"Sus..kunwari kapa pero dilat na dilat naman ang mata mo,sige ka isusumbong kita sa Ate Angel mo,"Pagbibiro nito sa dalaga "Ito naman si Ate,hindi mabiro,sige na sagutin mo na si kuya at ako na ang bahala kay kuya.Mom sorry na po,at hindi na Virgin ang mata ko.." binanggit nito ang ina dahil ang kabilin-bilinan ng ina huwag siyang tumingin sa hubad na lalaki kung hindi nito asawa. Samantala si Aliya hindi pa sinasagot ang tawag ng Nobyo pinagpapawisan na 'to. "Babe, Sorry! naka silent ang Cellphone ko ,"bungad nito agad sa binata... "Babe bakit ka agad nag-s-sory,wala panaman akong sinasabi,konot-noo nitong sagot sa Nobya. "Kasi ganito 'yon babe.....!pagkatapos i-explain sa Nobyo nakahinga 'to nang maluwang dahil finally nasabi niya rin.. Nakakatampo kanaman bakit hindi mo naman agad sinasabi alam mo na selos na selos ako ng sinabi ni Mang Caloy na magkasama kayo ngayon,tapos makita ko pa ang gulo ng buhok mo at ang suot mo halos luwa na ang kaluluwa mo.. "Sorry ulit Babe,promise 'to na ang huli..I love you Doc."sabay flying kiss 'to sa Nobyo "Oo na,alam mo talaga kung paano ako pakalmahin...See you soon uuwi na kami diyan okay na si Angel kunting treatment nalang babalik na siya dati ng buong-buo."Gumanti rin ito ng flying kiss at sinagot din ng dalaga ang I love you nito ng Nobyo. "Sige babe uuwi na rin kami after kung magbihis,si Antir na bahala sa pinsan niya...Can't wait to see you!" malambing na wika nito sa Nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD