"Ash? Elle?" lumabas ako sa kwarto ni Dave. Wala siya dun. Asan na yung dalawa? Asan na si Dave?
"Yo! Andito yung asawa mo." narinig ko ang boses ni Elle. Sinundan ko na lang yung parang ingay. Tapos O_O biglang may humawak sa kamay ko. Halos humiwalay ang katawan ko sa kaluluwa ko.
Si Dave!
"Hi Pikachu ko." casual niya lang na bata habang napapagitnaan niya ako at ng wall.
Hindi pa ako nakapagsalita agad. Para akung na stuck up.
"Hi ka diyan! Bakit hindi ka nagpakita sa'kin? Ilang--" -__- bigla ba namang tinakpan ang bunganga ko.
"I know...I know... I'm sorry. Hindi ko na rin naalala na hindi ko pa pala nasabi sayo. Supposed to be babalik naman ako agad eh, medyo natagalan lang. Sorry baby." ( _ _") papaano pa ba ako magagalit? Ikaw kaya mong magalit pag ganito na?
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bunganga ko nung alam niya ng hindi na ako mag-hehesterical.
"Hoy! Andito na pala si lover boy!" nagulat na lang ako ng lumabas galing sa isang kwarto si Ash.
"Amp! Wag ka ngang maingay." nagreklamo na naman si Dave.
"Sus! Aalis na kami, gabi na. Para ng masisiraan ng bait yang girl-- I mean asawa mo sa kakahintay say--"
"Oo na, umalis na nga kayo. Wag mong iwan si Elle dito." Dave
"Yo dude! Talagang hindi. Tara na Alex, sabay ka na sa'min." niyaya na ako ni Elle. Sasabay ba ako sa kanila? Baka tupakin si Dave at hindi ako ihatid eh.
Parang kanina lang galit na galit ako sa kaniya tapos ngayon parang wala na agad.
"She's staying." humigpit ang hawak ni Dave sa kamay ko.
"Yeah, whatever. Mauna na kami Alex." dire-diretso lang si Ash at Elle palabas.
#_# OMO! Ba;t ako maiiwan dito?
"Teka, ihahatid mo ba ako?" tanung ko kay Dave.
Hinila niya ako papunta sa...uuhhmmm..kusina.
"Nope, matutulog ka dito."
O_O Ako? Matutulog dito?
"H-ha? Bakit? T-teka. Hindi pa ako nakapag-paalam kay Kathy..tapos ano...magagalit yun.." Aist! Okay lang ba to? Wala naman sigurong masamang balak si Dave diba?
"Ayaw mo? Bakit? Naiintimidate ka sa'kin?" *_* Kung makapag salita lang parang hindi ako babae no. Parang bumabagyo ata.
"Wow Pokemon. Mahangin masyado." I retorted. Habang tinitingnan ko lang siyang may kinukuha sa ref. Cake -___- great!
"Oh. Kainin mo." inutus lang ba. Hindi man lang nagtanung kung ayaw ko o gusto ko.
"Ayoko."
"Bakit? Hindi naman yun request ah." suplado nito. Pilitan?
"Antipatiko!" sigaw ko.
"Mahal mo naman." yun nga!
"Bakit ba ang sungit mo? Ha?" tanung ko. Parang nabaliktad ata. Siya naman yung first place pa lang, may kasalanan na, tapos ngayon siya pa yung nagsusuplado.
"Nothing." matipid niyang sagot tapos kumunot ang ulo.
"Ano na nga?" makulit talaga, let's just accept the fact.
"Naiinis lang ako. Nakalimutan kung sabihin sayong aalis pala ako." sabi niya.
"Tama. Mainis ka." natawa ako sa mukha niya. Parang constipated. It's really bothering him.
Tumayo ako sa lamesa at kumuha ng tubig sa ref, ang daming sticky notes na nakadikit.
"Call mama."
"Fix car."
"Buy beer."
"Call Elle."
"Ang dami atang reminders dito." sabi ko lang sa kaniya. Busy ata sa kakakulikot ng cellphone.
"Come here. Don't mind that." lumapit lang ako tapos hinawakan niya ako sa bewang.
"Oh bakit?" tanung ko.
Nilapag niya yung cellphone niya sa table tapos tumingin sa'kin. Kailangan ko pang umatras ng konti kasi ang lapit ng mukha niya.
"Babe..." sabi niya.
"Hhmm?"
"I'm horny." O_O
Bigla akung napaatras. Ano daw?
"Hoy lalaki! Tigil-tigilan mo ako ha." Sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Tumakbo ako sa sala, iniwan ko siyang tumatawa dun sa kusina. Ang sama nun.
Napa-upo ako sa sofa. Aist! Naririnig ko pa siyang tumawa, ang sama talaga--aray :| may naupuan ata akung something.
Lipstick?
Kanino to?
Bigla kung naalala yung babaeng galing dito nung kakarating pa lang namin. Ugh! Sino kaya yun?!
~___~ Dave patay ka sa'kin.
"Hoy!" nag march ako papuntang kusina.
"Yes Mrs. Weinstein?" siya na yung kumakain ng cake habang naka-smirk sa'kin.
"Sino yung babaeng nandito kanina?" nakapamewang pa ako tapos turo-turo siya.
"What? Sino?" nagmamaang-maangan pa ha!
"Yung maganda! Yung maputi...yung galing dito, yung nagbukas ng pinto sa'min. Sino yun? Niloloko mo ba ako? Ha?" Ai naku! Papatayin talaga kita Dave! Lagot ka sa'kin!
"Ah yun? Si Margaret. Masahista." O_O
"Oh my God Dave! You're cheating on me?" (//_)
Siya kaya ang kasama ni Dave sa US?
Kelan pa?
"Babe, masahista nga. Pagod ako eh, flight, you know. At siya talaga ang nagmamasahe sa'kin."
-___- Oo nga naman Alex, wag kang OA.
"Eh bakit babae?!" sigaw ko.
"Alangan naman lalaki? Eh mas nakaka-ilang." sabagay.
"Ba't ang ganda nun?" tanung ko ulit. Ang ganda talaga.
"Nagseselos na naman si Pikachu ko. Halika nga dito." nagpapa-cute na naman.
"Ayoko!"
"Ayaw mo? Iri-r**e kita." -____-
"Ulol!" sigaw ko ulit.
"Alex! Don't speak bad words!" BIPOLAR! Siya na naman nagagalit ngayon.
"Heh!" umalis na lang ako, pero bumalik ako tapos kinuha yung cellphone niya sa table.
"Babae! Anung gagawin mo sa cellphone ko?" hinabol niya na ako sa sala. Babae ha.
"Tatawagan ko yung masahista mo!" sabay hanap sa phonebook ng name na MARGARET.
Pero di nga, kung hindi niya ako hinabol talagang maglalaro lang naman ako dito eh.
"Ano to? Threesome?" threesome?
"Ang maniac mo! Ililibing ko kayong dalawa ng buhay!" Maniac nito.
Ai naku! Sa totoo lang para na talaga kaming sira ulo dito. Pero siya kasi eh.
"Papatayin mo na ako? Eh hindi pa tayo nagse-s*x!" -____- nagiging manyak na nga siya. Kailangan niya ng lubayan si Elle.
Tumahimik lang ako tapos tinitigan siya.
Lumapit siya sakin tapos hinalikan ako sa noo.
"Tama na babe. Para na tayong sira niyan eh. Bukas naman, late na." late na nga. At buti na lang alam niya na parang sira na nga kami.
"Para tayong wierd couples." sabi ko habang hinihila niya ako papuntang kwarto.
"That's why we're perfect." napangiti lang ako sa sinabi niya, "...teka.."
Napatingin ako sa pinto. O_O Hindi mabuksan?
"Ha? Lock?" tanung ko.
"Yeah. Ni-lock mo ba to?"
Patay ( _ _")
"Hindi." hindi ko nilock diba? Sinirado ko lang. Promise.
"Nasaan na ba ang susi nito?" binubuksan niya yung drawers niya sa sala.
"Lagot tayo." sabi ko, kaya tinulungan ko na alng siyang maghanap.
"s**t! Nakalimutan ko kung saan nalagay ang susi sa kwarto." Frustrated na naman siya.
I guess we'll have to spend the night outside the locked room :)
Ang galing naman kasing magtago ni Dave ng susi.