Lunes ngayon at pahikab akong naglalakad papasok sa College Building. Hindi ako nakatulog ng maaga kagabi dahil sa assignment namin sa Business Math.
Pagkagising ko ay napagalitan pa ko ni Mommy kasi nalaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam sa groom at bride noong sabado.
Kahit sinabi kung nahulog ako sa pool hindi niya inalintana. Mas mahalaga pa ang impression at opinions ng iba kaysa sa akin.
Habang naglalakad ay kita ko ang kumpol ng mga estudyante sa hallway. Nakatingin sila sa kaniya-kaniyang cellphone at bakas ang emotion sa mukha.
Ano bang meron?
"Kawawa naman si Lailee, ang sabi hindi raw makapagsalita ngayon"
"Tsk!tsk! Na-trauma na yon. Bakit ba kasi nagpunta ng bar diba may pagka nerdy yon?"
" Ang sabi pinagplanuhan daw ng maigi kaya walang nakarinig at nakakita sa kanya nung humingi ng tulog"
Lailee ? Isa lang ang kilala kung Lailee iyong pinsan ng mga Montalgo. Isang Montalgo ang ina niya.
"Ni-r**e ba talaga, baka nga naglandi yon tapos feeling victim lang"
"Shhh, Erika, Ano ba baka marinig ka ni Crixx at saka kilalang conservative na tao si Lailee. "
Nanglalaki ang mata ko sa narinig. Si Lailee Montalgo nga! Na r**e siya?
"Bebs!", tawag sakin ni Merry pagdating sa room. Magkaklase kami ngayon sa minor subject.
Umupo ako sa tabi nila at kaniya-kaniyang bulungan ang mga ka klase namin.
" Nabalitaan mo na ba, Bebs ? "
"Ngayon ko lang din narinig dahil sa usap-usapan sa Hallway. Ano ba talagang nangyari? Anong balita kay Lailee?"
Malungkot nila akong tiningnan. Maski ako kahit di ko lubusang kilala si Lailee dahil sa kabilang school siya ay nakaramdam ako ng awa sa kanya.
" Na-r**e siya nong Sabado sa loob ng restroom. Ang sabi ay nakita na lang ng kaibigan niyang nakabulagta sa sahig at dinudugo "
Kumirot ang puso ko. Kahit sinong babae hindi gugustuhing ma experience yon.
"May lead na ba sila kung sino ang may gawa? ", usisa ko.
"Iyon ang hindi namin alam dahil ang balita nakapatay ang lahat ng CCTV ng mangyari ang pangrerape at hindi makapagsalita si Lailee ngayon dahil sa trauma. Siya lang makapagsasabi non, " sagot naman ni Lorry.
" Grabe, kawawa talaga ang sabi may laceration daw siyang natamo. Sa panahon ngayon hindi talaga dapat pumupunta sa ganoong lugar. "
Napasinghap akong tumingin kay Merry. I can't imagine how Lailee felt right now. Napakahayop ng lalaking gumawa sa kanya non.
"Sana mahuli na ang r****t na yon. Mabulok sana sa kulungan, " galit na sambit ko.
" Sa tingin ko hindi lang kulungan ang mararanasan ng r****t niya. Makapangyarihan ang mga Montalgo at nag iisang babaeng pinsan si Lailee sa pamilya nila.Baka ipatorture pa yon."
" Galit na galit si Zephyr sa nangyari at nagwala pa raw ito sa bar. Ipinasarado naman ni Kailus ang bar kaya walang nagawa ang may ari. "
Katakot naman. Subalit, kung ako ang nasa posisyon nila talagang mapagbubuntungan ko rin ng galit ang owner ng bar dahil sa nangyari.
•••
Kakalabas ko lang sa room pagkatapos ng huling klase ko. Nagtaka ako nang pinag titinginan ako. Ang iba ay may galit, may naawa pero marami sa kanila ang shocked.
" Oh my gosh! di ba kuya niya yon. Alam ba niya to sa simula pa lang."
"May r****t na siyang kapatid ngayon. Feeling perfect kasi"
Ako bang pinag-uusapan nila? Lalapit na sana ako ng marinig ko ang tarantang sigaw ni Merry.
"Bebs...hah..dahlian mo. May mga police sa bahay niyo ngayon, " humahangos na sabi niya.
" Ha , bakit ?"
" Si Ruiji dinadakip "
Napatulala pa ako ng ilang minuto. Bakit hinuhuli si Ruiji ? Anong kasalanan niya?
"Bebs, okay ka lang? "
Nagmamadali akong tumakbo palabas ng building. Pagkarating sa parking lot ay wala pa si Manong. Pa'no nato kailangan ko silang maabutan. Halos mabingi ako ng biglang may magbusina.
" Sakay, Bebs "
Nakisakay ako kay Merry kasama si Lorena. Halos lumipad na ang sasakyan namin pero di ko yon inalintana.
Pagkarating sa Mansion ay nakita ko ang kumpol ng tao. Maraming reporters at mga pulis. Isiniksik ko ang sarili para makita sila Mommy.
" Ruiji, my son. Oh my god! " , iyak ni Mommy.
Kasalukuyang pinoposasan si Ruiji habang ayaw siyang bitawan nila Tito Eman.
" This is unreasonable. You can't just imprison my son because of
false allegations"
Galit na galit si Tito habang nakikipag-usap sa mga pulis.
" UNREASONABLE! Oh please, Emanuel! Your son r***d my granddaughter! "
Nagulat kami sa sigaw ng matandang Donya Heralda Montalgo. Nagtaas baba ang dibdib nito sa galit. Inaalalayan naman siya ng asawang si Don Conrado Montalgo.
" I know my son, he'd never do that. This is a mistake"
" If this is just a false accusation, then why doesn't your son prove it, Emanuel. He needs to come with us. Let him be interrogated, " sabi ni ng isang lalaki na kamukha ni Crixx.
Tuluyang ipinasok sa police car si Ruiji at sumunod na umalis ang mga Montalgo. Tumakbo ako papunta kay Mommy.
" Mom ".
Niyakap ko siya habang umiiyak.
" This is nightmare! Hindi maaaring makulong ang kuya mo!"
I gently patted my mother's back, offering her comfort. I don't fully understand why this is happening to us, but I believe Ruiji wouldn't go that far to get his desires, would he?
" Bri, ikaw na muna ang bahala dito sa Mansion. We'll see Ruiji, " mando ni Tito.
Sumunod silang umalis. Nang mawala sila ay naiwan akong naluluha. Pinagtutulungan namang pinapaalis ng mga guards ang mga natitirang reporters.
" Miss Brie! Miss Brie! Anong masasabi mo sa kasong kinakaharap ng kapatid mo? "
"Miss Brie! May alam ka ba kung bakit nagawa ni Mister Ruiji ang panggagahasa ? "
" Miss Brie !"
Pumasok ako sa Mansion at diritsong nagpunta sa Movie room. Kinuha ko ang remote at pinindot ito. Una kung nakita ang mukha ni Kailus na iniinterview.
" As of now, my cousin remains in a fragile state. Despite her trauma, she managed to identify her assailant when she briefly regained consciousness earlier today. "
" Mr. Montalgo, what can you say about the Da Silvas, they are insisting that Mr. Ruiji is falsely accused of r**e? "
Diriktang tumingin si Kailus sa camera.
"False accusations or not, Ruiji must be interrogated and face the court. Besides, my cousin would not go this far to lie. She–"
I turned off the TV; I couldn't take it anymore. Even now, I still can't believe everything that's happening. The Montalgos' rage, the Da Silvas' tarnished reputation, and Ruiji's case.
Suddenly, everything went awry.