"Goodmorning! Breakfast in bed babe."nakangiting bati ni Oscar sa dalaga.
Ang lawak naman ng ngiti ni Cel dahil sa buong buhay niya,ngayon lang siya nakaramdam ng inaalagaan ng ibang tao bukod sa Ina niya.
"G-godmorning too babe."L-leo hanggang kailan ka magiging akin?"diretsahang tanong ng dalaga sa binata.
Lumapit at lumuhod si Oscar upang magpantay sila ng dalaga."Sa ngayon ay hindi ko masasagot ang tanong mo.Pwedi ba e-enjoy natin ang mga minuto,oras at araw na magkasama tayo."walang paligoy-ligoy na sagot ni Oscar habang hawak kamay ang dalaga.
Napasinghap naman ang dalaga dahil dismayado siya sa sagot ni Oscar,p-pero habang tumatagal lalong nahuhulog ang loob niya dito.
"Aantayin ko ang araw na maging handa kana.Handa kana makasama ako o maging priority mo."malungkot na saad ng dalaga.
"Huwag kanang malungkot diyan,masarap ang niluto ko fried rice with egg at hotdog."sabay halik nito sa labi ni Cel.
Tinakpan naman agad ni Cel ang bibig niya dahil nahihiya 'to.
"H-huwag hindi pa ako nag t-toothbrush"nahihiyang saad nito.
"Ano ka ba,mabango naman ah..Kumain kana."tinusok ni Oscar ang hotdog at isinubo 'to kay Cel.
"Open your mouth baby."pilyong saad nito habang nakangisi.
"Ang aga ah.A-ako nalang."Inagaw niya ang kutsara at tinidor kay Oscar at nagsimula kumain.
"Babe,don't forget to drink your milk,fresh from me.."humalakhak si Oscar ng makita ang reaction ni Cel.Kahit siya hindi niya rin maintindihan ang sarili niya.Simula ng may mangyari sa kanila ng talaga lagi niya 'to sinusundan kahit saan magpunta.
"Sige maliligo na ako.Huwag kana pumasok ngayon sasabihan ko nalang ang kapatid ni Condrad na absent ka mo na."
"Eh ikaw saan ka pupunta?"nagtatakang tanong ni Cel.
"Diretso ako trabaho tapos dadaanan ko mo na si Nanay."
Biglang sumimangot si Cel ng banggitin ng binata ang nanay.
"Huwag kang mag-alala ipakilala din kita kay nanay kaya huwag kana mag-isip.Ikaw lang ang babae ko wala nang iba."At nag-flying kiss 'to.
"Sinungaling ako lang daw eh ang dami mo kayang babae."Irap ni Cel.
"Babe trust me.Alam ko hindi ako matino sa pagkakilala mo p-pero magbabago ako alang-alang sa'yo."
Malapad naman na ngumiti ang dalaga."Oo na maligo kana at baka malate ka pa."
Halos maubos lahat ni Cel ang inihanda na pagkain ni Oscar dahil sa sobrang saya kaya magana siyang kumain.
Pagkatapos kumain ni Cel agad niya hinugasan ang plato at bumalik sa kwarto.Niligpit niya ang higaan nila at nag-ayos ng kunti.
Halos tumayo ang mga balahibo niya ng lumabas si Oscar na naka-boxer lang 'to. Basa ang buhok nito at halos puputok na ang harapan nito.
Kinagat ni Cel ang pang-ibabang labi nito.At ngumiti ng nakakaloko sa binata.
"Huwag mo akong akitin babe at baka hindi ako makaalis."Nilapitan 'to ni Oscar at hinalikan sa labi.Wait mo ako mamaya."pilyong saad nito.
"Ako na."tinulungan ng dalaga magsuot ng damit si Oscar.
"Don't forget to eat your Food.Magpahinga ka lang muna."
Tumango naman ang dalaga pero sa loob nito sobrang kinikilig naman siya."Ingat ka sa trabaho."
"Thank you babe.Alis na ako."
Pagkalabas ng binata agad 'to sumilip ang dalaga sa bintana upang tanawin ang minamahal.Kumaway naman si Oscar ng mapuna siya.
Habang nasa byahe saka niya lang naisip tingnan ang Cellphone niya.
"Fuck..Patay ako kay Bro Condrad.169 na missed call mula kay Condrad,300 messages mula kay Daisy at 5 tawag mula sa Ina.
"Kaka-graduate lang nila bilang pulis,pero mas pinili nito ang alok ng Ama ni Condrad na maging Agent."Mabilis siyang nakapasok dahil gawa ng mga magulang ni Condrad.
Pagdating sa Opisina agad niya pinark ang sasakyan niya.Ibinigay din 'to ng Ama ni Condrad dahil regalo 'to sa kan'ya ng Ginoo gawa ng pagkakaligtas nito sa buhay ng anak.
"Dong...."sigaw ni Condrad sabay hagis ng Pringles sa kan'ya maigi maagap siya kaya nasalo niya agad.
"Sorry Bro hindi kita na-inform na doon ako matutulog kina Cel."seryosong saad nito.
"Bro tanungin nga kita,Ano si Miss Ganda sa buhay mo?P-paano si Daisy?"konot-noo na tanong ni Kaibigan.
"Tungkol kay Daisy,siguro tama si Inay, kailangan ko na siya kalimutan.Sinaktan nila ang Ina ko at alam ko masusundan pa 'to kung pilit ako makikipagkita sa anak nila.Tungkol naman kay Cel seryoso ako sa kan'ya ngayon.Hindi ko lang maipakita dahil magulo pa ang sitwasyon ko."
"P-pero paano ang pera ni Daisy?Patay ka bro baka singilin ka niyan.Buti sana kung nasasanla
iyan."pailing-iling na saad ni Condrad.
"Gago ka talaga Herrera ang daming pagdiskitahan ang alaga ko pa.Gago at tarantado man ako sa paningin ng mga babae nakatalik ko pero ni minsan hindi ko ginamit ang pera na nakukuha ko kay Daisy para sa karangyaan ko."Tumingala sa langit si Oscar at bumuntonghininga.
"S-saan mo ginagamit ang pera?Nagtataka din ako kasi todo kayod ka e kung tutu-usin ang laki ng pera na ibinibigay sa'yo ni Daisy."Naguguluhang saad ni Condrad.
"Ang bawat centavos na nakukuha ko na pera kay Daisy ay ibinibigay ko sa magsasaka para pambili ng binhi.Naawa ako sa kanila.Minsan na nabiktima ang mga magulang ni Inay.Kinuha nila ang palayan at taniman ng mais sa mga tao sa nayon.Pinagt-trabaho nila 'to ng walang bayad.Ginigipit nila ang mga tao hanggang sa wala ng magawa kung hindi ibinta sa kanila ang mga lupa ng sobrang mura."
"B-bakit hindi kayo lumapit sa kataas-tasan para humingi ng tulong?"
"Pagmayaman ka lahat impossible.Kaya nila bilhin ang dignidad ng mga tiwaling opisyal.Lumaban naman si Itang at Inang pero walang nangyari.Walang awang silang pinatay at itinapon sa Ilog."maluha-luhang saad ni Oscar.
"I'm sorry Bro akala ko puro kepyas lang ang laman ng utak at mata mo"patawa na saad ni Condrad.
"Kaya nga ako nagpursigi makapag-aral ng pulisya para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila."
"Maiba ako Bro,minsan mo nang nasabi na Agent ang Ama mo.May balita kaba sa kan'ya?"
"Ang huling balita ko ay nasa pilipinas na sila kasama ang kapatid kung babae at lalaki."Hilaw na ngumiti at sinipa ang maliit na papel malapit sa kan'ya
"Bro,basta malaki ang tiwala ko sa'yo,kaya alam ko maabot mo ang gusto mo sa buhay."
"Thank you Herrera."hinampas 'to sa balikat ang kaibigan.
"Pero isang hiling ko lang,Tigilan mo na ang pagiging babaero mo dahil wanted ka kay San Pedro."
"Baliw ka Herrera ,pero thank you lagi kasi hindi mo ako inilaglag."nakangising saad nito.
"Ayon na nga ang problema Bro,ang bait ko pero dahil sa'yo ang dami ko ng kasalanan na need ko ikumpisal."
"I'm sorry makakabawi din ako sa'yo."saad ni Oscar.
"Mendez,Herrera tawag kayo ni Sir sa Opisina."saad ng isang kasamahan nila.
Nagkatingininan silang dalawa dahil wala silang Idea bakit pinatawag sila.
"Dad,bakit niyo po kami pinatawag?"tanong ni Condrad.
"How many time I told you Herrera pag nasa duty tayo huwag mo akong ituring bilang Ama mo."saad ng Ginoo.
"I'm sorry Sir,hindi mauulit."saad ni Condrad.
"First big Mission niyo ay manmanan niyo ang isang malaking sindikato."
"Ngayon na po Sir?"kalmadong tanong ni Oscar.
"Antayin niyo ang senyales ko.Nandito sila ngayon sa Maynila,pero may nakuha akong balita na by next month uuwi na sila sa probensiya."
"So,gusto niyo po hanggang probensiya sundan namin?"
"Exactly."
"Sige na,makakaalis na kayo.Inform ko kayo sa exact location."
Agad kinuha ni Oscar ang envelope at nagpaalam ganun din si Condrad.
Napasinghap si Oscar dahil plano niya palang na bumawi kay Cel pero mukhang mapopornada pa
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko Bro.Ito ang pinili natin na trabaho kaya kahit labag sa kalooban natin wala tayo magawa"malungkot na saad ni Oscar.
Tinapik ni Condrad ang balikat ng kaibigan.Wala din siya magawa para dito.