"Prince ahmm...Ano..Mukhang hindi magandang plano 'tong pag balik natin sa korea?" Tanong ko sakanya habang nasa eroplano. Bumabalik nanaman yung kaba ko. Hindi ko nanaman mapigilan yung kaba. "Ano kaba?! Kasama mo ko! Basta kasama mo ko. Walang mangyayaring masama sayo." Ngiti niya pa sakin. Eh diba nga dahil sakanya kaya umuwi ako sa pilipinas?! "Eh pano ikaw naman mapapahamak?!" Tarantang sabi ko. "Mag seatbelt kana oh. Paalis na tayo." Di niya pag pansin sakin. "Prince?! Makinig ka naman!" Pagpapadyak ko sakanya. Napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko. Tumitig siya sakin ng diretsiyo at sinabing. "Hindi kita pababayaan. Wag kanang mag alala. Saka hindi naman ako mawawala sayo." Dahil dun sa mga tingin niya. Medyo nawala yung kaba ko. Tumahimik nalang ako habang tinitignan

