"kunin muna bago pa mag bago ang isip ko" sungit na sabi nito sa akin
"Oo nga baka mag bago pa isip niya, sayang din naman kasi kailangan na kailangan ko ito sa ngayon, isipin ko parang nag CA lang ako." sabi ko sa mga isipan ko.
"Maraming salamat po sir, sobrang malaking tulong po ito sa amin." maluluhang luhang sabi ko dito.
"Your welcome!" sagot nito.
Ako ito ngayon titig na titig sa hawak ko na cheke, sobrang malaking tulong ito sa amin ang sobra dito ay itatago ko para makapag ipon ako, pangarap ko kasi maka pagawa ako ng sariling bahay namin para di na kami mangupahan pa. Itinago ko agad ang cheke sa wallet ko tamang tama pahaba ang wallet ko at kasya ito.
Pagkaraan ng ilang oras ay di ko na malayan na 5PM na pala sa sobrang busy ko.
Nagsimula na akong mag ligpit ng mga gamit ko at nakita ko na nag liligpit na din si sir Joaquin.
"uwi kana?" Biglang tanong nito.
"Yes sir" tanging sagot ko dito habang nagliligpit.
Ng matapos akong mag ligpit ay agad na akong tumayo para lumabas ng Office ni sir Joaquin.
"Labas na po ako sir." paalam ko dito.
Di ko na hinintay na sumagot pa ito at lumakad na patungo sa pinto nito para makalabas na, lalo na excited pa naman ako sa good news na sasabihin ko kina mama at papa alam ko na ikakasaya talaga nila itong balitang dala ko.
Andito na ako ngayon sa labas ng building kakalabas ko lang at mag aabang na sana ako ng ma sasakyan ng biglang my humintong sasakyan sa harapan ko.
Biglang bumaba ang bintana nito.
"Sir?" Tanong ko dito ng makita ko siya ang sakay ng sasakyan na itong sa harapan ko.
"Sakay!" sabi nito sa akin.
"Wag na po sir nakakahiya salamat na lang po" sagot ko dito.
Biglang bumukas ang pinto nito.
"Sakay!" utos nito.
Nahihiya akong sumakay kasi bago pa lang ako dito sasakay na ako sa kanya baka ano pa sabihin ng makakakita sa akin na sumakay ako sa boss namin.
"Tatayo ka na lang ba? Abah! pinapahintay mo pa ako" sungit na sabi nito na nagpa pukaw ng aking isipan sa pagkakatayo ko.
Sumakay na ako ng walang choice, pero bago ako sumakay lumingon lingon muna ako if may nakatingin ba at ng walang nakatingin except ky guard sumakay na ako.
"Thank You po sir." sabi ko dito ng makasakay ako ng nakayuko.
Nahihiya talaga ako kasi boss ko siya.
Di ito sumagot naka fucos ito sa pag drive.
Ako naman ito tamang yuko, tamang masid sa bintana.
"Sir taga La Paz Street po pala ako sir pero dun na lang ako bababa sa sakayan ng Tricycle sir." Pag basag ko sa katahimikan dito sa loob ng sasakyan niya na parang di ako mapakali sa inuupoan ko.
"Let's have some dinner" sabi nito bigla sa akin na ikinagulat ko.
"Sir uwi na lang po ako baka pagalitan po ako nila Mama po." sabi ko dito na nagmamakaawa.
"Ako bahala sa kanila" sagot nito sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nito wala naman akong magagawa kung makikipagtalo pa ako baka masisanti pa ako.
"Malaki kana di papagalitan nila yun" sabi nito sa akin.
"Strikta kasi po si mama sir lalo na nag iisang anak lang ako nila." sagot ko dito
"Hmmmp.... you are safe don't worry." nakangiting sabi nito sa akin.
"Ok po" tanging sagot ko dito.
Nalula ako biglang ng makarating kami sa isang sikat na Hotel dito sa amin ito ang
El Grande Hotel .
Binuksan ng isang lalaki na nagtatrabaho sa hotel ang sasakyan sa ikinauupoan ko.
"Welcome to El Grande Hotel ma'am." bati nito sa akin ng makaka-baba ako
"Thank You po." sagot ko dito na namamangha ako sa Hotel sa labas pa lang mukhang mamahalin na ang lugar.
"Let's Go" pagyaya ni sir Joaquin sa akin.
"Good Afternoon ma'am and sir." bati ng guwardiya sa amin.
"Good Afternoon din po." sagot ko dito sa ky manong guard.
Pumasok kami sa restaurant nila ako naman ay sobrang mangha sa nakikita ko maraming food parang buffet siguro dito ang sasarap ng pagkain.
"Welcome sir and ma'am let's go this way sir." sabi ng isang waiter.
Sumunod naman ako sa likoran ni sir Joaquin na sumusunod din sa waiter. Nakarating kami sa pang dalawahan lang na upoan pero dito na sa corner na nakikita namin ang labas kasi sa laki ng Glass Wall sa area namin.
Pinaupo na ako ni sir Joaquin sa aking upoan.
"Jusko napaka gentleman naman ng boss ko.... nakikilig ako sa mga naiisip ko
Hoy! hanah wag na wag talagang mahuhulog sa boss mo kung ayaw mong umiyak."
Biglang pag kontra ko sa mga naiisip ko.
"Go you first, eat all you want." Biglang sabi akin ni sir Joaquin.
"Ok po sir." Tumayo na ako nag masid nag tungo agad ako sa kinaroroonan ng mga plato.
Ng makapili na ako ng mga pagkain na gusto ko, bumalik na agad ako sa table namin.
Tumayo na din si sir para kumuha ng makakain niya.
After ilang minuto bumalik na ito.
"It's that all your food?" takang tanong nito sa pagkain ko kasi kaunti lang kinuha ko.
"Opo sir ito na lang muna kasi baka di ko ma ubos if dadamihan ko, may nabasa pa naman akong note doon na pag di na ubos babayayaran ang tirang pagkain at babayarang per gram." paliwanag ko dito sabay subo na gugutom na kasi ako.
"Buti at nabasa mo pala yun may ina kasi di nag babasa." sahot nito.
"Mahirap na sir pag di nag observe sa palikid sir mahirap na mapahiya." Naka ngiting sabi ko dito.
"How's your food?" tanong nito sa akin.
"Masarap sir sakto sa presyo na mahal kasi masarap." sagot ko dito.
"Bakit pala di ka nagboboyfriend?" biglang tanong nito sa akin.
"Ayaw ko sir marami pa akong pangarap kina Mama at Papa sila muna uunahin ko bago ang sarili ko, sila ang nag hirap para makatapos ako kahit sabihin pa ng iba na di ko na obligasyon yun pero anak nila ako naghirap sila kaya kung aahon man ako sa buhay ay dapat kasama ko sila." paliwanag ko dito.
"Ano ano ba ang pangarap mo." tanong nito.
"Makapag-ipon sir, makabili ng lupa't bahay tapos bibili ko ang mga gusto nila Mama at Papa, tapos patitigilin ko na c Papa sa pamamasada at sa pag lalaba naman c Mama, ang tanda na kasi nila." sabi ko dito.
"Don't call me Sir, tapos na ang Office hours just call me Joaquin." sabi nito.
"Nakakahiya naman sir.... ay este Joaquin." nahihiyang sabi ko dito.
"Sa office call me Sir, pag sa labas ok na yung Joaquin." Sabi nito sa akin.
"Ok sir, este! Joaquin" natatawang sagot ko dito.
"Where is your place again?" tanong nito sa akin.
"sa La Paz Street po sir pero dun pa po kami sa papasok kaya dun na lang ako bababa sa sakayan ng mga tricycle sir kasi parang squatter kasi dun sa amin." paliwanag ko dito.
"Sabi nang wag nang sir" natatawang sabi nito sa akin
"Ayy sorry po, di pa po kasi ako sanay." sabi ko dito.
"Hahatid kita mamaya kasi pa dilim na din baka mapano kapa cargo de consensya ko pa kung ano mangyari sayo kasi ako nagdala sayo dito." sabi nito sa akin.
"Ok lang ako dun Joaquin kasi kilala naman ako dun nila, walang mang-aano dun sa akin." sabi ko dito.
"Tigas naman ng ulo mo, alam mo ikaw lang ang bukod tanging babae na humihindi sa akin." sabi nito sa akin.
"Sorry naman kasi ayaw ko naman sabihin ng iba na nagpapa sipsip ako sayo, at kung ano-ano pa ang sabihin nila ng di maganda at ayaw ko naman kung ano isipin mo" sabi ko dito.