7 - VISIBLE TEARS

863 Words
"Sir, another cup of coffee?"    I glanced at the waitress saka muling bumaling sa isang tasang kape na wala na palang laman.Tss.   I just nodded at hinayaan siyang kunin ang empty cup na nasa table ko. Panglimang kape ko na ata 'yun.   Good luck naman sa'kin, sana makatulog pa ako mamayang gabi.   Two hours and fifteen minutes na ang lumipas since i arrived at this coffee shop. I checked her message again.. baka kasi mali lang ako ng basa, maybe it's not 1:30 in the afternoon.. maybe it's 3:00?   From: My Rish "Alright. Let's meet at the square root coffee shop, 1:30 pm."     I think, namali lang ng type si Rish. I guess, she really meant to meet me here at 3 PM. Masyado lang siguro akong excited.   I repeatedly nodded as I'm silently having an argument with myself.    "Your coffee Sir." untag sa'kin ng waitress saka inilapag ang panibagong kape sa harap ko. "Baka natraffic lang 'yung girlfriend mo Sir." nakangiti pang pahabol nito saka muling nagtungo sa kabilang table.   I smiled bitterly.   I hate waiting, mainipin akong tao. But damn, what am I doing now?   I skipped my major just to be with her. And I'm f*cking waiting for almost three hours!   "H-hey I'm sorry.." hinihingal pang saad ni Rish when she sat in front of me. Kaagad din nitong naubos ang isang basong tubig na hindi ko nagalaw kanina. "Nagkaroon ng urgent meeting sa College of Education." she explained habang hinahabol pa rin ang paghinga. "I’m sorry for being late."    I can't help but to admire her more. With her messy hair, pawisang mukha, medyo tabinging pagkakasuot ng salamin. Bakit, parang mas gumanda pa siya?   Am I that crazy or I'm just really miss her?   I cleared my throat and tried hard to act normal.    "It’s okay.." I smiled. "What do you want? Ako na ang oorder."   Saglit naman siyang nakipagtitigan sa menu, bahagya niya ring inayos ang salamin.    "I want ----" kaagad niyang hinanap sa loob ng bag ang tumutunog na cellphone.    Damn that spongebob ringtone. Kaagad kong naramdaman ang pagtuon ng lahat sa table namin.   I bit my lower lip at ibinaling ang atensyon sa menung hawak.   "Airish.." she formally greeted as she answer the phone. "Do I really need to go?"   Kaagad akong napaangat ng tingin ng marinig ko 'yun.Umiwas naman siya at matamang nakinig sa sinasabi ng kausap.   I heard her sighed bago ibinaba ang cellphone niya.   "It’s okay Rish. You can go." I told her. "Madami pa namang next time.."    She stared at me, na para bang binabasa ang totoo kong nararamdaman. I playfully winked at her.   Napaiwas naman siya ng tingin.   She sighed at sinimulang ayusin ang gamit niya.   "I’m really sorry." turan niya bago nagmamadaling tumayo at lumabas ng coffee shop.   I smiled painfully as I stared at my reflection in my coffee na lumamig na.   "Great Xander, you've waited for three hours. Mas matagal pa ang pinaghintay mong gago ka!"  -- "Anong trip 'yan? Bakit nagpapaulan ka diyan?"    Napaangat ako ng paningin at saglit na napahinto sa pag-alala ng nangyari kanina.   "Ano?! Magtititigan na lang tayo?!"    I glared at her at bahagya siyang binasa.   "Letse ka! Wag mo kong itulad sa pagiging basang-sisiw mo!" "Tss. Wag kang sumigaw, nakakairita 'yang boses mo. Wag mo na rin akong payungan, nakita mo ngang basa na ko!" "Oh, hindi ko na kasalanan kung bakit basa ka. At kung ayaw mong magpayong, fine!" muling singhal nito at bahagyang umatras.   Naramdaman ko naman ang pagpatak ng ulan sa mukha ko. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang umuulan na.   Great timing.   Matapos akong iwan ni Rish, I stayed here at the park na malapit lang samin.   "Umuwi ka na. Para kang sira-ulo niyan." "Ang gwapo ko namang sira-ulo." turan ko na inirapan niya lang. "Bakit ka nga pala andito, dinalaw mo na naman si Karl?" nang-aasar kong saad. "Karl mong mukha mo! Si France ang pinuntahan ko, lokong 'yun hindi marunong magsauli ng notes! Kung wala lang exam bukas, hindi ako magtitiyagang puntahan 'yun!" angal nito na may pagpadyak pang nalalaman. "Oh bakit hindi ka pa nagpahatid?"    Muli itong umirap.   "Hindi ako magpapahatid sa manyak na yun no?!"    Natawa na lang ako at tumayo na.   "Ako na lang ang maghahatid sayo." "Wag na! Umuwi ka na lang at magpalit ng damit. Hindi ka ba nilalamig niyan, basang-basa ka kaya!" "Para ito lang.. kaming mga gwapo, hindi iniinda ang mga ganitong bagay!"   Umirap ito at bahagyang lumapit para mapayungan ako.   "Basa na ako, wag mo---" "Arte!" putol nito sa sasabihin ko at nagsimula ng maglakad. "Kotse mo?"   Itinuro ko naman ang sasakyan ko.   "Wala si Rish sa bahay, hindi mo rin siya makikita kahit ihatid mo ako.." she muttered habang diretso ang tingin sa nilalakaran. "May one week-convention siyang pinuntahan kanina sabi ni Yaya.." "S-sinabi ko bang gusto ko siyang makita kaya kita ihahatid?" I smirked. "Gentleman lang talaga kaming mga gwapo.."    Tahimik lang naman ito hanggang sa maipagbukas ko ng pintuan ng kotse.   "Ang mga katulad mo palang gwapo.." seryosong turan nito ng makaupo na at ng isasara ko na sana ang pinto, "Hinihintay pang umulan para makaiyak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD