Chandria We all stayed in the living room to talk about the other details of the case. Ang sabi ni Kaius ay kailangang um-attend ako ng hearing sa susunod na linggo. He said my testimony will be powerful enough to send the people involved straight to jail. Kaya lang nakalutang pa ang isip ko at hindi gaanong nabibigyan ng pansin ang aming pinag-uusapan dahil masyado akong nasaktan sa sinabi ni Kendra kanina. "If you think you're not ready, it's fine," ani Kaius. I snapped back to reality. Humugot ako ng hininga't inipit sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng aking buhok. "No, it's fine. Sorry, masyado lang naging okupado ang isip ko." Payak niya akong nginitian. "I understand. Mas maganda rin sigurong magpahinga ka muna. Huwag mo na lang din munang masyadong isipin ang kaso. Babal

