"Sigurado ka bang okay ka na?" I nodded at nagsimulang kumain. "Bakit hindi mo tinawagan si Nanay, maysakit ka na pala hindi ka man lang nagsabi." "I'am okay Angela, and besides, busy si Nanay Tess sa business niya hindi ba?" Tumango ito at sinalinan ng Chuckie ang baso ko bago naupo. "Pero pwede mo pa rin siyang tawagan o kaya naman sa'kin ka tumawag." "What if ikaw ang tinawagan ko, anong gagawin mo? You can't leave. Importanteng seminar 'yun hindi ba?" "Uunahin ko pa ba 'yung seminar kesa sa'yo?" I just shrugged. "Next time kapag nagkasakit ako, I'll do it." Binatukan naman ako nito. "Umayos ka Rish ha?" banta nito. "Saka wag mong pakaisipin 'yung lalaki 'yun! Tapusin mo muna kaya 'yang pag-aaral mo bago ka kumerengkeng.." sermon nito bago sumubo. "Hindi bagay

