Lily
I turned my back at him.Hindi na ako nag abalang magsalita pa.Para saan pa? hindi na para mag aksaya ng laway.Pare-parehas lang naman sila.Ganito siguro talaga pag nasa mataas na estado ng buhay? parang normal na lang sakanila mangyurak ng pagkatao ng iba.Oo, maaaring nababalot sila ng karangyaan, ng ginto o mahalimuyak na pabango pero nabubulok naman ang kaloob looban nila.
“Don't think your silence makes you better than you are.”
Painsulto n'yang sambit. Mariin kong ipinikit ang aking mata at niyakap ang unan.Dinig ko ang mabibigat nitong yapak palabas ng pinto.Sa isang iglap nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.Idinilat ko ang aking mata.Bumangon at bumuntong hininga.Niyakap ko ang dalawang tuhod at tumitig sa madilim na kalangitan.
“Kaya mo yan lily.Dalawang taon lang.”
Bulong ko sa sarili.
Banayad na sinag ng araw ang gumising sakin sa umaga.Nilingon ko ang kama.Nakahinga ako ng maluwag ng makompirma kong wala na siya don.Aaminin ko, sa mga masasakit na salitang sinabi niya sa'kin kagabi parang gusto ko na lang tumakbo at bumalik ng mansyon at magsumbong kay papa at tanungin kung ano bang nakain niya at ipinakasal n'ya ang anak n'ya sa isang demonyo na tulad ni Achilles.Pero naisip ko, walang mangyayari kung paiiralin ko ang pagiging balat sibuyas ko.
Malalim akong humugot ng hangin at bumuntong hininga.
Agad akong nag punta ng banyo para maghilamos.I scanned the whole room.The interior design was nice.Yung mga gamit n'ya very organized at malinis.Pero yung awra ng room, kuhang kuha yung personality n'ya.Cold, ruthless, and lifeless.
Mariin kong tinitigan ang sarili sa salamin.I'm wearing white dress with bow on both shoulders.Ipinuyod ko ng bahagya ang buhok ko sa likuran at nilagyan ito ng puting laso na s'ya namang tumugma sa kulay ng suot kong bistida. Regalo sakin ni quincy 'to noong 16th birthday ko.Ngayon ko pa lang talaga isinuot.Wala lang, feel ko kasi bagay sa ambiance ng lugar na 'to ang dress na 'to.Ito kasi yung bahay na masasabi mong introvert ang nag mamay-ari.Biruin mo sa lawak ng lupaing 'to nag iisa lamang na nakatayo ang bahay na 'to at wala man lang kapit bahay.Kung meron mang ibang kabahayan eh sa ibang baryo pa.
Pagkababa ko sa sala ay agad bumungad sa'kin ang mabangong amoy ng kape.
“Nasaan ba ang mga dito? ang bango ng kape.”
Nilibot ng aking panangin ang buong sala.Sinubukan kong hanapin kung saan nagmumula ang mabangong amoy na iyon.Nang makita ko ang pinto at nadinig ang mga kalansing ng plato ay napangiti ako.
“Ma'am?”
Gulat na napalingon sa akin ang babae na nakaunipormeng bistidang itim.Naantala rin ang pag higop ng kape ng matandang lalaki na nasa tabi ng maliit na mesa.
“Ma'am may kailangan po ba kayo? kung nagugutom na po kayo ipaghahanda ko na po agad kayo ng makakain n'yo.”
Nakangiting sabi ng babae.
Napakagat ako ng labi at lumapit dito.
“A-ano ayos lang pwede ba kitang tulungan? ako na d'yan.”
Magiliw na sabi ko sabay kuha ng sandok at pinagpatuloy ang pag prito sa natitirang bacon.
“Naku ma'm! kami na lang po ang magluluto.Maupo na lang po kayo.”
Saad ng babae.
“Naku ayos lang, sanay ako sa ganito.Ano nga ba pangalan mo?”
Nakangiting tanong ko.Tila nahihiya siya at hindi makatitig sa akin ng deretso.
“Chona Mae po ma'am.”
“Ahh, Chona..”
Dali kong inabot sa kanya ang kamay ko na tila ikinagulat naman n'ya.Tila nag alangan pa itong abutin ang kamay ko pero kalauna'y inabot din naman n'ya.
“Hello Chona, ako nga pala si Lily Rose.”
Masiglang sabi ko.Muli kong itinuon ang atensyon ko sa pagluluto.Nang matapos kong maiprito ang bacon ay sinunod ko naman ang pag luto ng omelette.
Kung kanina ay awkward ang lahat sa pagdating ko, ngayon naman ay napuno ng tawanan at kwentuhan dito sa buong kusina.Pati si Manong Tonyo na twenty years na daw naninilbihan bilang taga pamahala sa buong mansyon ay tuwang tuwa sa mga kwento ko.
“Ah Manong Tonyo, nabanggit n'yo pong maaga umaalis yung asawa ko para pumunta ng trabaho.Ganun po ba ang schedule n'ya araw-araw?”
Hindi pa man nakakasagot si Manong Tonyo ay inunahan na ito ng isang babae na nakasuot din ng uniporme tulad ni Chona.Tingin ko nga ay halos magkaedad lang kami.
“Hindi n'yo ba naitanong kay sir yan? bakit n'yo sa amin itinatanong yan? diba ikaw ang asawa? unless, wala siyang sinabi sayo.”
Taas kilay niyang tanong.Naiwang nakaawang ang labi ko.
“Ah, pasensya ka na kung nag tatanong ako.Alam mo..aaminin ko hindi ko pa sya ganun kakilala dahil biglaan ang naging kasal namin.Hindi lahat ng bagay tungkol sa kanya ay alam ko na at hindi rin naman lahat ng bagay tungkol sa'kin ay alam na n'ya.Kaya naman unti unti kong inaaral at inaalam ang lahat tungkol sa kanya.Wala naman sigurong nakakahiya dun lalo pa't nagsisimula pa lang kami sa buhay mag asawa.”
Nakangiting sabi ko.She rolled her eyes and smirked.Tila may gusto pa s'yang sabihin pero natigilan s'ya nang lingunin s'ya ni Manong Tonyo.
“Maria, ano ba't ganyan ka kung makipag-usap kay Ma'am? tandaan mo, asawa na s'ya ngayon ni sir kaya kung anong respeto ang ipinapakita natin kay sir ay marapat lamang na ganun ding respeto ang ibigay natin sa kanya.”
“Tama! at isa pa, bakit ka ba sumasabat sabat d'yan? una sa lahat hindi naman ikaw ang tinatanong ni Ma'am Lily kundi kami? kaya anong sinasabi sabi mo d'yan na bakit satin itinatanong di ka naman kasali sa tinatanong.”
“Hoy Chona Mae! ang talas ng dila mo ha? sinong pinagmamalaki mo? yang babaeng yan? eh balita ko napilitan lang naman yan pakasalan ni Sir Achilles dahil tinraydor s'ya ni Don Simeon.Si Ma'am Leora ang napagkasunduan nila na pakakasalan ni Sir Achilles pero ang matandang yun hindi tumupad sa usapan.Imbis na si Ma'am Leora ang ibigay eh yang bastardang anak n'ya sa labas ang ibinigay n'ya kay sir.”
Patuloy na pagtatalo ng dalawa.
“Aba... Hoy ka din Maria! baka nakakalimutan mo, hindi na girlfriend ni sir si Ma'am Leora.Hindi na yun pupunta at magpapakita pa dito.In short, tapos na yang pag rereyna reynahan mo dito dahil wala ka ng sisipsipan!..Pantay pantay na ulit tayo!”
“Tumigil na kayo!”
Galit na sabi ni Manong Tonyo.
“Gusto n'yo bang masesante ko kayo parehas dahil sa ipinapakita ninyong asal?”
Kapwa sila natigilan.
“Ikaw Maria, bumalik sa kung saan kita in-assign at tapusin mo ang iniwan mong gawain.Ikaw naman Chona ihanda mo na ang lamesa para makakain na si Ma'am Lily.”
Agad sumunod ang mga ito at bumalik sa kanya kanyang pwesto.Napayuko ako at pinagsalikop ang mga daliri.Na gi-guilty ako.Feeling ko kasi kasalanan ko kung bakit sila napagalitan.
“Pasensya na po kayo sa inasal ng mga tao dito Ma'am Lily.Sisiguraduhin kong hindi ito mauulit pa.”
Saad na Manong Tonyo.
“So-sorry din po.Kasalanan ko po talaga.Kung di na lang sana ako nag tanong wala sigurong gulo.”
Wika ko ng nag iiwas ang tingin.
“Tungkol naman po sa tanong ninyo kanina, opo araw-araw pong umaalis ng maaga si Sir Ma'am Lily.Pero depende po iyon Dahil mula lunes,hanggang huwebes ay lumuluwas siya araw-araw ng maynila para pumasok sa opisina.Naroon kasi ang law firm na pag-aari niya.At tuwing huwebes hanggang linggo naman ay narito lamang siya sa rancho.Sinisiguro nyang nasa ayos lahat ng pamamalakad sa buong rancho at kung maayos ba ang bawat miyembro.”
Natigilan ako.
“Ano pong miyembro?”
Tila natigilan ito at tila may nagtatanong na tingin ngunit sa huli'y ngumiti na lamang.
“Ibig ko pong sabihin Ma'am Lily ay yung mga tauhan.Opo, yung mga tauhan dito ni Sir.”
Bakit pakiramdam ko ay na awkwardan siya sa tanong ko? parang wala naman masama dun ah?
Tanong ko sa sa isip.Nabaling ang tingin ko kay Chona na abalang abala sa pag buhat ng mga kubyertos.
“Ay! tulungan na kita!..”
Nakangiting sabi ko.Parang gusto niya pa ngang tumanggi sa pag tulong ko pero wala na siyang nagawa pa nang kusa na akong kumilos.Pag balik ko sa kusina ay nakita ko ang naiwang sausage na niluluto ni Chona.Agad ko yung chineck kung luto na.Nang masiguro kong luto na ay agad ko na itong iniahon sa mantika.
“You're up early.”
“Ay kurimaw!.”
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.His brows furrowed.
“Did you just mocked me?”
Tumayo ako ng tuwid at bumuntong hininga.
“I didn't.Nagulat lang ako.”
Sabay talikod ko at iniahon ang dalawang pirasong natitirang sausage sa kawali.
“The maids usually handles the meal here.I didn't realize you were expected to play servant on top of everything else.”
He said while smirking.Hindi ko alam kung concern ba yun o pang iinsulto.Alin man doon, bahala siya.
He is standing at the door with arms crossed.I didn't bother to answer him kaya nag tuloy tuloy ako sa paglalakad bitbit ang platter na naglalaman ng mga sausages.
“Chona mag lagay ka na lang dito ng bread knife.”
Utos ko kay Chona.
“Yes po Ma'am.Kunin ko po sa kusina.”
Masiglang sabi niya.Unti unti kong inilapag sa mesa ang mga niluto namin ni Chona.Naramdaman ko ang presensya ni Achilles.
“Ignore me then.”
He said and reached for a piece of toast.He took a bite and chewing it slowly while he seems studying every movement i make.
So..where did you learned to cook like this? Did Don simeon teach you how to be useful while he was busy lying to me?
Natigilan ako.I saw a satisfied smile on his lip.His eyes was full of mockery.
“Don't talk when your mouth is full.”
Maikli ngunit seryoso kong tugon.He froze.Nagulat ata ng pagsabihan ko.Aba dapat lang! eh tinuturo na yan nung kinder ako tapos sya panay salita habang puno ang bibig.He's about to say something nang madako ang paningin ko sa isang bagay.Dali akong umalis at nag tungo ng kusina.Nakiusap ako kay Chona kung maaari niya akong ikuha ng medical kit at agad naman niya iyong kinuha.Agad akong bumalik sa table kung saan nananatiling nakaupo si Achilles.Agad akong nilingon nito.Na akala mo'y isa akong kalaban na handa na niyang hatulan. I rolled my eyes at him and heave out a deep sigh.Agad kong inabot ang kamay nitong puno ng galos at idinampi ang cotton buds na may betadine.
“What the hell are you doing? you don't have the right to touch me Lily Rose.”
He firmly said while staring at me .But to my surprise, he wasn't even pulling his hand away.Hindi ko pinansin pa ang nakakatakot niyang tingin.Kahit pakiramdam ko eh itong kamay niyang ginagamot ko ang sasakal sakin ano mang oras.
Nang mailagay ko na ang ointment ay isa isa ko ng ibinalik sa box mga gamot.
“I don't need your charity.”
He said.
“Tss, childish.”
Bulong ko.
“Childish?”
He repeated.
“You're calling me childish? you, who sits on the floor like a beggar and hides behind silence?”
He leaned forward, his large frame looming over the table.The ointment on his knuckle is still wet catching the morning light.I sat on a chair.Far away from him.
“Watch your tongue, Lily.You might be Don Simeon's blood but you're in my house now.Don't mistake my silence as weakness.”
He warned.Is he trying to intimidate me using his good looking face? sama niya pa lela niya wala akong paks!
“Oh is that silence?”
Wika ko sabay kagat ng tinapay.
“Ang tahimik nga.Putak ng putak parang manok.”
Mahinang pahaging ko.
“You're saying something lily?”
Salubong na kilay na tanong niya.
I smiled sweetly.Tumaas ang isang kilay niya.
“I said stop talking so i can finally eat my breakfast in peace.”
Masungit na sabi ko.His lips parted.