Chandria Humugot ng malalim na hininga si Krishnan Ducani matapos naming magkaharap. He seemed speechless as if he couldn't process everything I just told him. Ni hindi ko nga naikwento nang maayos ang lahat ng nangyari sa akin sa mga nakalipas na taon. Nanginginig ako habang nagsasalita, hindi mapigilan ang pag-iyak dahil hanggang ngayon ay masyado pa ring masakit sa aking balikan ang lahat. "Please give me a moment," tila hirap niyang sabi bago tumayo. He even placed his palms on his waist after he rubbed them on his face. Maya-maya ay tumalikod sa amin at humugot ng napakalalim na hininga. "That was . . . too much." Tumingin siya sa akin na may bakas ng matinding awa sa mukha. "Hindi ko ma-imagine kung papaano nanatiling matino ang isip mo pagkatapos ng lahat ng 'yon. You went throu

