Kabanata 7

1280 Words
Chandria Siniguro ko munang nakaalis na si Mama para puntahan ang isang customer niya bago ko hinila mula sa ilalim ng higaan ko ang box ng grocery na binili ni Khol para sa akin. Kumuha ako ng de lata roon at idinala sa kusina para kainin. Nang mabusog ay nag-asikaso na ako para sa pagpasok. Madalas ay alas sais pa lang ay naliligo na ako nang may sapat akong oras para maglakad papasok. Problema ko lang talaga ngayon ay ang ulan dahil siguradong ginamit ni Mama 'yong payong kong ibinigay ng kapitbahay. After wearing my uniform, I went out of the house and was about to lock the door when I noticed a familiar car parked a few meters away from our house. Napakunot ako ng noo. Nang mai-lock ko ang pinto ay naglakad ako palapit sa itim na Montero Sport para tingnan ang plate number dahil baka nagkamali lamang ako, ngunit nang bumaba mula sa driver side si Khol ay tuluyang umawang ang aking mga labi lalo na nang buksan niya ang payong saka siya halos tumakbo palapit sa akin. "Tara," he said. I blinked as we stood under his black umbrella. "Bakit . . . nandito ka?" Umiwas siya ng tingin na parang nahiya. "You mentioned that you always walk to school. The weather is bad. Hindi naman ako out of way so I thought about picking you up kaysa . . ." He licked his lower lip then faked an irritated expression. "Nababasa na pants at shoes ko. Sakay na lang." My heart jerked when Khol held me by my nape and guided me to the shotgun seat. Nang makapasok ako sa loob ay siya na rin ang nagsara ng pinto bago siya naglakad upang makapunta sa driver side. He must've noticed that I was staring at him while he puts his umbrella on the backseat. Nang tingnan ako ay tila nahiya kaya umiwas din kaagad habang mariing magkalapat ang mga labi. "Seatbelt," he said in a low voice. Tumango ako at ikinabit ang seatbelt ko. Iminaneobra naman niya ang kotse hanggang sa tuluyan kaming nakalabas sa kanto. "Khol, salamat ah?" sa wakas ay nasabi ko. He nodded without looking at me as if there's something about me that he didn't want to see. May muta ba ako o kaya bakas ng laway? Sigurado naman akong wala kasi naligo naman ako nang maayos saka naghilamos muna ako kanina bago ako kumain. Bakit kaya? I noticed the dark circles under his eyes. Napakunot tuloy ako ng noo at hindi napigilang magtanong. "Napuyat ka?" I saw his adam's apple bobbed up and down. "Yeah." He moistened his thin lower lip. "Nag-review." Why do I feel like he's lying? Bakit parang hindi naman iyon ang dahilan kung bakit siya napuyat? Hindi na lang ako nagtanong pa. Tahimik ko na lamang na pinagmasdan ang tanawin sa labas ng kotse. Nang marating namin ang gate ng school at nakita ko si Gerona na tila nag-aabang sa labas habang nakapayong at panay ang lingon sa madalas kong daanan ay tinapik ko sa braso si Khol. "Dito na lang ako, Khol," sabi ko. Kumunot ang kanyang noo. "Why? You're not comfortable to be seen getting out of my car at the parking lot?" Umiling-iling ako. "Hindi. Si Rona kasi." I pointed Rona. "Ayun, oh? Sige na, dito na lang ako, ah? Salamat!" He sighed and nodded. Itinabi niya sandali ang sasakyan saka niya kinuha ang payong ngunit bago ko pa iyon maibigay sa akin ay naisara ko na ang pinto. I ran towards Rona who's still looking at my usual route. Nang makalabit ko siya ay halatang nagulat na makitang nasa harap na niya ako. "Sumakay ka?" she asked while making sure we would fit in her umbrella. Umangkla kami sa braso ng isa't isa habang naglalakad patungo sa gate. "May nagsabay sa akin. Bakit nandito ka? Lumalakas na ang ulan." "Eh, akala ko kasi maglalakad ka na naman, eh. Paniguradong basang sisiw ka na naman kaya naghintay na lang ako sa'yo dito." Napangiti ako. What did I do to deserve a friend like Rona? Ang natatandaan ko lang ay tinulungan ko siyang bumili ng napkin noong unang beses siyang datnan. Pinahiram ko sa kanya ang PE uniform ko dahil namantsahan ang kanya. We became friends since then. Hindi ko man sigurado kung sapat ba iyong nagawa ko noon para sa kanya kasi tumulong lang naman ako pero sobrang saya ko na mayroong kahit isa na galing ng SJ na matatawag kong kaibigan. I have friends from our neighborhood, too but Rona is my bestest friend. Kahit na malayo ang estado ng pamumuhay naming dalawa. "Nagawa mo 'yong assignment natin kay Sir Perez?" tanong ni Rona noong nakasilong na kami sa building. I was about to answer when I spotted Khol with his cousins by the end of the hall. Nakatitig siya sa akin habang nagtatawanan naman ang mga pinsan niya. I smiled at him. Tumango naman siya na tila iyon ang paraan ng pagbati sa akin. Gusto tuloy tumalon ng aking puso ngunit nang maalala kong gusto lang nga pala niya akong maging kaibigan ay pinaalala ko sa sarili kong hindi na ako pwedeng mag-ilusyon pa. "Oo, nagawa ko kagabi," sagot ko kay Rona. "Mabuti naman. Akala ko hindi ka na naman gumawa ng assignment mo, eh. Kukurutin talaga kita, Ria," she joked that made me giggle. Nang sulyapan ko ulit si Khol habang may kurba pa sa aking mga labi ay napansin kong tila natulala siya sa akin. Baka kung hindi pa siya siniko ng pinsan niyang si Kahel ay hindi niya mamamalayang natulala na siya. His cheeks even burned as he looked away. Tila nahiya. Napakunot tuloy ako ng noo. Napaano ba 'yon? Pumasok kami ni Rona ng classroom. Hindi ko na lang din inintindi si Khol habang nagkaklase kami. Pagdating naman ng recess ay pilit akong hinatak ni Rona patungo sa cafeteria kahit sinabi kong wala akong pera at may baon naman akong cracker na pwede kong kainin sa classroom. "Spaghetti, gusto mo? Or gusto mo ng Shawarma?" Rona asked. Napakamot ako ng patilya. "Si Rona naman, eh sabi ko na sa'yo okay na ako." Akmang may sasabihin siya nang bigla siyang napatingin sa aking likod. Napakunot naman ako ng noo nang maamoy ang pamilyar na panlalakeng pabango. Napalingon tuloy ako sa aking likod, at nang makitang tama ang hinala kong nakatayo si Khol sa likuran ko ay sandali akong napalunok. "K-Khol." He scratched his temple for a moment before he spoke while looking away. "Kunin mo 'yong Carbonara sa booth four. Then sa lunch, get the Teriyaki bento box on booth seven. I already paid for both meals." Hindi niya na ako binigyan pa ng pagkakataong makasagot. Basta na lamang niya akong nilayasan saka siya nagtungo sa mesa nilang magpipinsan. Tinamaan tuloy ako ng hiya nang pagtinginan ako ng mga pinsan niyang sina Kambria, Kahel at ang kambal na sina Keegan at Keeyan. I felt Rona snaked her arm around mine while we're both staring at the Ducanis. "Tama ba ang narinig ko, Ria? Nilibre ka niya ng pagkain?" tanong niya. Ang titig ay nasa direksyon pa rin ng magpipinsang Ducani. I sighed. "Oo." Rona almost squeaked but I covered her lips quickly. "Huwag kang maingay!" suway ko. Rona nodded. Nang alisin ko ang pagkakatakip sa kanyang bibig ay pigil na pigil ang pagtili niyang sinundot ang aking tagiliran. Namumula tuloy akong napasulyap sa direksyon nina Khol ngunit nang makita kong palihim siyang ngumisi matapos iwasan ang tingin ko ay tuluyang nag-party ang mga paru-paro sa aking tiyan. Wala sa sarili akong napabuntonghininga. Ang hirap namang ma-friendzone ng ganito kagwapo at kabait na medyo red flag . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD