Khol
"Lalim naman ng iniisip natin!" biro ni kuya Kaius habang nasa home gym kami.
Kuya Khalid was busy sparring with his girlfriend Francia Lindstrom, habang kami ni kuya Kaius ay pawisan at katatapos lamang mag-leg workout.
I sighed and put my tumbler down. "Wala. Pagod lang ako."
Kuya Kaius smirked. "Chinismis ka ni Lolo sa'kin. You're into someone from SJ, hmm?"
I groaned. Fake news talaga 'yong si Lolo.
"No, I am not. For the last time, si Ria ang may gusto sa'kin, alright?"
"Let's pretend I'd believe you more than Lolo's gossip." Umayos siya ng upo. "So this Ria girl, siya ba ang gumugulo ngayon sa isip mo?"
I hissed. "Pwede bang maging kasing chismoso ka na lang ni kuya pero hindi ka na magtanong gaya niya? Tignan mo 'yan? Kumakalap ng chismis pero hindi naman nagtatanong."
He scoffed. "Well, I am not kuya and I know you a lot." Mahina niyang sinuntok ang braso ko. "Just tell me and I'll stop bugging you."
Bumuntonghininga ako matapos inis na magkamot ng sintido. "Hindi ko nga gusto si Ria. I was just . . ." I sighed. "I was just bothered by what she told me last Monday."
"Why? What did she tell you?" usyoso niya.
I licked my lower lip while watching ate Francia throw punches at my eldest brother. Nakangisi pa si kuya tuwing nasusuntok. If I know, those punches surely hurt. Anak ni tito Gresso 'yan. Imposibleng hindi malakas sumuntok.
"Inasar kasi nina Loli no'ng nasa cafeteria. Gusto ko silang suwayin nang hindi nila asarin kaya lang baka isipin ni Ria type ko na siya kaya ko sila pagbabawalan sa pang-aasar—"
"Hindi pa ba?" putol ni kuya kaya nayayamot ko siyang tiningnan.
"Sige, ikaw na magkwento."
He chuckled. "Sige na, ituloy mo na. Pikon naman ni bunso!"
"Nakakadiri ka naman!" asik ko. Seriously, what's up with this guy? Yes, maloko rin si kuya Khalid pero hindi kasing korni ng isang 'to. Bunso? Yuck!
I sighed. "Sa bawat pamilya talaga may isang Konnar, hmm?"
He laughed. "Kwento mo na."
Umiling-iling ako. "Anyway, napikon ako kaya umalis ako sa cafeteria kasama si Kahel dahil na-badtrip din siya. I mean, they went too far so they can't blame us. Lumabas kami at doon nag-usap. I felt bad for Ria. I wanted to tell her to not mind what my classmates did, kaso iba ang lumabas sa bibig ko noong nagkausap kami. Ewan. Siguro napipikon na rin talaga ako na lagi na lang niya akong kinukulit. Isa pa, napahamak ako dahil sa kanya."
"I assume you upset her more with what you said, hmm?"
I clenched my jaw and nodded. "Yeah."
Kiniwento ko kung ano ang sinabi ko ngunit lalo lang nadismaya si kuya Kaius. Maybe because he expected more from me.
"And what did she say?" tanong niya nang makwento ko na kung ano ang sinabi ko.
Isinangkal ko ang magkabila kong siko sa aking mga hita saka ako marahas na nagpakawala ng hangin sa dibdib. "Well, she said she eats a lot because she doesn't have food waiting for her at home."
Napakurap si kuya Kaius. "Walang magulang?"
Nagkibit-balikat ako. "She said her Mom works as a s*x worker kaya madalas wala sa kanila."
"But if her mom leaves often, at least mag-iwan man lang dapat ng pagkain para sa kanya," kumento ni kuya. Nawala na ang ngisi at tila naiinis na dahil sa nalaman.
"I don't know, kuya. Ang hirap paniwalaang may magulang na hahayaang magutom ang anak pero . . . mukhang hindi naman nagsisinungaling dahil umiyak."
Kuya Kaius clicked his tongue. "Oh, man. You have to apologize for hurting that girl's feelings. You went too far, too if you managed to make her cry."
I groaned. "Hindi ko naman alam?"
Inakbayan niya ako. "Khol, ignorance of the law excuses no one."
Sumimangot ako. "We're not talking about law."
"Yeah, we're not but it's the same thing with people's struggles. Just because you didn't know she has no food at home doesn't mean her feelings were not valid. You hurt her. Intentionally man o hindi so you have to apologize."
I sighed. My ego tried to fight the idea of me needing to apologize to Ria. Naisip ko na baka dahil sa nangyari ay hindi na nga niya ako guluhin. I mean, if that's how my life in SJ would be peaceful then maybe I shouldn't apologize, right? Kaya lang ay natalo pa rin ako ng bigat ng dibdib ko kaya kinabukasan ay para akong timang na nag-abang ng pagpapapansin niya.
Surprisingly, Ria didn't wave nor say hi. Ni hindi ako tinapunan ng tingin nang magkasalubong kami sa hallway. Yumuko lang nang husto na para bang ayaw akong makita.
Nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa sumunod na dalawang linggo. Talagang kahit na tumatambay ako sa labas ng classroom kung saan sila madalas dumaan ng kaibigan niya kapag magbabanyo, hindi niya ako pinansin.
She would say hi to Kahel whenever my cousin would greet her. Pero kapag nararamdamang nakatingin ako sa kanya ay bibilisan na ang hakbang na parang gusto niya akong layuan palagi.
I know I should be happy. Wala nang nambubwisit sa akin pero ewan. My chest feels heavy lately. Siguro dahil nagi-guilty ako na napaiyak ko siya. That's all.
Pagdating ng Byernes at hindi pa rin ako pinansin ay sinabi ko na sarili kong susubukan ko nang mag-sorry. Kaya lang ay pagkalabas ng classroom ay nauna na raw pinauwi ang klase nila.
I had no choice but to get my car in the parking lot and drive home, ngunit nang palabas na ko ng school ay napansin ko si Ria na naglalakad sa gilid ng daan.
My brows furrowed. Is she going to walk herself home?
Binagalan ko ang takbo ng kotse ko para tingnan kung maglalakad talaga siya pauwi. Nang malampasan niya ang sakayan ng mga tricycle ay bumuntonghininga na ako't itinabi ang sasakyan.
I went out and called her. "Ria!"
She stopped walking and looked over her shoulder. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako ngunit nang nahimasmasan ay tumalikod ulit at binilisan ang lakad.
I sighed. Mas matangkad ako sa kanya. Halos hanggang dibdib ko nga lang yata siya kaya kahit anong subok niyang lumakad nang mabilis ay nahabol ko.
"Where do you live? I'll give you a ride home," I said, feeling a bit embarrassed.
She kept her head low, obviously avoiding my gaze. "H-Hindi na. Malapit lang bahay namin saka lagi akong naglalakad."
I felt a pinch in my heart. She always walks home? Bakit? Wala ba siyang pamasahe?
"Ihahatid na kita—"
"Hindi na, Khol baka mapahamak ka na naman dahil sa akin kung . . . may makakita."
Napalunok ako nang manikip ang dibdib ko. Dinamdam talaga niya ang sinabi ko?
I sighed when she started walking again. "Look, I'm sorry, alright?"
Napahinto siya sa paglakad ngunit nanatiling nakatalikod at nakahawak sa straps ng luma niyang backpack.
I knew she wasn't going to talk so I had to take the chance to apologize.
"Listen, you're annoying and you keep on giving me hard times but it wasn'ty intention to mock you or make you feel less than the other students in SJ. I'm sorry if I didn't know you don't live a comfortable life like me. I'm sorry if you don't come home to a house with food for dinner. And I'm sorry if . . ." Lumunok ako. "I'm sorry if I can't like you the way you like me, but know that it's not about the differences our social status have. It's just that . . . I have my own preferences. But just because I cannot like you back doesn't mean we can't start over again. Maybe I can give you a ride home and . . . and let's see if we can be friends instead."
Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat. Maya-maya ay tuluyang humarap sa akin at naglakad palapit.
My face lightened up as I watched her keep her head low as she stopped in front of me. Halatang nagdadalawang-isip pa kung sasakay sa kotse ko kaya nang akmang tatalikod ulit dahil nahiya ay hinawakan ko na sa braso at marahang hinatak palapit ng shotgun seat.
I helped her get inside my car before I went to the driver seat. Nakayuko pa rin siya ngunit nasilip ko ang namumulang pisngi kaya lihim akong napangiti nang hindi ko namamalayan.
I cleared my throat as I started the engine. "Where do you live?"
She told me her address in a low voice. Nang magsimula akong magmaneho ay napansin kong hinahaplos niya ang bahagi ng braso niyang hinawakan ko kanina.
I moistened my lower lip when I spotted a grocery store. Nang itigil ko roon ang sasakyan ay nagtataka niya akong tiningnan.
"May . . . bibilihin ka?" she asked.
I unbuckled my seatbelt and grabbed my wallet in my bag. "Tayo. May bibilihin tayo . . ."