Chapter 5

1812 Words
~Ellieh~ Farrahlyn's POV Kainis na talaga yung Elizabeth na yun e. *pout* Lagi nalang business. Pero ayos lang naman yun kase alam ko namang bumaba ang sales ng company nya at alam ko ring di nya gusto ang nangyari sa company nya. Hay nakaka- stress talaga sya! Sayang tuloy ang beauty ko ehh! Lechenamers! Ahm, Farrahlyn White is my name. 25 y/o, may boyfriend? Well my answer is YES. Ang dami nga e, hmm, siguro mga anim na lalaki ang boyfriend ko. Pero wag kayo, marami nga akong boyfriend pero virgin parin ako, no. Di ako nagpapagalaw kahit kiss nga sa lips wala e, baka kase may sakit at  saka bad breath pa, a big EWW for that. Back to the topic na tayo. Kasama ko si Whinneth— ang dakilang man hater sa amin. Kase kung si Elizabeth ay ayaw lang sa mga lalaki ang kaso naman ni Whinneth ay, ayaw na nga sa lalaki galit pa sa lalaki tapos ako naman mahal ang mga lalaki. Di totally mahal na pag ibig, huh, mahal ko lang silang paglaruan. Hahaha my bad! 'Di ako masamang tao, 'no. Mabait ako, piling tao nga lang. "Hoy! Babae ano na? Pupuntahan pa natin si Elizabeth. Dalian mo para makita ko na si Ellieh." Grabe naman 'tong amazonang 'to, I wonder kung bakit takot sa kanya si Ellieh. Saka sino bang di matatakot kung sa araw na nakikita ka ay bigla ka na lang kakagatin at pipisilin, napaka- cute kase ni Ellieh e. Nagmana kase sa nanay nyang maganda! Oo na, aaminin kong mas maganda si Elizabeth sa amin. Kainggit yung babaeng yun! Pero, mas cute naman ako.  Nag-pout muna ako bago nagsalita, "oo na, teka lang aayusin ko lang yung damit ko. Sleep over tayo kila Elizabeth tapos tabi tayo kay Ellieh." Di kaya ako excited, kase sobrang excited na ako. Kyah miss ko na si Ellieh! I can't wait to see him. "Bilisan mo kung ano ano pa yang iniisip mo e. Saka, ang pangit mo mag-pout kaya, magtigil ka. Ke panget panget din naman ng mga boyfriend mo." Hala sya! Bad! Ina-away na naman nya ako! Saka, paano napunta sa mga boyfriend ko yung topic? "Hmp, inggit ka lang sa ka-cute-an ko. At paano naman napunta sa mga boyfriend ko yung topic?" Tanong ko lang bakit ba? Wait boyfriends ko? OMG! "Hala! Baka naman may affair ka sa mga boyfriend ko? Pero kung oo, sabihin mo agad para makahanap pa ako ng mas madami at mas gwapo yung tipong mala Greek god ang itsura. Hehe." Ang cute ko talaga. Yiiee! Baka naman diba? Sana magbago na sya, 'no?  Bakit kaya ayaw nya akong gayahin na masayang pinaglalaruan ang mga lalaki? Bakit ko ba yun pino-problema? Mai-stress ang ka-cute-an ko nyan e. Saka, niloko kase ng papa nya ang mama nya kaya galit sya sa mga lalaki. Shh! 'Wag kayo maingay, huh? "Ano?! Me?! may affair sa mga jowa mo?! Patayin ko pa sila e!" Sigaw nya sa akin kaya naman at napa-ngiwi ako. Sira lagi eardrums ko sa kanya e. And, take note, diniin nya talaga yung word na 'mga'. Bully yan e. Pero dahil cute ako, di ko na pinatulan, hahaba pa.  Mahina akong bumuntong hininga, "tara na nga." Anyaya ko ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko. "Your car or my car?" Tanong nya, paano kung none of the above? "Our car! Bruha ka, magmaneho ka ng kotse mo. Ako na naman ang gagawin mong driver!" Inis na sagot ko habang naka-simangot at dali-daling pumunta sa kotse ko at ni- lock ko agad para di makapasok si bruha.  "Ano? Tatayo ka nalang dyan forever?" Ako ang may sabi nyan, sino pa ba, diba? Ang cute ko pa naman. *wink* "Wala naman forever e!" Oh, ayan bitter ng lola nyo nauna pang umalis sa akin. Nyeta! Hmp! Bad talaga sya, inaway nya na naman ang ka-cute-an ko.  Pinaandar ko ng mabilis ang kotse ko. Wala na akong pake sa mga nakakakita sa akin ang gusto ko ay unahan si Whinneth para maasar ko. "Good morning, mga bess!" Malakas na sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto at nakita ko si Ellieh ay napatakip ng tenga nya, tapos lumabas naman ng kusina si Elizabeth. Elizabeth's POV "Good morning, mga bess!" And with that scream of my best friend. Dali dali kong tinanggal ang apron ko at binitawan ang mga hawak na pangluto. Nagbe- bake kase ako.  Hay, nako. Ang lakas na naman ng boses ni Farra e, minsan talaga, iniisip kong, abnormal ba si farra? Minsan kase sweet, then, magtataray bago magiging maingay. "Ano ba naman yan, Farra?  Makasigaw, parang lagi nalang nakalunok ng mega phone e." Inis na sabi ko. Well did I say 'parang'. Di naman parang e, kase nakalunok naman talaga yan ng mega phone. Nakita ko namang nag-pout sya bago nagsalita, "hay nako, ikaw talaga. Dumating na ba si Whinneth?" She asks. Isn't it obvious that she's not still here? Saka, minsan, ang sarap nya ding pektusan. "Did you see her here?" I ask while wearing my poker face look, ang taray ko e.  Nakita ko naman syang naglibot ng mata sa paligid kasabay ng kagkunot ng noo nya, isama mo na din ang bahagya nyang pag-pout, "hindi?" "Magtanong kapa e, halatang halata naman na wala pa e, saka kung nandito na yun malamang nagtatago na ang Ellieh ko ngayon!" I sarcastic said. Takot na takot si Ellieh kay Whinneth, paano ba naman, parang baliw si Whinneth sa harap ng anak ko. Manggigigil yan nang sobra.  "Sorry naman. Sige bye, pupuntahan ko lang ang inaanak ko." Paalam nya. At umalis na sya agad nang hindi hinihintay ang sagot ko. Bumalik nalang din ako sa ginagawa ko sa kitchen. Tapos ko na namang iluto yung ibinake ko kaya, palalamigin nalang para makain na mamaya. Habang inaayos ang mga ginamit ko sa kusina narinig kong sumigaw si Ellieh, "Mom!" And because of that scream of my Ellieh, I quickly went to our living room. "Yes, honey?" I asked. tumingin sa akin si Ellieh, "Mom, Ninang Rahlyn trying to pinch my cheeks," he said. Naka- poker face yan, huh! Lagi naman, sakin lang ngumingiti yan. Ang bata-bata palang ng anak ko, di na marunong ngumiti.  "Hey! Stop playing with my Ellieh's cheeks," I command while shooting Farra a death glare.  "No one disobeying me," I remind with a warning tone. Ahm, that's true, walang sino man ang hindi sumusunod sa akin at isang tao lang ang may lakas ng loob. Wala iba kundi si Farra.  "Well ako palang." See? I told you. 'Di ko nga alam kung saan nya nakuha ang lakas ng loob nya para suwayin ako.  I shoot my death glares on her again.  "Okay, okay. Wag mo akong patayin ng tingin. Sige ka mawawalan ka ng napaka-cute na kaibigan." Nagpapacute pa sya nyan habang nagsasalita. Well, I'm not afraid to lose her and besides, I still have Whinneth. Where is she by the way? Magsasalita pa sana ako nang may pumutol dahil may nagsalita. "Good morning everyone," Whinneth greet calmly. Buti pa sya ang kalma lang. Ngumiti muna ako sa kanya, "good morning, too." I greet back. "Ah, ganon? 'Pag sya bumati, babati ka din? Pero pag ako hindi? Kapag talaga si Whinneth, mas love mo kaysa sa akin." Pagda-drama ni Farra habang nakasimangot, isama mo na din ang naka-pout nyang nguso.  But, walang pumansin sa ka-dramahan nya dahil natuon ang atensyon namin kay Whinneth na nagsisimula ng mag-evolve at maging wild s***h abnormal na tao. "Wah baby Ellieh!" Sigaw nya habang pinanggigigilan ang pisnge ni Ellieh. Binabawi ko na din ang sinabi kong, 'buti pa sya, kalma', nagiging ganyan yan pag nakikita ang kagwapuhan at ka-cute-an ng anak ko.  "Ouch! Mom, help me!" He shouts while begging for help. Aww~ Kawawa naman ang baby Ellieh ko. "Hey!  Enough torturing my son!" I shout while having a warning tone. Kitang kita ko naman ang paghimas ni Ellieh sa pisnge nyang namumula na. Bakit ba naman kasi ang gwapo at cute mo, anak? "Grabe ka naman maka- torture dyan ah," she said. "Tss," I simply said and walk towards my son's direction. Kukunin ko na nga ang anak ko bago pa may mangyaring di kanais-nais sa pisnge nyang kinakawawa na naman ng mga ninang nya.  "Sumunod nalang kayo sa kitchen. I prepare some cupcakes for us." I announced as I  carry my 4 years old son. Lumakad na ako papunta sa kitchen bago ko sya binaba sa isang upuan.  "What flavor do you want, honey?" I asked my son. "Hmm, caramel mom," he said so I get some caramel cupcake. He really loves caramel. Since then, he picks caramel than any other flavor. Favorite nya yun e.  Habang kumakain ang anak ko biglang sumingit si Farra, "Wahh! May strawberry ba?" Farra excitedly ask. She's a strawberry lover, by the way. Simple tango lang ang sagot ko bago dinagdagan pa ng pahayag, "Yes, just get there," I said. "Ang sarap talaga ng cupcake mo." Yeah, I know that already, so you don't need to remind me. I'm just stating the fact. Dyan lang ako magaling, sa pagbi-bake. No less, no more. 'Di ako pinagpalang gumaling sa pagluluto pero marunong ako, di lang masarap.  "May chocolate syrup ka ba, Elizabeth?" Whinneth ask. Adik naman ang isang yan sa chocolate syrup. May refrigerator yan, dalawa. Yung isa mga pagkain  at yung isa naman ay puno ng chocolate syrup o  kaya naman chocolate at iba pa basta ralated sa chocolate. "Yeah just get it on the refrigerator," I said without looking at her and I saw that she pour some syrup to her strawberry cupcake as a topping. "Bukas naman, cake ang iluto mo." Farra request. "Let's see if i have time," I said. Agad ko namang binalingan ng tingin ang anak kong kumakain parin ng caramel cupcake, "Baby, do you want some juice? Do you want me to make you fresh juice? What do you want to drink?" I asked again. Hm, masyado ba akong matanong? Well, ganyan talaga ako pagdating kay Ellieh. Mahal na mahal ko kaya ang anak ko. "Ah, fresh milk will do, mom," he coldly answered. Sanay na ako, wala namang bago doon.  I smiled at him, "Wait for me here, I'll get you some." Paalam ko sa kanya and went towards the refrigerator to get some fresh milk. He's Ellieh Denzi Radford, a 4 years old boy. He's too young but intelligent, cold, smart, cute and handsome. Mana sakin.  "Here," inabot ko na ang gatas ni Ellieh ko then continue eating. Namayani ang katahimikan nang basagin ito ni Whinneth, "Ahm, bes mage- sleep over nga pala kami dito."  "I know," simpleng sagot ko.  While we're eating my phone rang. I answered it. But this time I already look at the caller's ID. Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko kung sino and tumawag. "Hello,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD