"Maricel, gising na.Aba'y linggo ngayon dapat maaga tayo ngayon sa shop dahil sigurado maraming tao ngayon."sigaw ng ina nito sa kanya.
"Nay,mamaya na po at ina-antok talaga ako." sagot naman nito sa ina.
"Lintik na bata 'to..Aba'y ano pinaggagawa mo at parang lantang gulay ka?"kinalabog ng ina ang pinto mula sa labas ng silid niya..
"Pinakain ko lang naman ang pechay ko sa hindi ko lang naman kilala"inis at mahinang sagot niya sa Ina..
Ngunit parang sadyang malakas ang pandinig ng ina dahil hanggang labas ng pinto dinig nito ang sinabi n'ya.
"Pasaway kang bata ka,ano pinagsasabi mo ha!" may dala itong walis tambo para pangpalo sa kanya.
"Inay naman winalis mo yan doon sa labas tapos pinasok mo dito.."
"Hoy,Maricel kailan ka pa natuto mag-inarte ah.At huwag mo ibahin ang usapan.Narinig ko mula sa labas ang sinabi mo, na ipinakain mo na ang petchay mo."
"Nay naman.Nagbibiro lang ako, nag-titok kami kasi nina Jera,Gimini at Wilma tapos nakuha ko lang yong lines doon."
"Alam mo simula nang lagi kang nag-t****k,kung ano-ano ng ka-praningan ang pinagagawa mo.Hala bumangon ka na d'yan at mag-aayos ako sa baba."
Pagkatalikod ng Ina agad nito niligpit ang higaan niya.Maliit lang 'ito at simple..Pero sobrang linis at napaka organize ng silid ng dalaga.Kulay red ang motive ng kwarto niya.
"Maricel hindi kapa ba tapos! inis na bulyaw ng ina nito sa kanya."
"Inay, nandiyan na po..Naku pechay ko,kayanin mo,huwag mo ako ibuko na open sesame kana ng mokong na iyon."
Habang nagbibihis siya kung may anong pumasok sa isip n'yaa.Kinuha nito ang salamin at bumubuka..
"Ang pangit." Sigaw nito habang pinagmamasdan ang kanyang petchay.
"Maricel ano nangyari at parang kang nakakita ng multo."
"W-wala inay,ang pangit lang ng ayos ko!"Alibay nito sa ina.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo,May tinatago ka ba sa akin? At ano nangyari sa hita mo bakit parang kang pato kung lumakad,naiiwan ang puwit mo."
"Naku nay,wala 'yan.May kulani lang ako sa hita kaya ganito ako lumakad."
"Oh siya! dahil late na tayo doon nalang tayo kumain sa shop!"
Pagkatapos magbihis ni Cel agad siya bumaba at dumiretso sa sasakyan.Minana pa nila 'to sa yumaong mga magulang ng Ina.
Habang nasa byahe boysit na boysit ang Ina niya dahil halos isang oras na silang naipit sa traffic.
"Inay may naisip ako."Kinuha niya ang trumpa sa gilid at agad tumayo.Isang Owner type ng Jeep ang gamit nila kaya hindi siya nahirapan.
Pasensiya na po kayo kung mang-iistorbo ako.Pero nagmamakaawa ako buntis ang Inay ko at menopausal baby ang pinahbubuntis niya po.
"Tarandong bata 'to ginawang pang akong buntis..Susme bata ka,ng iniwan ako ng ama mo,matagal ko na ibinaon sa limot ang paglalandi.Lanta na ang gumamela ko ,kaya tigil-tigilan mo ako."
Pumito naman ang traffic enforcer at binigyan sila ng daan!
"Yes,Nay! Larga na! buti hindi na sila lumapit at nagtanong kinabahan ako doon."Saad nito habang ngiting-ngiti dahil nakalusot sila.
"Anak,thank you! kahit gustong-gusto na kita minsan kutusan dahil sa mga kalokohan mo,pilit kung ini-intindi kita dahil sobrang mahal na mahal kita."
Nanay naman! ayaw ko umiyak alam mo naman naka eyeliner ako mamaya mukha akong inumbag nito.
"Seryoso ako Maricel.Huwag ka muna mag-boyfriend dahil ayaw ko iparanas sa'yo na maging Ina dahil sa murang Edad."
"Nay,wala ba tayo kamag-anak kahit isa? Halos kasi kahit nakapikit ako kaya ko i-drawing ang mukha mo dahil walang oras na hindi tayo magkasama tanging school lang tayo naghihiwalay."
Napalunok ng laway ang Ina dahil ayaw niya malaman ang mapait niyang karanasan tungkol sa pamilya niya at pamilya ng Ama nito.
"I'm s-sorry sa ngayon anak hindi ko pa kaya g sabihin sa'yo.Hindi pa ako handa."
"Alam mo nay naiintindihan ko pero sana huwag mo antayin pumuti na ang lahat ng buhok mo ay hindi mo parin sasabihin."
Tumango lang Ina.Naawa rin siya sa anak niyo pero kailangan niya kalimutan ang masalimoot na kahapon niya.
Pagdating sa Shop naka-abang na ang Tatlo.Parehong Doctor ang kinuha nina Wilma at. Cel.Si Gimini naman Entrepreneurship at si Jera ay isang abogada.Magkaiba man sila mga batayan pero alam nila sa sarili iisa lang ang kanilang kaillangan,Iyon ay ang isang Ama.Pareho silang pinalaki ng mag-isa ng kanilang mga Ina.
"Kakarating lang namin huwag mo na kayo magulo.Malaki ang babayaran namin sa darating na enrollment kaya kailangan namin kumayod."
"Tita don't worry po..Bago kami manonood ng BTS ay tutulong muna kami sa pagbinta dito."
"Maraming salamat kung ganun.Agad naman pinalabas at inayos ang mga paninda nila."
"Bff gusto ko ma-try ang trumpa okay lang?"
"Sure!" tuwang-tuwa si Cel sa tuwing nagtatambay ang mga kaibigan niya sa tindahan dahil hindi niya nararamdaman ang pagod.Sari-sari ang mga paninda kaya mabinta sila dahil bukod sa mura ang galing pa ni Cel sa sales talk
"Bff mag-umpisa na ako ahh," excited na saad ni Gimini
"Goodmorning madlang people..Lapit na po kayo baka may magustuhan kayo sa paninda namin. Mayroon din kaming salawal ng panlalaki...Abay kakaiba 'to bukod sa makapal ang tila ay may secretong itong pocket sa loob na pwedi pagtaguan ng ng resibo na ipinadala niyo sa kabit niyo.. Huwag kayong magalit at ako'y nagbibiro lang!"
Nagtawanan naman ang lahat ng nakarinig.Maya-maya pa ay nasilapitan na ang maraming customer kaya tuwang -tuwa naman ang Ina niya.
Halos 7 pm ba sila nagsarado at dumiretso na sila sa Concert ng mga ini-idolo na.Dumaan mo na sila sa sa paboritong karindirya.Laging si Wilma at Jera ang laging nangli-libre sa kanila dahil hindi ay may magandang buhay.Si Gimini naman ay independent person kahit mayaman ang pamilya nito ay pinili niyang maging working student.
"Cel tabi!" sigaw ni Gimini habang papalapit na humaharot ang isang kotse.
Parang sasabog si Cel sa galit sa lalaking driver!
Agad hinarang ng mga kaibigan ang lalaki at pinaghahampas nila.
"Girls bilis at ma-lalate na tayo sa Concert"pinatigil niya ang ginagawa ng tatlo sa lalaki dahil late na talaga sila.
"Sa tingin mo, makakaabot pa tayo at isa pa ang dungis ko.
"Pumunta muna tayo sa department store at bilhan kita ng damit saad ni Jera..
"Huwag na nakakahiya!"
"Naku huwag kana mahiya dahil magtatampo ako pagtinanggihan mo ako"
"Sige na nga,wala naman ako
magagawa sa pang blockmil mo.
Dumiretso sila sa department store upang makapagbihis si Cel.Ngunit habang pumilili sila may isang lalaki at babae na naglalampongan sa gilid nila at kilala niya ang boses ng lalaki.
"B-bakit?"nagtatakang tanong ni Wilma.Binitawan kasi nito ang damit at palinga-linga sa palibot.
"Leo!"sigaw ni Cel sa lalaking may ka akbay na babae.
"Kilala mo iyon Hon?"tanong ng babae.
"Ahh, ehh hindi ah..Hindi naman ako si Leo ako naman si Roger hon." ngunit halos butil na ang pawis nito at mabilis nitong hinila ang kasama para maka-iwas.
Sadyang maliksi sila dahil naabutan pa nila si Oscar aka Leo.
"Hoy,Leo tapos mo ako bayaran ng 500 tatakasan mo ako."
"f**k,natampal nito ang noo dahil sa ingay ni Cel.
"Totoo ba ang sinasabi mo Roger? bakit sa kan'ya 500 sa akin,250 lang tapos nilibre mo lang ako ng buy one take one na footlong.."
Napangiwi si Oscar at nagpasabunot ng sumbrero dahil tuloy-tuloy ang talak ni Cel..
'Dude ano nangyari?"tanong ng kakarating na kaibigan.
"At ikaw sino kanaman isa karin ba sa budol pechay gang?"galit na saad ni Cel.
"Upakan mo na 'yan.Pang-uuyam ng tatlo kaibigan nito.
Suminyas si Oscar kay Condrad upang tulungan siya.Nakuha naman ng binata ang gustong sabihin nito.
"May pulis sigaw nito.Agad naman lumingon sina Cel kaya ng makakita ito ng pagkakataon, tumakbo sila agad.Sumuot 'to sa loob ng mga damitan...
"f**k Dude dinamay mo pa ako sa kalokohan mo."reklamo ni Condrad sa kaibigan.
"Sorru na libre nalang kita mamaya ng Buy one take one na hamburger."natatawang saad ni Oscar.
"Ang kuripot mo talaga Dude."Pagdating sa parking lot nagulat naman 'to ng may tumawag ulit sa kanila.
"Angelo darlíng! "isang bakla.
"Hayop ka Dude pati bakla pinapatulan mo."
"Hindi ah..Tinulungan ko iyan ng kaso niya tapos parang linta na iyan."
Galit na galit ang magkakaibigan dahil tinakasan sila ni Leo aka Oscar.Samantala sina Oscar napagod sa kakatakbo sa mga babaing na biktima niya ng one night stand.