chapter 18

1253 Words
Mabilis lumipas ang mga panahon.Isang Certified na Doctor na si Cel.Nagtapos siya bilang Magnacumlaude.Natupad narin ang kanilang plano na magpatayo ng isang malaking palengke sa kanilang lugar. Samantala sa hindi inaasahan habang pabalik ang kapatid ni Jetro at bayaw na aksidente 'to.Sa ngayon sila ang tumatayong mga magulang ni Scarllete. "Bestfriend, congrats! isang ganap kana na Doctor ngayon."Sigaw ni Jera na kababa lang ng sasakyan.. "Thank you bestfriend..Hindi ko naman maabot 'to kung wala ang tulong n'yong dalawa."sagot ni Doc Cel. Since araw lang naman ang pagitan ng birthday at graduation nila,pinag-isa nila ang celebration. "Mommy,sabay na tayo mag-blow ng candle."Saad ni Scarlette.Nag-aaral na rin ito. "I love you baby.Ling pwedi ba mauna na kayo doon may pag-uusapan lang kami ni Je."Paki-usap ni Cel kay Jetro. Pagkaalis ng dalawa,biglang naluha si Cel kaya medyo nag-aala si Jera. "Ano ang problema best?Hindi ka ba masaya na isang ganap kanang Doctor?"Konot noo na tanong ni Jera. "H-hindi sa ganun.Actually sobrang masaya ako.Iniisip ko lang,kung hindi siguro ako naging pabaya at iniisip ko ang aking mga anak,siguro kasama ko sila ngayon."Saad ni Cel habang umiiyak. "Ano ang nangyari dito?Ling b-bakit ka umiiyak?"Sabat ni Jetro mula sa likuran. Hindi sila umimik at pinagpatuloy ni Jera ang pagtanong kay Cel. "Gusto mo ba,bawiin ang anak mo.Gusto mo ba alagaan ang baby mo ulit?"Nakangiting tanong ni Jera.Pagkatapos tiningnan siya ni Jetro at tumango narin 'to bilang handa na sila sabihin ang katotohanan. "H-hindi kaya magagalit ang pinagbigyan niyo kung kukunin natin?" "Alam mo Doc. isa na akong Atty ngayon kaya yakang-yaka natin 'to.At isa pa idadaan natin sa proseso ang pagkuha.Kaya lang."Yumuko si Jera at nagkunwaring naglungkot-lungkutan. "Bestfriend may nangyari ba sa anak ko?s-sabihin mo na!"Nagtatarantang tanong ni Cel. "K-kaya lang,matagal na sa'yo ang iyong anak."Nakangiting nginuso ni Jera si Scarllete. Nanlaki naman ang mata ni Cel.Hindi s'ya makapaniwala na ang batang katabi niya sa pagtulog ay ang kan'yang tunay na anak. "Best huwag mo akong biruin ng ganito.Anak ko si Scarllete?"Bumuhos ang mga luha ni Cel kahit hindi pa sumasagot si Jera. Hinawakan siya ni Jera sa kamay at pinisil 'to "Puntahan mo siya at yakapin.I'm sorry kung hindi namin sinabi agad.Natakot kami na baka magalit ka sa bata." Agad tumayo si Cel at niyakap si Jera.Yumakap 'to ng mahigpit na parang walang bukas.Pinuntahan nito agad si Scarlette ng mahigpit at niyakap.Kahit nagtataka man ang bata yumakap na din 'to. Habang masaya sila sa kanilang maliit na salo-salo.Hindi n'ya namalayan ang pagtunog ng kanyang Cellphone.Hanggang sa may isang sasakyan ang huminto sa kanilang tapat ng gate. "May bisita ka bang inaantay Ling?"Nagtatakang tanong ni Jetro. "W-wala!"Pailing-iling nasagot ni Cel habang tinataw ang sasakyan mula sa labas. Lumabas naman ang isang Magandang babae sasakyan.Naka bihis pang Doctor 'to. "Hi Miss Arandez.B-bakit ho, napadalaw?"Tanong ni Cel. "Bestfriend siguro mas mabuti papasukin na mona natin sila, para makapag-usap kayo ng maayos."Saad ni Jera. Agad naman nila pinapasok si Miss Arandez at ang kasama nitong babae. "Ma'am ano ho ang pakay n'yo,at mukhang importante po."Walang idea na saad ni Cel. Bumuntong hininga 'to bago sinagot ang mga katanungan ni Cel."This morning, we receive a news from Us na si Mr. Chairman Francisco ay pumanaw na."Malungkot na saad ni Miss Arandez. "How? last few days,before my graduation,tinawagan niya ako.He asking sorry pero hindi ko maintindihan bakit humihingi siya ng tawad."Saad ni Cel. Ngumiti ng hilaw ang kasama ni Miss Arandez."I'm Mrs Bolivar.I'm his lawyer for a longtime.Kaya kami andito kasi may iniwan na video si Mr Chairman." "Tungkol saan po?"Nagtatakang tanong ni Cel. "Hindi namin masasabi dito.Mas maigi pa na sumama kana sa amin dahil ang miyembro ng pamilya, ay nag-aantay na din."Segundang saad ni Atty. Bolivar. Tumingin muna si Cel sa Nobyo at kaibigan upang hingiin ang kanilang opinion.Tumango na si Jetro tanda ng pagsang-ayon ganun din si Jera. Halos 20 minutes ang kanilang pag-aayos at saka umalis.Sumusunod sila kay Miss Arandez at Atty. Habang papalapit sila sa bahay mas lalong kumabog ang dibdib ni Cel. "Doc at Atty pwedi ba mauna nalang kayo sa loob.Kinakabahan kasi ako."Saad ni Cel.Pinagpapawisan 'to at medyo balisa. "Sige,sasamahan nalang kayo ni Manang papunta ng secret living room."Saad ni Miss Arandez. "Kailangan talaga kami samahan dahil baka maligaw kami sa sobrang laki."Sarkastikong saad ni Jera. Nauna ng pumasok ang dalawa at naiwan sila sa labas upang kumalma. Habang papasok ng living room,rinig na rinig ng dalawa ang maingay at galit na boses ni Daisy. "Dad wala pa ba?almost 45 minutes na tayo nag-aantay dito."Reklamo ni Daisy. Dahan-dahan na pinihit ni Mrs. Bolivar ang pinto at diretsong pumasok.Ngumiti 'to ng nakakaloko kay Daisy. "What the heck! Bakit kayo late?"Pagalit ni Daisy sa dalawa. "May importanteng tao kaming sinundo."Ngiting aso na saad ni Miss Arandez. "Nagbibiro ba kayo?kami lang ang pamilya ni lolo kaya huwag kang magbiro at baka hindi kita bayaran."Mayabang na saad ni Daisy Malapad lang na ngumiti si Atty Bolivar kay Daisy.Ilang minuto lang ang nakalipas may kumatok sa pinto. Masayang lumapit sa pinto si Doctor Arandez at pinakbuksan sina Cel. "Miss Jugno,dito ka maupo."Itinuro nito ang upuan katabi ni Dasy. "What the f**k,ano ang ginagawa n'ya dito?"Nanlaki ang mata ni Daisy ng makita si Cel sa loob.Samantala si Mr Martin naman ay natulala at nakatitig lang kay Cel. "Daisy pwedi ba umupo ka mo na.Bago lumipad ang lolo n'yo.Tapos n'ya na gawin ang last well testament n'ya.At ipinamana n'ya 'to sa taong karapat-dapat na tao."Saad ni Atty ni Bolivar. "Bago simulan basahin ni Atty ang last well testament ni Mr. Francisco.Panoorin natin muna ang huling habilin n'ya."Saad ni Miss Arandez.At ini-on ang Tv.Naglalaman 'to ng video ng matanda. Sinasaad dito na si Cel lahat magmamana ng buong kayamanan ng matanda.Kasama ang mansyon,ngunit maliban sa Francisco Corporation.Sinabi ng matanda na ibibigay 'to sa anak ni Cel. "Sa panahon na mapapanood mo 'to,malamang nasa kabilang buhay na ako.I'm sorry apo,dahil ako ang dahilan ng paghihirap n'yong mag-ina.Ako ang dahilan bakit nasira ang buhay ni Celestina.Gusto ko sana bumawi sa'yo.Alam ko hindi sapat ang pera sa lahat ng ginawa ko.P-pero sana mapatawad mo ako.Ikaw lang ang nag- iisa kung apo,Kaya nararapat lang na ikaw magpatuloy ng mga pinaghirapan ko.Patawad apo at mahal kita."Mangiyak-ngiyak na saad ng matanda. "No,hindi ako papayag.Si Daddy ang anak,bakit sa kan'ya pinamana."Galit na galit na saad ni Daisy.Sinugod niya si Cel upang samapalin.Pero hinarang 'to ni Mr Martin. "Daisy stop it.Lahat ng ari-arian ng Ina mo ay nasa sa'yo na.Kaya respetohin mo ang desisyon ng lolo mo." "Pati ba naman ikaw Dad,nauto ng babae na 'yan.Kabit karin ba ni Lolo at Daddy?nilandi mo din sila tulad ng paglandi mo sa boyfriend ko." Nanginig sa galit si Cel dahil sa pang-iinsulto ni Daisy.Kaya nilapitan n'ya 'to at sinampal ng kaliwa't kanan. "Matagal na ako sa'yo boysit.Gusto kita kaladkarin palabas dito.Lumabas kana kung ayaw mo ako mismo ang hihila sa buhok mo at sipain ka palabas..."Inis na inis na saad ni Cel..Namumula ang pisngi nito dahil sa galit. Palihim naman na ngumiti sina Jera,Atty Bolivar at Doctora Cel. Lalo nangisay sa galit si Daisy ng tumayo si Mr. Romero at lumuhod sa harapan n'ya.Humingi ng tawad 'to at gusto magpaka-ama. "I'm sorry po.Sa ngayon masyado ako nabigla at hindi ko alam ang sasabihin."Tinulungan niya tumayo ang ama.At umalis na.Natakot siya baka makapagsalita s'ya ng hindi maganda. "Mag-aantay ako hanggang sa mapatawad mo ako."Saad ni Mr Romero. "Nahihibang kana Dad.Why u need to vow on her.Bahala ka sa buhay mo Dad, dahil hindi ako papayag na agawin sa n'ya sa akin ang lahat."Ngitngit na saad ni Daisy. Kinuha n'ya ang ibang gamit sa mansyon at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD