Chapter 6

1063 Words
"I think you've used me enough, Lady. Can't let you sniff me like I'mma f*****g inhaler " Wala sa oras akong napabitaw sa kanya. Kainis. Nakakahiya ka Brielle. "Umm...a-ano...s-sorry," nakayukong sabi sa kanya. Wala akong mukha na maiharap sa kanya. Dinamay ko pa talaga siya sa katangahan ko, tapos nahuli pa niya akong inaaamoy siya. Sa sapatos niya ako nakatingin kasi hindi ko alam kung anong sasabihin. Alangan namang mag "thank you" ako, edi nabuking pako na nanilip. "Eyes up here, lady" Naghurumintado ang puso ko lalo. Di ko kayang tumingin ulit sa mga mata niya. Baka di ko na matanggal ang titig ko. Kaya sa halip na gawin ang sinabi niya ay tumakbo ako palayo. "HEY!" Hindi ako lumingon, tumigil lang ako sa pagtakbo ng nasa gate na ako ng campus. Hingal na hingal kong kinuha ang phone ko para tawagan ang sundo ko. "Hello! Kuya Lando...dito sa gate mo na ako sunduin... malayo ka pa ba? " " Malapit na po, Señorita" "Sige po, pakibilisan kuya, thank you!" Palingon-lingon ako sa b****a ng gate baka kasi bigla kong makita ulit iyong lalaki. Maya-maya ay dumating na ang sundo ko binuksan ko agad ang pinto pero di pa man ako nakakasakay ay may malakas na nag busina sa malapit. Dumaan ang isang black Chevlerot Camaro at nanindig ang balahibo ko nang makitang iyong lalaki kanina ang driver non. Halos magkandapa-dapa ako papasok sa kotse. "Señorita , ayos lang ba kayo ? " "ahh o-u Kuya, excited lang akong makauwi", palusot ko. Pagdating sa bahay ay si Yaya Nimfa lang ang nadatnan ko. Si Tito at Mommy kasi mamayang 5 pm pa darating. Si Ruiji naman nasa kwarto o pumunta sa kaibigan niya. Pagkarating sa kwarto ko ay agad akong nag dive-in nang patihaya sa kama. Napagod ako sa pinaggagawa kanina. Hayst! Naalala ko ulit ang tagpo namin ng lalaking may hazel eyes. Sino kaya iyon? Ngayon ko lang nakita ang mukha niya sa DSU. Wait, Hazel eyes? Narinig kong sinabi yon ni Merry. Napabangon ako. Dali-dali akong nag log in sa f*******: account at hinanap ang pangalan niya. Crixx Tevon Montalgo, siya kaya yong lalaki ? Sana hindi. May lumabas na dalawang pangalan na tulad ng sa kanya pero iba ang spelling at ang isa naman ay bata ang nasa profile. Crix Montalgo at Chrix Mondalco Wala ba siyang sss account? Naalala kong sa US siya lumaki kaya lumipat ako sa i********: at nahanap ko rin. Nabitawan ko ang phone ko ng makita ang naka side view niyang mukha sa profile with almost 10 Million followers. Bumagsak ang phone sa mukha ko kaya napamura ako habang hawak ang ilong. Pero...Shet talaga! Siya nga! Pinulot ko ulit ang phone at nang stalk sa account niya. Napansin kong halos stolen shot lahat ng pictures niya at hundred thousands ang reactors. Marami rin siyang posted pictures ng mga mamahaling race car. Napahinto ako sa pagscroll ng may makita akong pic niya na nakatingin sa camera. He looks like a race car model while sitting on the car's hood with his hazel hunter eyes and defined jaw. Mayroon din siyang isang bagis sa kilay na nagpadagdag ng badboy but seductive features niya. Bakit ba di na lang siya nag artista? Mas sikat pa siya sa mga Philippine celebrities. Aish! Ano kayang iniisip niya sa akin ngayon? Nagpagulong-gulong ako sa kama na parang oud na binudburan ng asin. Sana di niya natandaan ang mukha ko. Sana matambakan siya ng schoolworks para makalimutan niya ang nangyari. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, di nako magpapahangin sa lugar na'yon. Oh God! Nakalusot nga ako kina Rex pero gumawa naman ako ng bagong katangahan, at sa lalaking yon pa talaga! Pagkatapos kung magbihis ng pambahay ay nag advance study na lang ako. Subalit, di ko gaanong naintindihan ang binasa. Tinampal-tampal ko ang mga pisngi. Forget it! Ahhhh! Ang sakit na ng ulo ko. Mabuti nalang at tinawag ako ni Yaya. Nakauwi na sila Mommy at pinatawag niya ako sa drawing room. Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa. Nakapambahay na rin siya at galing sa shower. Hindi ko nakita si Tito kaya baka nasa kuwarto nila o sa sariling office niya dito sa bahay. "Hi, sweetie, how's school?" Bumeso muna ako bago naupo sa sofa na nakaharap sa kanya. "Good as always, Mom. Thank you" Tumango lamang siya at nagshare ng naging araw niya sa company. "Anyway... ( binaba ang niya ang iniinom na tea) "The grand daughter of your Lola's best friend is getting married on Saturday. Your lola misses you as well, so I told her that you can be one of the bridesmaid there. I want you to clear your schedules and attend the wedding." "But, Mom , I have recital on that day." Nagsalubong ang kilay niya. "This is more important, Talia Brielle, I can't afford to disappoint your Lola again. Isa pa your Lola will get embarrassed in front of her best friend if you won't come." Napabuntong hinga na lamang ako. It's always been like this, since Mommy reconciled with my Lola Adelfa. Mula sa old money family kasi si Mommy, ang mga Guevara. Ang totoo nawalan ng ugnayan si Mom sa pamilya niya dahil pinili niyang magpakasal kay Daddy, sa halip na ang nakatakdang fiancee para sa kanya. My dad's family belongs to Middle Class kaya hindi siya tanggap nila Lola, pero dahil mahal ni Mommy si Dad at ayaw niyang makasal sa iba ay nakipagtanan siya. Tuluyan lang itinakwil si Mommy ng grandparents ko ng magbuntis siya sa akin. Marahil ay nakita nilang wala na silang magagawa at mas pinili nilang itakwil si Mom as Guevara kaysa sa mapahiya sila. Noong una kong nalaman ang tungkol don ay nagalit ako sa family ni Mommy, pero ng makilala ko sila ay narealize kong bilang isang magulang talagang nais mo lang ang sa tingin mo ay makabubuti sa anak mo. Alam kong mali ang ginawa nila kay Mommy pero lahat iyon ay nakaraan na, ang mahalaga ay ayos na sila ngayon. " Bri, sweetie, pagbigyan mo na ang Lola mo and please don't embarrass me, I've promised them already that you're coming." Wala naman problema sakin kung gusto akong makita ni Lola, pero sana sinabihan niya muna ako para hindi muna ako sumali sa recital. Nakapangako pa naman ako kay Mrs. Merci na dadalo ako sa Saturday. "Alright, Mom"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD