1 - POPOY & BASHA

641 Words
"Bash! Hindi mo ba alam yung 3 month rule lahat ng taong na inlove at nakipagbreak alam yun, Bash maghihintay ka muna ng 3 buwan, diba 3 buwan bago ka makipag boyfriend uli. Hindi mo alam yun? Bash my 2 linggo pa ako eh, 2 linggo pa! Ba't katingkati kang palitan ako?"   -_______-    "What?" Charisma innocently asked matapos ko siyang batuhin ng kinakain kong popcorn. "Tell me, anong mapapala ko sa panonood niyan? You already memorized the lines of those characters. It's obvious that this is not your first time to watch this film."   Nagpunas muna siya ng luha niya saka umupo sa tabi ko.   Kung umakto ang babaeng 'to parang hindi principal.     "Why are you crying anyway?" pahabol ko pang tanong.     It's Saturday. walang pasok.. walang magawa.. boring.     Hindi ko rin naman pwedeng puntahan si Rish.. napaka-busy kasi nun.   That's why I'm here with my childish sister.. she invited me to watch a movie na pwede ko daw magamit sa panliligaw ko kay Rish. At dahil it's all about Rish, I agreed. Pero hanggang ngayon I can't find the relevance of this movie regarding my supposedly courting strategies.    Ang malala pa, kanina pa nagdadrama 'tong si Charisma, sinasabayan pa sa pag-acting 'yung mga bida.   "Saang planeta ka ba nagmula? Matagal na 'tong movie na 'to! Halos lahat nga ng nilalang sa planetang Earth kilala si Popoy at Basha.." she hissed. "And besides, mga taong bato lang na tulad mo ang hindi mapapaiyak while watching this part.." "Tsk..I don't know them.." "Okay fine.." irap nito saka humarap sa monitor ng TV. "Palibhasa kasi mga kalahi lang ni Lebron James ang kilala mo.." she mumbled then she cleared her throat, "Popoy and Basha meet Xander, my little brother" muli niya akong hinarap, "Abnormal kong kapatid, si Popoy and Basha!"    Binato ko na lang ulit siya ng popcorn.   "Wag mo ngang sayangin 'yang popcorn.." sita nito, "Manood kang mabuti, tingnan mo 'yung effort na ginagawa ni Popoy para kay Basha.." "Tapos?"    Binatukan naman ako nito.   "Effort Xander, effort. If you really want to prove that you deserve Airish.. mag-effort ka!" "That's it?"   Iiling-iling naman ako nitong tiningnan saka muling ibinaling ang atensyon sa pinanonood.   "Don't act as if it's the first time you courted a girl.." she stated, "Niligawan mo rin 'yung best friend mo di ba? You wrote a love letter for her." "Past is past.." nakasimangot kong tugon, "At hindi si Rish 'yung tipong kikiligin dahil lang sa love letter.." "uh-uh she's one of a kind.." nakangiting saad nito, "Sabihin mo sa kanyang sa EXONHS magturo kapag nakagraduate na siya ha?!" "Tsk.. I really don't understand bakit nag-enroll pa siya ng panibagong course.." I muttered.    Nilingon naman ako ni Charisma.    "What's wrong with that? Knowing her, I'm sure she can manage.. ayaw mo nun, hindi lang business woman 'yung future girlfriend mo.. teacher pa!"   Babatuhin ko ulit sana siya pero sinamaan na niya ako ng tingin.    "She's too busy.."   Nginitian naman ako nito saka tinapik ang hita ko.   "From the very start, alam mong hindi magiging ikaw ang priority niya right?" I nodded. "Then, wala kang karapatang magreklamo.."   Napakamot na lang ako sa noo ko at umiwas ng tingin.    "I just miss her.."    Naramdaman ko naman ang pagbatok nito sa'kin kaya muling napabaling sa kanya ang atensyon ko.   "Korni mo.. dinaig mo pa si Popoy!" nakangusong wika nito. "But don't give up Xander.. I like her for you!"   I just grinned at her.   "Sino bang may sabing susukuan ko ang babaeng 'yun? Valdez ata 'to!"   Ginulo naman nito ang buhok ko at sumabay pa sa linya ni Basha..     "Gusto mo talagang malaman ang problema ko? Nasasaktan ako..kahit alam kong wala na kong karapatan..dahil naisip kong ako naman ang may gusto nito..pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako.. na sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD