"Hi Cous, how are you?"pangangamuzta ng pinsan ni Rashed
"Ito nag-aantay kailan kukunin ni lord malungkot nasagot nito."
"I'm sorry cous, kung hindi ako nakadalo sa kasal niyo ni Maryam.Hindi ko kayo kaya makita na kinakasal,alam mo naman kung gaano ko kamahal at gusto si Ate Angel para sa'yo.
"Hindi ko sinasadya na lokohin siya..inipit ako ni Maryam.Alam mo kung gaano ko siya kamahal"
"Kung ganoon patay na si Ate,bakit kapa nagpakasal sa kanya?I'm sorry kung masyado ako ma-usisa cous.Curious lang talaga ako!"
"Ayaw pumayag nina Mom and Dad pero pinagkalat niya ang s*x video namin kaya wala na ako magagawa mawawala lahat ng negosyo namin pagnagkataon.Alam mo naman kung gaano ka importante sa mga magulang ko, lalo na kina lolo at lola."
Umiling-iling ang pinsan ni Rashed dahil Awang-awa 'to sa pinsan.
"Cous, baka gusto mo magkwento sa mga nangyari sa'yo sa loob ng 4 na taon.Handa ako makinig kahit gaano pa kahaba 'yan" at tinawag ang waiter upang magdagdag ng inumin.
"Rashed Flashback"
Habang nag-iimpaki si Rashed ng gamit ni Kale.Nagwawala naman si Maryam sa labas.
"Maryam anak tama na ang pagbabasag mo nang gamit hindi natin pwedi pilitin si Rashed sa gusto mo at isa pa ang pangit tingnan,asawa siya ng kakambal mo kaya please humanap kana lang nang iba."paki-usap ng Ama sa kay Maryam
"Dad alam mo naman wala akong ibang gusto kung hindi maikasal kami ni Rashed,at isa pa patay na si Angel."nanlilisik ang mata nito habang sumasagot sa Ama
"Anak ginawa na namin ang lahat pero ayaw talaga ni Rashed ."sabat naman ng ina sa anak
"Kung ganoon pasensyahan kami sa gagawin ko."nakangising saad nito habang ginugutay-gutay ang mga damit ni Angel
Tumayo 'to at nagpagpag ng damit,habang nag-aayos 'to ng sarili ,bumukas naman ang pinto at lumabas ang mag-ama bitbit ang mga bagahi nila
"Mom,Dad sorry sa ginawa ko kay Angel pero malinis ang kalooban ko hindi ko sinasadya ang mga nangyari.Pwedi kayo dumalaw sa Apo niyo."
Pagkatapos magpaalam sa mga biyenan
sumakay na'to nang sasakyan pauwi sa bahay ng magulang niya.
"Sige lang,ngayon hahayaan mo na kita pero tandaan mo hindi ako titigil hanggat hindi tayo kinakasal."babala nito kay Rashed
"Manang may sasakyan sa labas baka ang Sir mo na iyan at ang Apo ko.Paki-chek naman!"
"Tama po kayo Ma'am! sina Sir at Señorito na nga ang dumating!
Nang marining ang sinabi ni Manang agad itinigil ni Misis Rosa ang ginagawa at patakbong sinalubong ang mag-Ama.
"Anak! kamusta kana man? Sobrang miss na miss na kita. Wow...! ang gwapo ng Apo ko nagmana talaga Mamo."masayangbwika ng Ina
"Mom, I'm okay ,pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa nangyari." Yumakap 'to at hinalikan ang ina sa noo."Thank you Mommy for the love and support,hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo"umiiyak 'to habang kausap ang ina
"Time will come Anak hihilom din 'yan.kaya huwag mawalan nang pag-asa dahil lahat nangyayari sa atin ay may rason."habang turo-turo ng ina ang puso nito
"I know Mom.Pero uunahin ko muna ang anak ko bago ang lahat.Siya ang buhay ko sa ngayon kaya gagawin ko ang lahat para matugunan ko ang pangangailangan niya"seryosong wika nito.
"Akin na ang apo ko anak."biglang sabat ng Ama
"Hello Dad,dito muna kami P-pwedi ba?"nahihiyang tanong sa Ama
Tinapik 'to nang Ama."Anak kita, sino pa ba ang tutulong sa'yo?kung hindi kami na pamilya mo, kaya huwag kang mag-alinlangan anak na lapitan kami."p
Thank you Dad!maiksi sagot nito sa Ama
"Tama na 'yan.Halina kayo! kumain tayo,lalamig na 'to mamaya."tawag nang ina sa Mag-ama upang kumain.
Pagkatapos kumain agad na umakyat si Rashed upang magpahinga ngunit si Kale ay pinag-aagawan ng mag-asawa..Masayang nilalaro nang mag-asawa si Kale
Nasa parking lot palang rinig na rinig na ni Sarina ang tili ng pamangkin kaya agad 'to tumakbo papasok sa bahay dahil sa sobrang excited.
"Mom! OMG andito ang pamangkin ko.Pa-kiss nga ako sa pamangkin ko..Saan si kuya Dad?usisa ni Sarina sa Ama
"Nasa kuwarto iha, huwag muna gisingin dahil pagod at stress na 'yan.Tayo mag-aalaga muna kay Kale"
"Sure Daddy!always free ako pagdating sa gwapong pamangkin ko,"agad tinawagan ang secratarya nito upang i-cancel ang lahat ng appointment kinabukasan dahil gusto nito buong araw magbantay sa pamangkin
Pagkalipas ng ilang buwan naging matiwasay ang buhay nila akala ni Rashed tahimik na ang buhay niya.
"Anak Congrats! dahil tumaas ang sales natin,S-salamat sa'yo."tinapik 'to nang Ama at ginulo ang buhok na parang bata
"Thank you Daddy!"Pagkatapos hinalikan ang anak nito."kalong 'to ng Ama."Baby Kale,pasok muna si Daddy sa linggo dadalawin natin si Mommy mo."ramdam ang kalungkotan sa boses ni Rashed habang sinasabi ang mga katagang binitawan sa anak.
"Sige Dad, kayo na bahala kay Kale,pakisabi kay Mommy alis na ako."nagpapaalam
Habang nasa kalsada,palinga-linga si Rashed sa bawat mada-anan niya dahil 'to ang isa sa pinaka memorable place tuwing tatakas sila noon sa mga magulang nila.Kaya tuwing pupunta siya ng opisina halos mabali na ang leeg nito sa kakalinga niya.Sa ganitong paraan bumabalik ang matatamis naalala nila ng Asawa."Love sobrang miss na kita,sana dalawin mo naman ako kahit sa panaginip lang."bulong nito sa sarili
"Goodmorning Sir bati ni Manong Guard!"agad 'to ikinuha ang pulang supot at ibinigay sa Amo.
"Ano ho, 'to Manong?" nagtatakang inabot ang supot at binuksan 'to.laking gulat ni Rashid nang makita ang laman ng supot!
"Manong? s-saan 'to galing?naluluhang usisa sa Guard.
"S-sorry Sir pero pinapaabot lang iyan kanina nh babae."maiksing sagot ni Manong Guard
"S-sure kayo Manong wala man lang palantadaan na kahit ano? para mapasalamatan ko man lang siya."nanghihinayang na usisa nito guard
"S-sir wala talaga, nakataligo kasi sir,Akala ko nga noong una si Ma'am Angel kasi tangkad niya din at pati pangngatawan ay pareho pero hindi tlga lumingon Sir."salaysay nito sa Amo
"Thank you Manong,"Hindi mawari ang ngiti sa labi ni Rashed habang bitbit ang pulang supot ngunit naglaho ang masayang mukha dahil sa narinig niya, nasa opisina si Maryam, napalitan 'to nang madilim na anyo na animo'y sasakmalin ang sinumang masasalubong nito.
"S-sir nandiyan si Ma'am Maryam sa loob ayaw namin siya papasokin pero nagwala 'to."natatarantang paliwanag nito.
Hindi na sumagot si Rashed sa secretary at tinalikuran na lamang ito at diritsong binuksan ang pinto.