CLOE POV "Leah??" Naiiyak kong sabi habang nakatutok sakin ang isang b***l at isang hakbang nalang mahuhulog nako sa pinakamataas na building. Ang nakakatuwa don? Pag mamayari ko pa yung building. Dong Gu, prince ko wag ka sanang tanga. Wag kang pupunta. Oh. Lord please wag niyo po hayaang pumunta dito si Prince. Ang magalit sakin ng lubos ang bestfriend ko ay masakit na para sakin. Sana po wag niyo hayaang mamatay ako ngayon... "Leah! Ibaba mo yan!" Gulat ko ng biglang kumalabog ang pinto sa may rooftop si Vernon. Kaya pala sobrang galit sakin ni Leah dahil kay Vernon. Kaya ganun nalang kadali sakanyang patayin ako. Dahil sa selos...pinikit ko ang mata ko ng malaman kong umiiyak si Leah at nasasaktan ako sa usapan nila. "Bakit?! Praning ba talaga ako?! Totoo naman! Mahal mo pa siya!

