CHAPTER 04

908 Words
DONG GU POV "Asan na siya?!" Tanong ko sakanila sabay hila ng bangko. May mga babae kasi dun na di familiar kaya tinatakot ko na. Malay mo umatras. "Ah..." Sabi ni Mama. Sabay bulong sa mga nasa likuran niya. "Nasan na ba si Cloe?" Tanungan nila. Mabuti naman at mukhang natataranta na sila. "Nako baka nag back out na Auntie ah." Bulong ni Yoona. Back out? Tsk. Buti naman. Mahina pala loob niya eh. Buti naman ng wala ng problema at last one naman na daw 'to. "Hindi 'yon! Si Cloe pa!" Sabat nung lalaki. Napasmirk nalang tuloy ako habang nakatingin sakanya. Ang epal naman. Back out na nga eh. Pinapalakas pa yung loob ni Mama. "Wala na pala eh. Aalis na ko." Tuwang tuwa kong ngisi habang tumatayo. Nakita ko naman ang disappointment ni Mama sa irereto niya. Di ko tuloy maiwasang mangiti...tapos na sa wakas! Napaharap ako at nag sihiyawan sila ng may tatangang tanga na babaeng nahulog sa hagdan. Napukaw niya tuloy lahat ng attensiyon. Tumingin siya at napangiti sa hiya. Kaya napailing nalang ako sa katangahan na pinakita niya. "Ok ka lang ba?" Agad namang alalay sakanya ni Woori, asawa ni Min Hyuk. Lahat sila ay mukhang gulat na gulat at nag alala.  "Ah okay lang haha tanga lang!" Nakangiti niya pang sabi habang nag kakamot ulo. Buti alam niya. "Tsk...Tama tanga ka nga." Sabi ko sabay nang aasar na ngiti. Napatingin naman silang lahat kaya nagulat ako. "Bakit may nasabi ba kong mali?" Seryoso kong tanong sakanila. Tinignan ko naman yung babae na naka ngiti sakin. Halos umabot na sa tenga yung ngiti niya. Siraulo ata talaga. "What?!" Masungit na sabi ko. Ayaw niya kasing umalis ng titig sakin tapos ngingiti ngiti pa.  CLOE POV Nakatingin ako ngayon sa pinaka gwapong lalaki na nilikha ng diyos. Kinakabahan ako kasi nakatingin din siya sakin. Ngayon naninigas na katawan ko. Hindi ko alam kung anong kilos ba ang dapat kong gawin. Kailangan ng ilabas ang nadarama ko. Gusto kong humiyaw ng sobrang lakas! Hindi ko na naiwasang humiyaw at nag simula na silang mag tinginan sakin. "Oooppss.. sorry.." Takip ko sa bibig ko habang tuwang tuwa padin na nakatingin sakanya. Tawanan naman silang lahat. Yung mga ka banda ko kung maka ngiti sakin. Yung tipong may sinasabi sila na 'Ang gwapo Cloe' look. "Weird." Malamig niyang sabi sakin habang di maipinta ang mukha. Ako daw weird? Ibig sabihin nakikita niya nako ngayon. MYGHAD! Kinikilig ako haha. Yung mga tingin niya kahit parang nababaliwan na siya sakin kinikilig parin talaga ko. Atleast ngayon alam niya na. Na may Isang Cloe na nag eexist sa mundo at mahal na mahal siya. DONG GU POV Tama ako siraulo nga yata. Kanina pa siya sigaw ng sigaw. Kala mo kinukuryente at nag tatatalon pa. Gagawin ba ng matinong tao 'yon? -_- Naiirita na din ako sa titig niya at yung ngiti niya na'yon.  "Anak nga pala siya yung sinasabi ko sayo..." "WHAT!!" Sabi ni Mama kaya naman napasigaw na talaga ko. Mahal pa ba ko ni Mama?  Lumapit siya sakin at tinignan ako ng 'Umayos ka' look. "Hello." Sabi naman nung babae habang nakangiti.  "MA!" Asar na angal ko habang hindi siya tinitignan. Abay! Hindi ako papayag! Mahawahan pa ko ng kabaliwan niyan mahirap na. "Bakit may problema ba Dong Gu?" Salita ni Mama gamit yung matinis na boses niya. Napapikit tuloy ako. "Yang babae na yan?! Eh baliw yata yan tapos yan.. yan..yung .." Pag hysterical ko na halos habang di makaniwala. "Choi Dong Gu!" Sigaw ni Mama habang nanlilisik ang mata. Napatigil ako at bumalik ng tingin dun sa baliw. Pano naman kasi mukhang baliw talaga 'to. Mantakin mo tignan mo kahit sinabihan ko na siya ng baliw nasa kanya parin yung pamatay niyang ngiti. Na nakakairita! Tinignan ko lang siya ng masama pero wala parin...Nakangiti parin siya. Hay, pano ko siya matatakot? Eh parang ako na yung natatakot sakanya. "Cloe nga pala!" Nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay. "Di ko tinatanong." Masungit kong sabi sabay alis agad ng tingin sakanya. Kaso umupo lang siya sa tabi ko at dumakdak ng dumakdak. Kasakit na nga sa mata. Kasakit pa sa tenga. Sinabi niya na fan ko daw siya! Pero para siyang stalker at hindi fan. Mas kilala niya pa ko kaysa sarili ko. Mantakin mo alam lahat ng impormasyon sakin pati yung nangyayari sakin araw araw dati. Pati nga yung issue alam niya! Tapos pinakita niya pa yung mga picture ko na halos mapuno na yung cellphone niya. Sila naman tawa lang ng tawa. Para tuloy akong napag kakaisahan dahil sakanya. Pag minamalas ka nga naman. Mukang mahihirapan ako sa isa na'to ah! "Pwede ba itigil mo na yung bibig mo?" Walang ganang sabi ko habang naririndi na. Pero tumingin lang siya sakin at nag patuloy pa din sa pag kwento. At nung matapos na siyang mag kwento...na ikinakasalamat ko. Tumingin siya sakin ng nakangiti... "Pwede bang mag papicture? Please?" Sabi niya na nag papacute pa. Grabe hindi niya ba alam na hindi naman siya cute? Inis. "Ingi yung cellphone mo..." Walang ganang sabi ko at pinicturan siyang mag isa. "Oh ayan na..." "Dong Gu!" Sigaw ni Mama kaya naman lalo akong nakunsumi. Para tuloy akong nanghihina na sa nangyayari. Nasindak nanaman ako ni Mama. "Fine!" Napabuntong hininga nalang ako habang siya tuwang tuwa na tumabi sakin. "Wait! Ingi yan Cloe ako na mag pipicture sainyo. Don't worry ako bahala girl." Sabi ni Yoona. Binigay niya naman yung cellphone niya at nag thank you. Ngumiti nalang ako. Ano pa nga ba magagawa ko diba? Eh si Mama naka tiger look. Hindi naman sa Mama's boy ako. Ayoko lang na umiiyak si Mama sa harap ko. Kaya nga lumipat ako ng bahay dahil araw araw nalang napapaiyak ko si Mama at dahil don nasasaktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD