Chapter 8

1463 Words
" Mi nieta, why do you seem so quiet? Are you bored ? tired? " I let a small smile to Mamita. Actually, I just don't feel like talking to others, now. Bukod sa puro ka edad ni Mamita ang kasalo namin sa table ay mas nalilibang din ako sa mga foods na sine-serve. "I'm not, Mamita. I am just enjoying my food. Their fresh truffle pasta tastes fantastic and I love the saffron mashed potatoes. " Nagkuwentuhan kami ni Mamita habang kumakain. Kinuwento niya sakin ang mga childhood at teenage memories ni Mommy. Sabi niya pa na manang-mana ako kay Mommy kumilos at manamit. Kuhang-kuha ko rin raw ang genes ng mga Guevarra. Probably, because of my symmetrical heart-shaped face , round dark-brown eyes, straight small nose, and obsidian black wavy hair. Ang tangi ko lang namana sa side ni Daddy ay ang pinkish-fair skin at wide hips. Kaya noong unang kita ng mga friends at classmates ko kay Mom ay akala nila kapatid ko. Kasi naman ang bata pa tingnan ni Mommy. Maya-maya ay may kumausap na businessman kay Mamita kaya mag-isa na lang ako sa table. Napalinga-linga ako sa buong reception hall. Sinuyod ng mata ko ang bawat sulok pero di ko siya nakita. Nakaalis na kaya siya ? Napunta ang tingin ko sa Groom at bride pero hindi ko nakita ang lalaki. Nakauwi na siguro yon. Tiningnan ko ang kinakain. Hindi ko maubos ang slice ng Raspberry Ganache cake. I'm too full to finish my dessert kaya napahawak na lang ako sa impis kong tiyan na feeling ko lumubo bigla. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago tumayo. Nakikipag-usap parin si Mamita sa mga friends at business partners kaya naisip kung maglakad-lakad sandali para makapag-digest. Sa paglabas ay dinala ako ng mga binti papunta sa swimming pool area. Madilim na ang langit at maraming bituin. Habang napapalayo ako ay mas tumatahimik ang paligid. " Wala naman sigurong multo di'to? Oh god! ano ba'tong pinag-iisip ko. Gusto ko lang naman magpatunaw ng kinain," bulong ko sa sarili. Naghummed ako ng song para di ko maramdaman ang pag-iisa. Nag-isip rin ako ng positive memories. " Back off, b***h! Can't you see He wants my company more than yours!!! " Napahinto ako sa paglalakad. Ano yon? " Shut up, you delusional! I met him first! Crixx, tell this crazy to leave! " Crixx? Nandito pa siya? Dali-dali akong lumapit sa kinaroroonan nila at nagtago sa likod ng halamanan. Mula sa pinagtataguan ay kita ko ang dalawang babae na nag-aaway at nasa gitna si Crixx naninigarilyo at parang walang pakialam sa mundo. Wouldn't he intervene? Halos magpatayan na ang dalawa sa titig. Tinulak ng babaeng nakapula ang isang babae na nakaitim na dress. " How dare you! you're the one who should leave! Go away, b***h! " (Splash! ) Napatakip ako ng bibig dahil nahulog sa pool yong babaeng naka-black bodice dress. s**t! May taping pala rito ng teleserye. "H-help, Crixx! I don't know how to swim !" Omg! Hindi siya marunong lumangoy. The woman in a red dress just laughed, no plan of taking action. Naalarma ako ng biglang naglakad si Crixx paalis. This man! Does he have a conscience? Nauubusan na ng lakas ang babae kaya napalabas ako sa pinagtataguan. "Hey, di niyo ba siya tutulungan!" Nagtaas ng kilay iyong babaeng nakapula sakin at si Crixx ay tinitigan lang ako ng walang emosiyon. Walanjo! Nagtatakbo ako sa babaeng nalulunod. Inabot ko ang kamay sa kanya habang nakaluhod. "Miss, hold my hand! " Pinilit na inabot ng babae ang kamay ko pero hindi niya kaya. Lintik! Di ako gaano marunong lumangoy! Baka ako pa ang malunod paghinila ako ng babae. "H-help, please! " Nilibot ko ang tingin sa pool area at may nakita akong stick na panglinis ng pool. Dali-dali ko itong kinuha. " Ito, Miss, hawakan mo ang dulo! " " H-hindi ko.... na k-kaya" Unti-unting nawalan ito ng malay kaya mabilisan kung hinubad ang sandals at napatalon sa pool. Come what may, basta masagip ko siya. Nang maabot ko siya ay hinila ko ito palapit sa gilid. Sinubukan ko itong buhatin pataas pero ang bigat niya halos makainom na rin ako ng tubig sa pool. Lintek, ano ba'tong pinaggagawa ko. Nagulat ako ng biglang gumaan ang pagbuhat ko pataas. " Keep pushing her " Pag-lahad ko ay nakita ko ang mukha ni Nidal. Tumango siya sakin habang hinihila ulit ang babae. Nang mahila pataas ang babae ay agad chineck ni Nidal ang kalagayan nito. Itinukod ko naman ang mga siko para makaahon ngunit biglang pumilipit ang ugat ng right leg ko kaya napabalik ako sa tubig. " Ouch! " Sinubukan kong magpalutang pero kinabahan ako ng unti-unting lumubog ang katawan ko. Nakainom ako ng maraming tubig kaya nagpakawag-kawag na ako. Mamatay na ba ako ? " Nidal" May humila sakin pataas. Napatulala na lang ako sa mukha niya ng hawakan niya ang paa ko. Bakit ngayon pa siya tumulong ? Hinintay pa ba niyang makainom ako ng tubig sa pool. "Ouch!Ouch! ano ba ang sakit! " Pinigilan ko ang pagmassage niya sa paa kong may cramps pero hindi ito nagpapigil. He straightened my knee and pushed the underside of my foot forward. Basang-basa na ang suit na suot niya kaya napalayo akong kunti. "Stay still" Napatigil ako. Tahimik kaming dalawa at hinayaan ko siya sa pag massage. "Brielle, are you okay? ", biglang agaw pansin ni Nidal. Tumingin ako saglit sa kanya bago chineck ang babae kanina. Nakaupo na ito ngayon at hinang-hina pa. " I'm okay now, Nidal. Thank y- awww. Hey, masakit yon ha" Galit kong binalingan si Crixx. Nakasalubong ang kilay nitong nakatingin sa paa ko. Problema nito? Babalian ba niya ako ng ankle. " Bro, you're pressing it too much.. I'll take care of her instead... Hindi pa tapos magsalita si Nidal nang buhatin ako ni Crixx bigla. Nanglalaki ang mata kung napakumyapit sa batok niya. " W-wait, I c-can walk pa naman. My leg is fine now " " Hey, where are you taking her ? " Diritso lang naglakad si Crixx habang buhat ako kaya walang nagawa si Nidal. "Nidal, please take care of the girl for me ", bilin ko sa kanya bago kami nakalayo. Kita ko ang pag-aalala at kalintuhan sa mg mata niya pero napatango ito sa huli. (Silence) Pabalik-balik ang tingin ko sa mukha niya. Seryoso siyang naglalakad. Ano kayang nakain niyo at biglang bumait ? Naawa kaya siya ? Napilitan? Buti na lang may konsensya pa'to, muntik na akong malunod. Haist! ( Silence ) "Where are we going? " Nilingon niya ako. " You're Heavy" Napatigagal ako sa narinig. Ang layo ng sagot. But wait, is he implying that I'm fat? Hindi ko naman siya sinabihan na buhatin ako tapos magrereklamo. Ang slim ko kaya! " You know, what! why don't you put me down. You don't have to make me feel fat ! " , pigil inis kong sambit. Naging magalaw ako sa bisig niya. " I said you're heavy, I didn't say your fat.... don't move, you're making it harder for me to lift you." I felt my blood suddenly rushed through my head. " WHAT! then put me down. I can walk so it won't be harder for you! Nakakahiya naman sayo...put me down, Now! " Napasigaw ako ng bigla niya akong binitawan pero sinalo ulit. "Buwesit! Buwesit ka ! " Pinagpapalo ko siya sa dibdib. Muntik na akong ma heart attack. Akala ko pa naman seryoso tong lalaking to kausap. Kanina akala ko babalian niya ako ng ankle ngayon muntik na ang tadyang ko. "Behave, if you don't want me to do the worse." Napahalukipkip ako habang buhat niya. Wala akong pake kahit mas bumigat ako. Buwesit! Magtiis siya! Di ko namalayan na nasa parking lot na pala kami. Lumapit siya sa Chevlerot niya at may pinindot para mabuksan ito. Pinaupo niya ako sa front seat at may kinuha sa rear seat na bag. "Wear this and message your grandma that you're going home. " Tinapon niya sakin ang black coat niya na sinuot ko naman dahil sa lamig. Si Mamita nga pala! Siguradong hinahanap na niya ako. Nasa luob pa siya pati ang bag at ang phone ko. Pano na'to nakakahiya namang bumalik don na parang basang sisiw. "Ahm, Can I borrow your phone? Naiwan ko sa loob ang akin." Binigay naman niya ito agad kaya nag message ako kay Mamita na nauna na akong umuwi kasi nahulog ako sa pool. Hindi ko na sinabi ang totoong dahilan kasi magtatanong pa yon tapos baka sabihin niya kay Mommy. Nag-aalalang nangamusta pabalik si Mamita at sinabihan ko siyang di na ako makababalik kasi basang-basa na ako at nanghiram lang ng phone. " Where can I drop you off ? " Ihahatid niya ako, seriously ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD