CATHLYN
Hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman ko habang kasalukuyang nakasakay pa rin ako sa kotseng pagmamay-ari ni Sir Ezekiel. Doon ko muling naalala ang ginawa nitong pagbusina ng ilang beses kanina na wala namang dahilan.
Kawawa tuloy ang mga motoristang binusinahan nito ng pagkalakas-lakas. Paminsan-minsan ay sunusulyapan ko ang gawi nito habang tahimik na nagmamaneho. Nakakunot ang dalawa nitong mga kilay ay halatang badtrip ito. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ako sa punto ng buhay ko na kakailanganin ko pang ibuwis ang buhay ko huwag lang akong magtrabaho sa kumpanya ng mga magulang ko.
Buwis buhay ang pagsama ko kay Sir Ezekiel ngayon dahil una, hindi ko alam kung saan nga ba kami talaga pupunta para lang mag-usap? Pangalawa, hindi ko alam na ganito pala siya kapag nagdri-drive na kulang na lang ay ubusin nito ang sound ng busina nito sa lakas ng pagkakadiin nito sa horn button. At pangatlo, isipin ko pa lang ang sasabihin ng mga katrabaho namin lalo na si Maxine kapag nalaman nitong sumakay ako sa mismong kotse ng amo namin ay para na akong magkakasakit sa puso. Bawat sandali na kasama ko siya ng mga sandaling iyon ay iba-iba ang sumasagi sa isipan ko.
Problema sa trabaho, sarili kong pamilya, personal na buhay ko…at ngayon ay dumagdag pa ang kakaibang pakiramdam na patuloy na nagpapagulo sa buong sistema ko. Normal lang naman na magka crush ang isang tao siguro, nasobrahan nga lang siguro ako pagdating kay Sir Ezekiel.
Halos magkaedad lang kami, galing ito sa mayamang angkan ng mga Montalvo. Bunso ito sa tatlong anak ni Don Lorenzo at Madam Agnes Montalvo. Matalino ito na isa na ata sa mga qualities ng mga Montalvo. Base sa mga narinig kong tsismis tungkol sa kanya ay nagtapos ito ng kolehiyo sa isa sa mga pinakatangyag na unibersidad sa Pilipinas at tumanggap ng pinakamataas na karangalan ng makatapos ito. Kumuha din ito ng kurso sa America ng ilang taon bago ito tuluyang maglayag na mag-isa sa mundo ng pagnenegosyo na namulatan na nito mula sa mga magulang.
There’s no doubt that he possesses everything a woman is looking for in a perfect partner in life, expect for one. Babaero ito, hindi lang iisang beses na nakita ng dalawa ko mismong mga mata kung gaano ito kabaliwan ng mga babae na nakapaligid dito. Hindi ata tumatagal ng dalawang buwan ang karelasyon nitong babae at mababalitaan na lang namin sa agency na may bago na naman itong kinakalamantari.
Muli ko siyang tinitigan ng palihim habang nakahawak ang isa nitong kamay sa manubela at ang isa naman ay nakahawak sa ilalim ng baba nito na parang may malalim na iniisip. Madalang ko siyang mapagmasdan ng malapitan kahit na palagi naman kaming nagkakasalubong sa loob ng opisina nito.
Mapula ang mga labi nito na hindi ko mapigilang pagmasdan katulad ngayon na malapit lang kami halos sa isa’t-isa. Ang mahahaba nitong pilikmata ay bagay sa mapupungay nitong mga mata na parang kahit sino ata ay lalakas ang kabog ng dibdib sa oras na titigan nito. Matangos ang ilong nito na una mong mapapansin sa unang sulyap mo sa guwapo nitong mukha.
Pati ang malaki nitong dibdib ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Alam kong maalaga ito sa katawan at na isa sa mga katangian ng mga Montalvo. He has the charisma that every woman would die for, kaya hindi na ako nagtaka kung katulad ng mga nakakatanda nitong kapatid ay maraming babae ang naghahangad na maging parte ng buhay ng pamilya Montalvo.
Muntik akong mapatalon sa upuan sa kinauupuan ko ng walang ano-ano ay bigla niya akong nilingon na hindi ko napaghandaan.
“Done checking on me?” sarkastiko nitong tanong sa akin na lalo atang nagpatuyo ng lalamunan ko.
“A-hhhh, sir…”
Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito na parang pinagtatawanan ang naging initial reaction ko dahil sa tanong nito sa akin. Bakit ba kasi hindi ko napigilang titigan ito kahit na alam kong anytime ay puwede niya akong makita? Haizt!
“Hey, I’m just kidding.” Bigla akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi niya at hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para titigan ito ng mariin.
“Nagkataon lang po sir na----.” I wasn’t able to continue talking with him when we both heard a sound coming from his phone.
Walang ano-ano ay kinausap na nito ang nasa kabilang linya.
“Hello sir…” iyon ang bungad na sabi ng babae sa kabilang liny ana agad ko namang nabosesan. Si Marlyn ito na siyang secretary nito sa agency.
“Yes, why are you calling?” Agad namang sagot ni Sir Ezekiel.
“Sir, pasensiya na po at napatawag ako. Hindi ko po pala naisama sa sched nyo tomorrow ang lunch nyo with Miss Pia Anderson.” Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Marlyn. Minsan ay narinig kong pinag-uusapan ng ilang empleyado si Sir Ezekiel at ang bago nitong nililigawan nitong sikat na movie actress. Mas lalo kong inabala ang paningin ko sa labas ng bintana ng kotse ko para hindi nito isipin na pinakikinggan ko ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi kaya! Kasalanan ko bang masyadong malakas ang boses ng secretary niya kaya kahit na pabulong lang ay dinig na dinig ko ang sinabi nitong pangalan? Nagngingitngit kong sabi sa sarili.
Pinilit kong magpanggap na hindi ako apektado ng katotohanang wala pa rin itong pinagbago pagdating sa mga babae. It’s just a normal thing for him, that’s the truth.
“Yeah, no problem. Tell her that we’ll meet before lunch tomorrow and I’ll just call her later to inform where we can eat our lunch.” Diretsong bilin ni Sir Ezekiel sa secretary nito. Sunod kong naramdaman ang munting kurot sa dibdib ko na hindi ko alam kung para saan. Hindi ako dapat maapektuhan ng mga naririnig ko ng mga oras na iyon dahil mali ang maramdaman ko ang bagay na’yun.
“Okay po sir, noted po.”
Narinig ko ang pagtatapos ng tawag ng dalawa habang nakatitig pa rin ako sa labas ng bintana at wala ng balak pang kausapin ito. Pagkababang-pagkababa ko ng kotse nito ay magpapaalam na ako para makauwi na rin at masyado ng nakakapagod ang trabaho sa agency sa buong maghapon at idagdag pa ang nakaka stress na narinig ko kanina lang.
“What food do you want to eat?” Sunod kong naring na tanong ni Sir Ezekiel na hindi ko naman agad nasagot. Sandali ko siyang nilingon at saka tumungin sa unahang kalsada.
“Baka po sir puwedeng dito nyo na lang sabihin ang kung ano mang dapat nyong ipaalam sa akin para hindi na po tayo masyadong magtagal. Traffic din po…” sagot ko sa kanya at saka ako alanganing tumingin sa kanya. Doon ko muling nasilayan ang pag-iba na naman ng mood nito katulad kanina. May masama na naman ba akong nasabi at nagalit na naman siya? My God!
“I'll tell you something when we get there.” Makahulugan nitong sabi sa akin sa seryosong boses. Nabalewala lang ang suggestion ko sa kanya na sa loob na lang kami ng kotse mag-usap para hindi na kami humanap pa ng ibang lugar na puwede naming puntahan.
Hindi na ako naging komportable na kausap o tingnan man ito simula ng makaramdam ako na may kakaibang kaba sa puso ko sa tuwing magkasama kaming dalawa, katulad ngayon. “I tell you something when we get there.” Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin na hindi naming puwedeng pag-usapan sa loob ng kotse? Naisa loob ko na lang.
Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ko ang pagpasok ng kotse ni Sir Ezekiel sa isang open space garden restaurant. Kahit na madalas akong lumalabas kasama si Maxine o ang iba kong kakilala ay hindi ko nalaman na may ganito pa lang kagandang lugar sa Manila.
Agad na lumapit ang isang unipormadong lalake sa kotse ni Sir Ezekiel ng maipasok na niya ito sa mismong entrance ng restaurant. Nilingon niya ako saglit bago nagsalita.
“Let’s go?” At sunod nitong tinanggal ang suot nitong seatbelt. At wala na nga akong nagawa ng napatango na lang ako pagkatapos. Pagkatapos kong tanggalin ang buckle ng seatbelt ng mapansin ko na nauna ng bumaba si Sir Ezekiel at walang ano-ano ay dumeretso ito sa gawi ng pinto kung saan ako nakasakay. Alangan kong hinawakan ng mahigpit ang handbag na nakapatong sa mga hita ko saka saktong binuksan nito ang pinto ng kotse nito.
Hindi ko alam kung nakita nito ang pag-aalangan sa mga kilos ko ng mga oras na yun pero mas minabuti ko pa ring kumilos ng normal katulad sa isang empleyado habang kasama ang amo nito.
Inilalayan niya ako habang palabas ng loob kotse at pati ang lalakeng unang sumalubong sa amin ay nakatitig na ngayon sa akin.
“Good afternoon po Sir, Ma’am.” Bati nito sa amin ni Sir Ezekiel. At parang biglang namanhid ang braso ko ng makita ko kung paano nanatiling nakaalalay ang isang kamay ni Sir Ezekiel sa akin.
“Here’s the key.” Iniabot ni Sir Ezekiel ang susi ng kotse nito sa lalakeng nag welcome sa amin. Ito na ang mag-aayos ng pagkakapark ng kotse na gamit namin.
“Let’s go inside.” Untag na sabi ni Sir Ezekiel sa akin dahilan ng bigla kong nagpalingon sa gawi nito. Halos isang danggal na lang pala ang layo niya sa akin at hindi na rin naiwasan ang titigan ang guwapo niyang mukha na ngayon ay malapit na malapit sa akin.
“S-sige po sir…” at sabay nga naming tinungo ang loob ng papasok sa restaurant.
Sa entrada pa lang ng lugar na pinutahan naming ay mapapa wow ka na talaga sa ganda. Kumikinang ang mga nakasabit na LED lights sa bawat halaman at puno sa restaurant. Isama mo pa ang mga nag gagandahang mga bulaklak na makikita sa bawat ibabaw ng mesa na halatang sa mismong sa mga tanim na halaman din sa restaurant na iyon pinitas. May isang panig sa restaurant kung saan may isang naggigitara at habang may isang babaeng kumakanta ng malamyos na tugtugin ang isa pa sa napansin ko ng tuluyan na kaming nakarating sa mismong receiving area ng restaurant. Muntik ko na ngang nakalimutan na kasama ko si Sir Ezekiel sa sobrang ganda ng lugar na pinagdalhan niya sa akin.
Nagulat na lang ako ng muli ay haplusin niya ako sa braso at magsalita sa tabi ko.
“Please, take a seat.” Utos niya sa akin at sunod niya akong pinaghila ng upuan na kinagulat ko na naman. It’s not the first time that I experienced this kind of treatment from a man but with him, iba ang naramdaman ko ng gawin ni Sir Ezekeil ang bagay na iyon. It’s totally different, and I can’t exactly name what feeling is that.
Muli, katulad kanina ay nagpatinaod na naman ako sa bawat sabihin niya sa akin at kulang na lang mahypnotize ako sa bawat titig na ipinupukol niya sa akin katulad ngayon na magkasama kaming dalawa at sa isa pang romantic restaurant na katulad nito.
Hindi nagtagal ay may lumapit na isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga waitress ng restaurant. Saglit na nawala ang paningin ni Sir Ezekiel sa akin at inilipat sa waitress na nasa tabi na namin ngayon.
Pasimple ko rin na tiningnan ang babaeng kumukuha ng mga order namin. Hinayaan ko na lang si Sir Ezekiel sa kung ano ang gusto nitong orderin tutal ay hindi naman ako maselan sa pagkain. Agad kong napansin ang kakaibang tingin ng waitress kay Sir Ezekiel na para bang hindi na ata kumukurap sa kakatitig sa boss ko. Napa ismid ako dahil sa inaasta nito, hindi naman obvious na nagpapacute ito at lantaran pa itong magpakita ng motibo sa amo ko.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagulat na lang ako ng tanungin ako ni Sir Ezekiel.
“Anything you want to eat?”
Umiling na lang ako at pasimple kong inirapan ang waitress na hindi mawala ang ngiti sa labi kanina pa.
At ng dahil sa pangyayaring iyon ay biglang nagbago ang mood ko at hindi ko naiwasang mainis. Nanibago na naman ako ng maramdaman ko ang pinong kurot sa puso ko ng maisip ko kung ilan nga bang mga babae ang nagkakandarapa para lang mapalapit sa isang Ezekiel Montalvo?
Itinuon ko lang ang pansin ko sa tubig na iniinom ko bago pa kainin ang buong sistema ko ng mga nangyayari sa paligid ko ngayon.