"Diba sinabi ko na sayong tumigil kana! Hindi kaba nakikinig? Baka mapatay ka nang taong iyon." Babala sa akin ng isa kong kaibigan pero nagmatigas parin ako. Gusto ko kasing masaksihan kung paano nila papatayin ang taong iyon. Buhay sa buhay ang dapat singilin. Kaya kahit na maulan at madilim ang paligid ay patuloy parin naming hinahanap ang lungga ng taong pumatay sa aking kapatid. Mabilis naman akong napabuntong hininga nang makita ang isang bahay na nakatayo sa gitna ng kagubatan.
"Handa kana ba?"Tanong nila nang makarating kami sa gitna ng kagubatan. Mabilis naman akong tumango sa kanila kaya sinipa na nila ang pinto. Bumungad kaagad sa amin ang umaalingasaw na amoy ng naaagnas na tao pero ang atensiyon ko parin ay nanatili sa babaeng umiiyak. Yakap nito ang kaniyang mga binti habang nakatingin sa kawalanan.
"Mag-isa kalang ba rito?" Tanong sa kaniya pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig habang tulalang nakatingin sa kawalanan.
"Hindi kaba magsasalita?" muling tanong sa kaniya nang ikasa ang isang baril at ito'y itinutok sa babae. Agad naman itong napalunok habang nakatitig sa pulis pero pinigilan ko naman sila sa pamamagitan ng pagharang ng aking kamay. Hawak ko ang litrato ng aking nakakatandang kapatid kaya ipinakita ko narin ito sa babae.
"Kilala mo ba ang lalaking 'to?" Tanong ko sa kaniya habang ipinapakita ang litrato ng aking nakakatandang kapatid. Pilit naman itong ngumiti sa akin pero maya-maya lamang ay bigla na lamang itong umiyak.
"Pinatay ko siya."
"Pinatay ko ang nag-iisang lalaking tinanggap ang buong pagkatao ko."
Maluha-luhang saad nito pero agad na nandilim ang aking paningin kaya agad kong inagaw ang baril sa pulis at pinaputukan siya sa kaniyang braso.
"Kumalma ka iha!" Sigaw ng pulis at inagaw sa akin ang baril. Agad naman akong inilayo sa babae kaya itinuloy na nito ang pagsasadula ng mga pangyayari.
"Nagawa ko lang naman iyon dahil—"
pagputol nito sa kaniyang sinasabi kaya agad na kumunot ang aking noo.
"Dumating na sa puntong tinatrato niya akong parang hayop."
"Nagbago siya, parang hindi ko na siya kilala."
"Hindi korin alam ang nagyayari sa akin!"
"Minanipula nila ang isip ko."
"Nang dahil sa lalaking iyon kinontrol nila ang pag-iisip ko." dagdag pa nito. Hindi na nito napigilang humikbi habang nagtatago sa gilid ng silid.
"Teka wala akong maintindihan! kinontrol?" tanong ko sa kaniya pero nanatili itong tulala. Hanggang sa tanging paghikbi nalang nito ang maririnig sa lugar pero maya-maya ay tumigil na ito at isinalaysay niya na samin ang mga nangyari sa kaniya.