"Maryam saan ka galing?usisa ng Ama
"D-dad,Mom gaano niyo po ako kamahal?"
"Ano ka bang bata ka! matagal ka sa amin nawalay kaya 'to bumabawi kami."
"Kahit ano po ibibigay n'yo sa akin?"
"Maryam ano ba ang nangyari bakit nagkakaganyan ka?"
Daddy kasi may gusto akong hihingin sa inyo.
Ano naman anak?
"Si Rashed at ang anak ni Angel total ayaw niya naman sa bata."
"Ano ang pinagsasabi mo Maryam?Kapatid mo si Angel. bakit naman ang daming lalaki diyan,bakit ang asawa pa ng Ate mo."
Dad kung mahal mo ako pagbigyan mo ako,sa buong buhay ko hindi ko pa naranasan maging masaya!
Dahil sa pagmamakaawa ng Anak wala na 'tong nagawa kung hindi pumayag nalang sila sa kagustuhan ni Maryam.
Tumayo ka na Diyan Anak!!
"R-rashed...I'm sorry pero huwag mo na hanapin pa si Angel dahil hindi na 'yon babalik."
Nilingon siya ni Rashed at aakmang itutulak pero hinarangan ng Ama.
"Rashed hindi kita hahayaan na sasaktan ang anak ko."
Anong klaseng Ina ka?hindi mo hahayan na masaktan ang anak mo?pero Si Angel hinayaan mo? Bakit?sigaw ni Rashed
"Huwag mo akong sisihin sa nangyari dahil kung may managot man dito ikaw 'yon."
Itinuro ni Rashed si Maryam! "Kung hindi sa kalandi-an ng anak mo sana masaya kaming mag-anak ngayon."at timalikod na ito.
Sige! talikuran mo ako at hindi ko ibibigay sa'yo ang anak mo sigaw ni Maryam
Tumilgil sa paghakbang si Rashed dahil sa narinig!
"What do you mean?"
Nasa akin ang anak mo..kanina tinawagan ako ng kaibigan namin ni Angel.Lumapit si Angel sa kanya para ipapatay ang bata...
"Sinungaling ka hindi magagawa ni Angel sa anak namin 'yan."
"Excusme Ma'am Maryam may naghahanap po sa inyo sa labas!"saad ng katulong
Sige po papasukin niyo sila at pakisabi susunod na ako.
Okay po Ma'am sagot ng katulong
"Gusto ng proof d'ba?pwes sumama ka sa akin."
Agad naman sumunod si Rashed kay Maryam.
Good Afterternoon,Ako po ay isang doctor at kaibigan ni Angel.Kaya po ako nandito para ipaalam sa inyo,noong isang araw lumapit sa akin si Angel para tanggalin ang bata gusto niya daw mamatay ang bata para wala na daw siya connection sa inyong dalawa Mr. Rashed.Pero dahil naawa ako sa bata nagsinungaling ako kay Angel at sinabi ko na patay na ang bata pero ang totoo ay tinawagan ko si Maryam para kunin ang pamangkin niya..
Kung totoo ang sinasabi mo, nasaan si Angel?gusto ko siya makita.seryosong saad ni Rashed habang nakayukom 'to.
Yumuko ito pagkatapos tinitigan niya si Maryam dahil sa napipilitan lang 'to.
Ano na?hindi mo s-sabihin sa kanila kung nasaan si Angel.
"Si Angel po patay na sumabog ang taxi na sinasakyan niya pagkagaling sa hospital.pinipigilan ko pa 'to upang huwag paalisin muna dahil kaopera niya palang pero hindi 'to nagpapigil at umalis parin siya!"
Napasuntok at sabunot sa buhok si Rashed,dahil sa guilty...
"Ito po sir ang Anak mo!" saad ng Nurse
Napahagolhol si Rashed habang inaabot ang anak!pinogpog niya ng halik ang anak."I'm sorry anak kung nagawa ng Mommy mo ang pagtangkaan ang buhay mo,kasalanan ko ang lahat."
Gusto makita ang anak ko Maliya!
Sasama ako Dad.Gusto humingi ng tawad sa kanya! malungkot na wika ni Rashed
Hindi ako sasama, ako nalang magbabantay sa anak ko saad ni Maryam
Pwedi ba Maryam, kahit ngayon lang itigil muna ang kabaliwan mo, ingatan mo ang anak ko pupuntahan ko si Angel.
Mauna na kami Rashed.
Pagdating sa hospital agad pumunta mag-asawa sa kinaroroonan ni Angel ngunit nagulat sila sa pagtanggal ng puting takip sa katawan ng Anak kasi halos hindi na 'to makilala
"Anak I'm sorry hindi ko sinasadya pagbuhatan ka, hindi ko lubos maisip na wala kana."
" Baby ko, kahit kailan hindi ko inisip na hindi kita anak sana hindi ko nalang nalaman ang katotohanan.patawarin mo ako."malungkot na wika ng Mommy niya.
Hapong-hapo dumating si Rashed,"M-mom nasaan si Angel?"
Tinitigan siya ng ina habang hawak ang kamay ni Angel..
N-nooo Mom...! hindi 'yan si Angel.paano niyo nalaman na siya iyan?
"Ito po sir! ang kwentas niya at 'to ang DNA test niya."
Nanginginig ang kamay ni Rashed habang inaabot ang kwentas!
"Nooo,palahaw nito at agad niyakap ang sunog na katawan ng Asawa.I'm sorry love hindi ko sinasadya..Ang gago ko bakit ako nagpadaig sa takot ko..bumangon kana diyan,magbabakasyon pa tayo kasama ang anak natin."
"Rashed gusto ko ipa-cremate ang katawan ng Anak ko at ilagay sa paboritong
lugar niya doon sa garden natin sa likod ng bahay."saad ng Mommy nito
Sige po Mom!
Habang kini-cremate ang katawan ng asawa nakaupo at nakatulalala ito sa sulok at titig na titig sa kwentas
"Hi,baby ako ang Mommy mo.!! Finally natupad na ang aking matagal na pinapangarap ang maging akin ang lahat."nakangising wika ni Maryam
"Ma'am 'to na ang bote ni Baby!" saad ng katulong
"Manang pakitanggal ng mga gamit ni Angel dito sa kwarto."utos ni Maryam
"P-pero Ma'am papagalitan ako ni sir Rashed.."
"Patay na si Angel kaya tanggalin niyo na 'yan.Hindi magtatagal ako na ang papalit sa kanya kaya ako masusunod."
Habang nililigpit ng mga katulong ang mga gamit ni Angel dumating naman si Rashed.Nagalit 'to sa nadatnan dahilan upang saktan nito si Maryam.
"Ano 'to Manang?sino ang nagsabi sa 'nyo na iligpit ang gamit ng asawa ko.?"galit na wika nito
"S-si Ma'am Maryam ang nag-utos sa amin iligpit ang gamit ni Ma'am Angel."
Nanlisik ang Mata ni Rashed sa galit..kinuha niya ang bata sa kay Maryam at kinalakad palabas nang pinto."Next time na paki-alaman mo ang buhay at anak ko o may kinalaman sa amin hindi lang 'yan ang aabutin mo."
Tumayo sa si Maryam at bumulong 'to kay Rashed.."Hahanap-hanapin mo rin ang pagsipsip ko at padila ko sa'yo lalo na ngayon na wala na si Angel kaya kung ako sa'yo maging mabait ka."
"Walang hiya ka talaga! ikaw ang dahilan bakit namatay ang asawa ko."
Tama lang 'yon sa kanya,kabayaran 'yon sa ginawa ni Aliya sa kapatid ko.
"Sino si Aliya?at bakit siya magbabayad hindi nga kilala ni Angel si Aliya!"nagtatakang wika ni Rashed
Hindi niya kilala si Aliya pero ako kilala ko kung sino si Aliya! kawawang nilalang
hindi man lang nasilayan ang kakambal nakangising wika ni Maryam
Naguguluhan si Rashed sa mga sinasabi ni Maryam ngunit mas pinili niya na baliwalain 'to."Hindi ako mapaniwala na patay na si Angel Manang."
Ako rin Sir sobrang bait po ni Ma'am kaya sobrang mamimis ko 'to..