Chapter Three
Bumubuhos ang ulan. Basang-basa na ako pero ipinagpapasalamat ko na umulan dahil kung hindi ay hindi matatakpan ang luha ko. Iniwan ko si Lorei sa iskinitang iyon. Hindi ko na nga naisip kung safe ba roon.
Sobrang sama ng loob ko na ang tanging nagawa ko lang ay iiyak iyon habang naglalakad ako pauwi. Pwede akong sumakay ng tricycle pero hindi ko ginawa.
"Psst!" sitsit sa akin. Tuloy-tuloy lang ako. "Lila!" saka lang ako huminto. Narinig ko ang tinig ng kaibigan kong si Kayne. May gamit itong sirang payong. Nakasilong ito sa waiting shed. Lumakad ako palapit sa babae at umupo sa tabi nito.
"Napaano ka?" usisa nito sa akin.
"Pokpok ako," mahinang ani ko.
"Alam ko. Ang tinatanong ko kung napaano ka? Bakit ka umiiyak?" inalok ako nito ng yosi pero tumanggi ako.
"Malandi raw ako sabi ng kapatid ko. Ikinakahiya raw niya ako, Kayne," napayuko ako. Mas lalong nagmadali sa pagtulo ang luha ko.
"Oh, bakit ka umiiyak? Sana sinapak mo o kaya sinungalngal mo. Hindi ikaw ang dapat umiyak. Gaga. Dapat si Lorei. Si Lorei ang nagsabi sa 'yo n'yan 'di ba?" tumango ako.
"Ang sakit-sakit sa puso, Kayne. Akala ko nakikita ng kapatid ko ang ginagawa kong sakripisyo para sa kanila pero iba pala ang tingin niya. Ginawa ko lang naman iyon para makaahon kami sa kahirapan. Ginawa ko lang iyon para may maipakain ako sa mga kapatid ko. Hindi ko kayang makita sila sa lansangan at maranasan pa iyong buhay na mayroon kami dati."
"Kotong sa akin iyang si Lorei kapag makita ko iyan. Kingina n'ya. Dahil sa pagpapakapokpok mo ay hindi na tayo bridgemate."
"Bridgemate?" tanong ko.
"Oo. Hindi ko masabing housemates kasi hindi naman mukhang house iyong ilalim ng tulay. Kaya bridgemate na lang. Hindi ba niya naiisip iyong sakripisyo mo para sa inyong magkakapatid? Tanga talaga no'n. Siya lang iyong kilala kong nag-aaral pero bobo talaga. Huwag mo na kasing paaralin. Iparanas mo sa kanya iyong buhay na walang tulong mula sa ate n'ya," mabilis akong napailing.
"May pangarap ako sa kapatid ko, Kayne. Gusto kong makatapos siya ng pag-aaral para hindi niya maranasan ang buhay na mayroon ako. Gusto kong matupad niya ang mga pangarap niya dahil alam kong kaya rin naman niya."
Napabuntonghininga si Kayne. Matagal ko ng kilala ang babae. Parang pareho nga kami ng kapalaran. Iniwan ng Ina sa kakilala, no'ng napagod na iyong kakilala sa pagbuhay sa amin ay pinalayas na kami.
Dito kami sa kalsada nagkakilala. Si Kayne noon ay 8 years old lang. Ako naman ay gano'n din. Ang kaibahan lang ay solo flight ito habang ako ay karay-karay ko ang tatlong kapatid ko.
Kung si Kayne ay kakaiba ang diskarte sa buhay sa kalsada, ako naman ay ginawan ko ng tunay na diskarte. Minor de edad pa lang pero ilang trabaho na ang pinasukan ko para lang mabuhay kaming magkakapatid.
Sobrang hirap. Pero naitaguyod ko sila at nakuha pa ngang paaralin.
Pero hindi iyon gano'n kadali. Kaya no'ng 18 years old ako tapos nagkasakit ang bunsong kapatid ko ay sinubukan ko no'n na kumapit sa patalim.
Oo, desperada na ako no'n. Takot na takot ako na baka mawala sa akin si Lala.
18 ako no'ng naibenta ko ang p********e ko. Isang tindera sa palengke ang nag-alok sa akin ng client no'n. Ayon sa kanya ay pangarap daw ng client na magpari pero ang ina nito ay hindi sang-ayon sa gusto ng anak.
Binayaran ako para mabago ang isip ng lalaki.
--Flashback--
"Lila, willing daw magbayad ng 2k iyong kausap ko. Kailangan lang niya ng babae para maka-experience iyong anak niya at magbago ang isip. Gusto raw magpari no'ng anak niyang lalaki at ayaw niya. Pinanood mo naman iyong mga bold sa cellphone ko 'di ba? Gano'n lang ang gagawin mo. 2k kung ibi-bj mo raw. 5k kung papakantot ka talaga."
5k. Doon ako sa 5k. Kailangan ko ng pera at ang limang libong iyon ay malaking bagay na sa akin at sa mga kapatid ko.
"Sige po, 'Te. Doon ako sa limang libo."
"Very good! Alam kong madiskarte ka, Lila. Alam ko ring kayang-kaya mo iyan. Hindi ka naman na virgin 'di ba?" ani nito.
"Virgin pa ako, 'te. Pero kaya ko iyan. Sayang din ang 5k. Basta i-sure mo iyong 5k."
"Sure na sure iyon," nag-thumbs up pa ito. "Gawin mo na. Tapos ako na muna ang tatao sa ospital. Akong bahala kay Lala," tumango ako rito. "Maligo ka ha. Tiyakin mong walang libag. Mag-ahit ka rin ng bulbol para walang sagabal. Ito bente. Maligo ka roon. Tapos papahiramin kita ng dress na maganda. May panty ka bang maayos?" agad akong umiling.
"Ibibili kita. Maligo ka na. Isusunod ko roon."
Ginawa ko ang sinabi nito. Naligo ako. Tiniyak kong nahiluran ko ang mga dapat kong hiluran. Wala pa akong experience pero hindi naman ako bobo.
"Lila, ito na iyong pamalit," dinig kong ani ni Ate Ferly. Inilusog niya iyon sa pinto. "Mag-shave ka ha," paalala pa nito na para bang kami lang ang tao sa banyo.
Hindi na lang ako umimik. Sinunod ko na lang siya. Nang natapos ako ay nagbihis na rin ako. Nang lumabas ay pinahiram pa niya sa akin ang suklay, pulbo, at lipstick niya.
Winisikan pa nga niya ako ng pabango niya.
"Nandyan na sa labas iyong nanay. Isasabay ka niya hanggang sa bahay nila. Aalis din sila ng asawa niya kaya ikaw na ang bahala roon sa anak. Galingan mo ha. Tiyakin mong mabebembang ka no'ng anak nila. 5k iyon, Lila. Huwag mong sayangin."
Tahimik lang ako hanggang sa nakarating sa sasakyan. Binuksan lang ni Ate Ferly ang pinto at lumulan ako. Pagkasara ng pinto ay agad ding umusad ang sasakyan. Pero may biglang humarang sa sasakyan at agad na nagpreno ang ginang.
"What the heck?" iritable agad ito. Ang babaeng humarang sa kalsada ay walang iba kung 'di si Kayne. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan.
"Kayne, tabi," taboy ko rito.
"Gago ka! Saan ka pupunta? Bumaba ka d'yan, Lila." Umiling ako rito.
"Kailangan ko itong gawin para sa kapatid ko, Kayne---"
"Tutulungan kita."
"Kayne, gagawa ako ng paraan. Ako na ang bahala. Pakitingin na lang sina Jonson at Lorei. Kung magtanong sila kung nakita mo ba ako ay sabihin mo na lang na hindi," at bago pa makasagot si Kayne ay umusad na ang sasakyan. Nakita ko pang humabol si Kayne pero hindi ko na lang pinansin.
"Hija," tawag ng ginang sa akin.
"Po?"
"Oras na pumasok ka sa bahay ko at magtanong ang anak ko kung sino ang nagpapasok sa 'yo ay sabihin mo lang na isa sa kaibigan niya ang nag-utos sa 'yo roon. Hindi n'ya pwedeng malaman na ako ang may pakana. Naintindihan mo ba?" agad akong tumango rito.
"Opo," tugon ko.
"Huwag ka nang nagpakilala sa kanya. Basta gawin mo ang trabaho mo at oras na matapos ka roon ay may taong maghihintay sa labas. Siya ang magbibigay ng pera mo."
Tinandaan ko ang bilin ng ginang. "Tiyakin mong papatulan ka ng anak ko, hija. Wala kang mapapala sa akin kung hindi siya kakagat sa plano natin."
Desidido ako. Gagawin ko ang lahat para lang matiyak na hindi ako papalpak.
Gabi na. Nakarating kami sa bahay niya. Bumaba ako, sumakay naman ang isang matandang lalaki. Agad ding umalis ang mga ito kaya naman pumasok na ako.
Ilang beses akong huminga ng malalim. Wala sa isip ko ang pag-atras dahil kailangan ko talaga ng pera. Lumakad ako unang pintong nakita. Binuksan ko iyon. Hindi naman ako nagkamali.
Nang buksan ko iyon ay halatang nagulat ang lalaking abalang nagtutupi ng damit at inilalagay sa maleta.
"Ah, excuse me?" takang ani ng lalaki. "Sino ka?" tumayo ito at lumakad palapit sa akin. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Natakot ako. Pero inalala ko agad ang limang libong makukuha ko. Pumasok ako at isinara ko ang pinto.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki.
"Miss, sino ka?" tanong nito sa akin. Nang ibaba ko ang suot kong tube dress ay natigilan ito. Nahinto sa paghakbang.
Tumambad lang naman agad dito ang malusog kong dibdib.
"Sir, pwede bang angkinin mo ako?" mahinang tanong ko. Sadyang mahina dahil pakiramdam ko'y lulubog na ako sa labis na hiya.
"What? Are you crazy?" lumapit ito at sinubukan itaas ang damit ko pero pinigilan ko siya. "Miss, magbihis ka nga. Ano bang trip mo? Kung may problema ka ay pag-usapan na lang natin Hindi iyong basta ka na lang naghuhubad. Saka hindi ako masamang lalaki. Magbihis ka."
Umiling ako. Muli kong ibinaba ang suot ko hanggang sa nahulog na sa sahig ang dress ko. Panty na lang ang natira. Punyeta't nakapa ko pa ang tag.
Naka-boxer lang ang lalaki. Sakto lang naman ang katawan nito. Walang abs pero parang malaki ang kargada.
Napatitig ito sa malusog kong dibdib.
Para akong demonyo. Iyong nangangarap mag-pari ay tinutukso ko.