Chandria Ilang araw na ngunit pakiramdam ko, sobrang layo pa rin ni Kendra sa akin. Sa tuwing susubukan kong lumapit at kausapin siya kapag nakikita ko siyang mag-isa, bigla niya akong tatalikuran saka siya magkukulong sa silid. Ang hirap-hirap tanggaping ganito ang daratnan kong sitwasyong pagkatapos ng sampung taong nangungulila ako sa kanya, at sa tuwing sumasama ang loob ko dahil pakiramdam ko abot-langit ang galit ng sarili kong anak sa akin, hindi ko maiwasang mapaisip. Tama bang bumalik pa ako sa buhay ng mag-ama ko? I sighed and hugged my knees while I'm sitting on the sofa-like window frame. Tila sinadyang gawing makapal ang espasyo ng bintana upang magkaroon ng upuan. I actually liked it. Kapag nag-iisip ako o kaya ay dinaramdam ang mga sinasabi ni Kendra ay roon ako pumipwes

