3 – DISTRACTION

969 Words
"What are you doing here? May exam rin kayo tomorrow right?" kunot-noong saad ni Rish, may suot siyang eye glasses at kasalukuyang napapalibutan ng mga libro.   Tumango lang naman ako at pinagmasdan ang napakaraming reviewer na nagkalat.   "Are you okay? Mukhang kanina ka pa nag-aaral." I asked her. "Exam na rin ng College of Education.."    Napangiwi na lang ako sa narinig.   "Do you think you can do it? Dalawang magkaibang course ang pinagsasabay mo.." "I can do it at mas magagawa ko 'yun kung uuwi ka na at di ka na mang-iistorbo.."   Sinamaan ko naman siya ng tingin.    "Ang harsh mo sa manliligaw mo." I mumbled.   Bahagya naman siyang napaiwas ng tingin kaya natawa ako.   "What?!" asik niya. "You're so cute when you're shy.." I stated at mataman siyang tinitigan.   Muli na naman siyang umiwas at halatang hindi na mapalagay. Napailing na lang ako at tumayo na.   "Goodluck Rish.. wag kang masyadong magpuyat, alright?"    Saka naman siya tumunghay at bahagyang tumango. I smiled and kiss her forehead saka ako nagmamadaling umalis ng mansion nila.     I'm really inspired that night kaya naman inabot ako ng madaling-araw sa pagrereview. Feeling ko nga nakangiti pa ako habang nag-eexam. Tsk.   I thought it will be the same for her, but I was wrong.    "Ano?! Umamin ka na.. anong ginawa mo kay Rish noong nagrereview siya?!" bulalas ni Angela na halos mabasag na ang basong hawak sa sobrang panggigigil.   Uuwi na sana ako kanina ng biglang harangin ng masungit at epal na'to ang sasakyan ko, muntik ko na nga siyang mabangga.. sayang talaga at nakapagpreno ako.   Dito niya ako kinaladkad sa isang coffee shop, may importante daw siyang sasabihin.   "What do you mean? We just talked.. umuwi rin ako kaagad." I answered. "Ano bang importanteng sasabihin mo?!" naiinip kong turan.   Matalim naman ako nitong tinitigan.    "Sigurado kang nag-usap lang kayo?"    Tumango ako.   "Imposible.. kung nag-usap lang kayo, bakit namumula siya at halos hindi na humihinga sa sobrang pagkatulala?!" tanong na naman nito. "Kinakausap ko siya pero nanatili siyang wala sa sarili.."   Naalala ko namang hinalikan ko nga pala siya, pero sa noo lang naman. Hinalikan niya rin naman ako dati sa pisngi e.   "Hoy t-teka bakit namumula ka?! May ginawa ka talaga no? Guilty ka?!"   I cleared my throat at napainom sa tubig na nasa harapan ko, saka umiwas sa mapanuring tingin ni Angela.    "Ginahasa mo ba siya?!" nanlalaki ang mga matang bintang nito.   Bahagya naman akong naubo at halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko.   "The heck, sa tingin mo gagawin ko 'yun?!" "Oo.. magagawa mo 'yun, itsura mo pa lang!" umiirap na tugon nito, "Pero dahil siya si Rish, bago mo pa magawa 'yun nakalupasay ka na at hindi na humihinga"    Napalunok naman ako.   "Teka nga, ano ba talagang kailangan mo sa'kin? Kanina ka pa nagtatanong ng mga bagay na wala namang kakwenta-kwenta!"   Itinukod naman nito ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa saka inilagay ang dalawang kamay sa ilalim ng baba.   "Si Rish kasi.." paulit-ulit itong bumuntong-hininga saka nagpatuloy. "Kilala siya sa University dahil sa palagi niyang pagperfect ng exam di ba?"    Kinakabahan naman akong tumango.    "Kanina.. inilabas na 'yung resulta, tulad ng dati nangunguna pa rin siya at sa pareho pa niyang course.. 'yun nga lang.." "Y-yun nga lang?" "Hindi niya naperfect 'yung exam.. may isa o dalawang mali sa bawat subjects."   --    "R-Rish.." hinihingal kong tawag sa kanya.   Lumingon naman siya at itinigil ang ginagawa. Kunot-noo ako nitong tinitigan.   "Why you're here?" tanong nito at bahagyang tiningnan ang suot na relo.   Naupo ako sa harap niya, I noticed the reports and modules in the table. Katatapos lang ng exam pero mukhang busy pa rin siya.   "I heard about what happened.. " panimula ko. "W-what are you talking about?"    I sighed.    "I'm sorry.. I made you distracted, sana pala hindi na lang kita pinuntahan ng oras na 'yun.." I sincerely said. "S-sana pala hindi na kita h-hinalikan.." napayuko na lang ako.   I'm expecting her to agree with me and even yell at me but I was shocked when I heard her chuckled, kaya naman nagtataka akong napatingin sa kanya.   "Who told you about that?" she asked. "Angela.. although she didn't directly told me that it's my fault. I just assumed."   She nodded at tila natatawa na naman.    "Since you assumed that it's your fault.. hmm you can help me fix my things." saad nito at sinimulan ng ayusin ang gamit niya. "Time to go home.."   Naguguluhan man, I just keep quiet at tinulungan na siyang mag-ayos. Ako na rin ang nagdala ng ibang gamit niya while walking patungong parking lot.     "S-so? what really happened? Bakit hindi mo na-perfect ang exam?" I asked her. "Is it a big deal? Halos lahat kasi ng tao, tinatanong ako ng ganyan?" nakangiting saad niya. "Except Lolo.." "W-well.. I don't know, nakakapanibago lang."   Tumango-tango lang naman siya at nanatiling tahimik hanggang makarating na kami sa parking lot.   "Take care.." I told her habang inaabot kay Kuya Larry ang gamit niya. "You too.." tipid niyang tugon saka napatingin kay Kuya Larry na naglalakad patungong driver seat. "I already talked to Lolo about my exam results.." panimula niya.   Naalerto naman ako, baka kasi dahil sa nangyari.. bigla akong ipatawag ni Don Henry at pagbawalan ng manligaw at makipagkita kay Rish! I heavily sighed.   "Okay ka lang?" she look at me confused. "Y-yeah.." I forced a smile. "Anong sabi ni Don Henry?"   Tinapik naman ako nito sa balikat saka ngumiti.    Lalong dumoble ang kaba ko.. that's smile. Damn!   "He wanted to thank you.." she said at nagsimula ng pumasok sa kotse.   Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Ibinaba niya ang salamin ng kotse at saka ipinagpatuloy ang pagsasalita.    "Tao na daw kasi ako.. nadidistract din!" she mumbled na parang nahihiya, saka seryosong muling bumaling sa'kin. "Don't do that again, Krisz, don't make me distracted because of you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD