Chandria
Hindi ko na naman napigilan ang paghikab habang hinihintay namin ni Khol na tawagin kami para sa pictorial. Ngayon kami kukuhanan ng larawan para sa graduation photo ngunit kahit mahaba naman ang naging tulog ko kagabi, para bang antok na antok pa rin ako. Sumisikip din ang uniform ko kaya iritang-irita ako sa palda. Mukhang nahalata rin ni Khol kaya imbes na pumila sa linya ng mga kaklase niya ay nakisiksik siya sa amin.
"Do you want me to get you some iced coffee? Para mawala ang antok mo. Masyado ka yatang napuyat kababantay sa Mama mo kagabi," may pag-aalala niyang alok.
I yawned. Hindi naman ako napuyat magbantay dahil pagpatak ng alas nuebe ay rumelyebo na sa akin si Manang Shion. Nakauwi ako kaagad sa hotel at nakatulog. Tinanghali pa nga ako ng gising. Sadyang tumitindi lang ang pagiging antukin ko nitong mga nakaraan.
"Ayos lang. Baka madadala naman 'to ng idlip mamaya pagkatapos ng pictorial." I smiled. "Balik ka na sa pila ninyo at masama na naman ang tingin ng adviser."
He sighed. "Tulog tayo sa kotse mamaya kung makapuslit," sagot niya bago bumalik sa pila.
I turned to Rona who seemed too silent. Noong nakaraan pa siya ganito. Hindi ko alam kung bakit pero parang wala siyang ganang makipag-usap. Minsan natutulala rin pero kapag tinatanong ko naman kung ano ang problema, sinasabi lang na may nangyari sa bahay nila na ayaw niya munang pag-usapan.
Medyo kinakabahan ako pero ayaw ki namang magtanong. Baka mamaya ay mali ako at magalit siya kung mapagbintangan ko ng hindi maganda ang lolo niya. Isa pa, hindi na rin binanggit ni Mama ang tungkol sa lolo ni Rona. Ang sabi ni Mama, may iba nang nahiraman ng pera.
Maayos na rin ang pakikitungo sa akin ng mama ko nitong mga nakaraan. Sabi naman ng kapitbahay namin, baka bumabawi raw si Mama dahil natatakot mamatay na puro kasalanan. I hope it's true. Sana nga kung gumaling si Mama, maging maayos na nang tuluyan ang relasyon naming dalawa dahil iyon lang naman ang gusto ko.
"Rona, kumpleto mo na ba ang clearance mo?" tanong ko nang napansing natulala na naman siya.
She looked at me as if she's still spacing out. "Huh?"
"Sabi ko nakumpleto mo na ba ang clearance mo?"
Napansin ko ang paghugot niya ng hininga. "H-Hindi pa. May . . . k-kulang pa." She forced a smile. "May uhm . . . may problema kasi ako sa isang p-project. P-Pwede bang . . . magpatulong ako sa'yo?"
Tumango ako. "Oo naman. Pwede nating gawin mamaya."
She glanced at Khol before she went a bit closer to me as if she didn't want anyone to hear us. "N-Nahihiya ako sa boyfriend mo. Baka sabihin inaabuso ko ang p-pagkakaibigan natin kaya pwede bang . . . Huwag mo na lang sabihin sa kanya? Kasi parang . . . pinapaiwas ka rin niya nitong mga nakaraan. H-Hindi ko alam kung . . . ayaw niya ba sa akin bilang k-kaibigan mo."
Napatiim-bagang ako. Nahalata rin pala niya. Siguro dahil sa tuwing niyayaya ako ni Rona sa kanila ay gumagawa palagi ng paraan si Khol para lang hindi matuloy. Naiintindihan ko naman kung bakit. He had a bad feeling about Rona's grandfather. Pero itong project ni Rona, sa bahay naman nila namin gagawin. Magkaiba naman sila ng bahay ng lolo niya at siguro naman hindi ako hahayaang mapahamak ng magulang ni Rona. Isa pa, baka magtampo na si Rona sa akin kung hindi ko mapagbibigyan.
I smiled at Rona. "Sige. Tapusin natin ang kulang mo para makumpleto mo na ang clearance."
"S-Salamat, ah?" she said but the expression in her eyes somehow bothered me. Kung hindi ko lang narinig ang boses ng boyfriend ko ay baka natanong ko na kung bakit parang may takot at pagsisisi sa mga mata ni Rona.
"Sir, wait lang! Sabi pwedeng magpa-candid shot with something you value a lot, 'di ba?" tanong ni Khol sa photographer.
"Oo. May dala ka ba?"
Ngumisi si Khol. Maya-maya ay nilapitan ako at hinatak. He then made me sit on the high chair before he hugged me from behind. Umalingawngaw naman ang kantyawan na kaagad ding sinita ng mga gurong kasama namin.
"Ikaw talaga, Khol," namumula ang pisngi kong sita sa kanya ngunit ngumisi lamang siya't tinaasan ako ng kilay.
"Sabi valuable sa'kin. I value my girlfriend a lot. Bakit hindi ako magpapalitrato kasama ka?"
Uminit lalo ang aking mukha. Ang lalakeng ito talaga! Basta may pagkakataon para makapagpakilig ay talagang sisingit!
"Basta Ducani talaga, baliw sa syota!" alaska ng isa niyang kaklase.
Khol laughed a bit. "Guilty, syempre! Paanong hindi mababaliw kung ang sarap mahalin ng shino-syota?"
Natatawa na lamang akong umiling dahil sa kanyang sagot. Talaga naman oo!
Umismid si Lolita. "As if you guys won't break up once you're in college? Mas marami pang maganda sa college, ano!"
Inis na ngumisi si Khol habang matalim ang titig kay Lolita. "Babaw kasi ng pagmamahal na alam mo kaya ganyan mindset mo. Try mo ayusin ugali mo, baka makahanap ka rin ng high school pa lang, pinaplano na buhay kasama ka."
Umugong ang asaran dahil sa sinabi ni Khol. Mapagpatol yata talaga ang boyfriend ko kapag ako na ang tinitirada. Kahit babae ay sasagutin niya huwag lamang akong ma-bully. He makes me feel safe in every way possible kaya ang hirap hindi mahalin nang husto. Kung ganito rin naman kasi ang pagprotekta, pag-aalaga at pagmamahal, talagang hindi mo na rin pakakawalan.
I stared at him with my lips slightly curved for a satisfied smile. Ang swerte-swerte ko talaga . . .
Khol looked at me. Mukhang nagustuhan naman ng photographer ang itsura namin nang magkatitigan kami habang parehong may munting kurba sa mga labi. Bigla na lamang kaming kinuhanan ng larawan, pero dahil natuwa rin si Khol sa kuha ng photographer, hindi niya na pinabura. He even insisted to have a soft copy as soon as possible! Katwiran ay gagawin niyang wallpaper, display photo at cover photo sa lahat ng social media accounts niya!
"Khol, huwag mo nang kulitin. Hintayin mo na lang mabigay nang sabay-sabay. Ikaw talaga," sita ko.
Nagkamot siya ng batok saka ako binalingan, ngunit talagang hindi nagpapigil ang mokong! Binalikan pa rin ang photographer at inalok na magbabayad siya basta makuha lamang niya ngayong araw ang picture namin!
"Ang kulit mo talaga," I said after he succeeded.
Ngingisi-ngisi ang loko na tumingin sa akin. "Bakit ba? Eh, gusto ko nang magpalit ng profile picture."
I sighed. "Linggo-linggo kang nagpapalit ng profile picture. Puro naman mukha ko ang inilalagay mo."
He smirked. "Para wala nang mag-chat. Pudpod na daliri ko kaka-block ng mga babaeng nangungulit." He licked his lower lip. "Kapag nagkaanak pala tayo someday dapat wala siyang phone. Lalo kung babae? I'll just keep on checking her phone kung sakali."
I pinched his side. "Naririnig ka ng teachers. Anak kaagad 'yang sinasabi mo—"
Natigilan ako nang may napagtanto. We had our first over a month ago. Dapat . . . may dalaw na ako. Bakit . . . wala pa?
Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon niya nang napansing natahimik ako. "Are you alright?"
I swallowed when I noticed Mr. Perez eyeing both of us. Pilit na lamang akong ngumiti kay Khol saka tumango. Baka mamaya kung sasabihin ko ngayon sa kanya na wala pa akong dalaw, may makarinig sa amin. Isa pa, baka delayed lang. Baka may hormonal imbalance lang ako dahil sa stress na nakuha ko sa nangyari kay Mama. That's one of the possible reasons. Hindi naman siguro garantiya na kung delayed ako ay buntis ako.
I pursed my lips when self-gaslighting doesn't seem to work in me. Paano kung buntis nga ako? Kaya na ba namin? Khol had our lives planned out. Will a baby ruin everything?
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngunit mas pinili ko na lang na huwag na munang pakaisipin ang lahat. Kukumpirmahin ko na muna mamaya tapos ay kung totoo nga ang kutob ko, sasabihin ko kay Khol bukas kapag nagkita kami. I want to find out on my own first. Tama. Iyon ang gagawin ko.
"Sabay na ba tayong pupunta sa bahay ninyo, Rona? Pwede bang mag-taxi na lang ako? Magbibihis lang muna sana ako sa hotel tapos may gagawin sandali kung okay lang," sabi ko kay Rona nang natapos ang pictorial at wala ang boyfriend ko dahil may separate group photo pa sila ng mga kasama niya sa organization. Mahuhuli rin ng uwi si Khol dahil may kailangan silang pag-meeting-an na may kinalaman sa graduation kaya naman hindi niya ako maihahatid.
Rona forced a smile. "A-Ayos lang kahit . . . sunod ka na lang."
Tumango ako saka na nag-chat kay Khol na mauuna na muna ako sa hotel. Ang alam niya ay magbabantay ako kay Mama ngayon. Dahil ang akala niya ay bumibwelo pa ako para masabi kay Mama ang tungkol sa relasyon namin, hindi rin nagpumilit na samahan ako.
I went to the hotel after buying myself a pregnancy test kit. Ang judgemental pa ng titig sa akin ng pharmacist pero hindi ko na lamang pinansin pa. Dumiretso ako sa suite ko at ginawa ang test, ngunit nang makita ko ang dalawang pulang linya, halos hindi ko alam kung iiyak ako dala ng takot.
Two red lines. Diyos ko. Positive.
My tears fell as I suddenly felt scared.
Magiging mga magulang na kami . . .