Chapter 51 Rosalie POV MAKALIPAS ang kalahating oras na biyahe narating namin ni Belinda ang botique sa Greenbelt Makati na sinasabi sa text. Nahiya pa kaming pumasok sa loob dahil sa simpleng suot namin. May magandang babaeng pamilyar ang kumaway sa akin at sumenyas ang kanyang labi na pumasok kami sa loob. Alanganing pumasok kami ni Belinda at agad akong sinalubong ng tatlong babaeng nagagandahan. Napayuko ako dahil nahihiya ako bigla sa mga ayos nila. Ang gaganda nila para silang mga diyosa at ang mga suot nila mukhang mamahalin. Napatitig ako sa babaeng kumaway sa akin, pamilyar siya. "Hi!" magiliw niyang bati sa akin. "Hello!" tugon ko. Lumapit silang tatlo sa akin at niyakap ako at inalalayan na pumasok sa loob. Mainit ang pagtanggap nila sa presensiya ko at agad akong inalal

