Hindi ito sinamahan ng malakas na pagsabog o lindol, para itong isang bulong lang na dahan-dahang kumalat sa mundo. Walang nakapansin.
hanggang sa tuluyan na itong nagbago.
Si Rani , isang ordinaryong babae na Hindi Minsan ay naniniwala sa mahika.
Lumaki siya sa Earth, sa isang city na puro concrete, traffic, at pagod. Same routine na Araw-araw niyang ginagawa at iyon ay pumasok sa school, uwi, tulog. Walang kakaiba. Walang espesyal. At para sa kanya, okay na 'yon.
Hangang sa isang Gabi ay biglang nag Bago Ang lahat
Pauwi na siya nang mapansin niyang parang may mali. Biglang tumahimik ang paligid. Yung mga ilaw sa kalsada, nag-flicker. Yung hangin, parang bumigat.
Napatingin siya sa langit.
At doon niya napansin na wala na ang mga bituin.
"Hindi pwede..." kabadong bulong ni Rina
Hangang biglang siyang may narinig na may mahinang boses. Hindi niya narinig gamit ang tenga-pero ramdam niya sa buong pagkatao niya.
"Rina."
Nanlaki ang mata niya. Bago pa siya makagalaw, biglang nag-crack ang lupa sa ilalim ng paa niya, na parang basag na salamin. Sumigaw siya habang hinihila siya pababa ng kadiliman.
Pagmulat niya ng mata nasa isang lugar siya na hindi niya maipaliwanag.mga puno na kumikinang na parang pilak, ilog na may sariling liwanag, at langit na puno ng kulay na hindi niya pa nakita kailanman.
May mga nilalang sa dilim. Ito ay nakatingin sa kanya. At ang hangin, parang may sinasabi.
"Ano to ?." Tanong niya sa kanyang isip.
Nilibut niya Ang kanyang paningin na
Para bang kilala siya ng mundong ito.
"Nasan ako?"