Chandria
Matigas talaga ang ulo ni Khol. Hindi siya pinayagan ng advisers na lumipat sa klase ko ngunit heto naman siya, nakiki-sit in sa amin dahil wala raw ang teacher nila para sa next period.
Mrs. Baroma, our Arts teacher went in. Dahil hindi naman niya ugaling mag-check ng attendance o pasadahan man lang ng tingin ang mga estudyante niya ay hindi niya napansing nasa tabi ko si Khol. He seemed confident that Mrs. Baroma wouldn't notice him. Habang ako ay heto't parang kiti-kiting hindi napapakali sa armchair ko kahit alam kong hindi naman namamahiya si Mrs. Baroma.
"Alright, class," panimula ni Mrs. Baroma habang cute na cute sa polca dots na pink dress na tinernuhan ng pink ding headband.
Sa lahat yata ng teacher sa SJ, siya itong saksakan ng positivity sa katawan. She's voluptuous, too but she loves her body so much. Minsan na rin niya akong kinausap nang tuksuhin akong baboy. She gave me several body positivity lines that boosted my confidence when I was in my first year in SJ.
Sana patuloy na i-bless ni Lord ang lovelife niya at ng AFAM niyang nobyo.
"Since Mother's Day is approaching, I want you to make something for your mothers. I need you to give that to them and I want them to leave a feedback," pagpapatuloy niya, hindi pa rin napapansin si Khol.
May nagtaas ng kamay. "Ma'am, paano naman kapag walang nanay?"
I glanced at my classmate. Si Edwind pala. We heard he lost his mom due to cancer when he was ten.
Mrs. Baroma smiled. "Bakit, anak? Ang nanay ba, 'yong nagluwal lang sa'yo? Ano ba ang depenisyon ng nanay?"
There were several opinions from my classmates. Maya-maya ay dumapo sa direksyon namin ni Khol ang kanyang tingin. Halatang nagulat siya nang bahagya matapos makita si Khol, ngunit imbes na ipahiya kami, tumikhim lamang siya't ngumiti kay Khol.
"Tutal naririto ka sa klase ko ngayon, Khol, gusto mo bang magbahagi rin ng depenisyon mo ng isang ina?"
I watched how Khol stood up to answer Mrs. Baroma. Lahat ng mata ay natutok sa kanya. Hindi ko naman sila masisisi. Kanina pa naman halos magkandabali ang leeg ng mga kaklase ko magmula noong nagpumilit siyang pumasok sa klase namin.
"A mother is someone who shares a piece of herself to us. Someone who sees our soul through her compassionate eyes, someone who loves us even when we feel unlovable and unworthy of anything good in life. Lastly, someone who makes us realize the reason why moms are called the light of a home." Mrs. Baroma smiled at him. "And why do you think mother's are called the light of a home?"
Humugot ng hininga si Khol saka ngumiti pabalik. "Kapag madilim ho, we often fail to see the things around us. The mistakes we made, the valuable things and people, and everything else we often don't realize. Mothers . . . they help us see everything. Our flaws and our strengths, our mistakes and how we can do better. Madilim ho ang buhay kapag walang nanay. Kayang mabuhay pero . . . mahirap. Kasi walang gabay. Lights help us see paths. Ganoon din ho ang pagmamahal ng isang ina. Their love helps us see the direction we wanna take in life, and in the process of guiding us, they help us see our potentials, what we should value in life, and how we can be a guiding light to ourselves someday once their light dims."
Gumuhit ang paghanga sa mga mata ni Mrs. Baroma. "That's a beautiful answer, Khol. Thank you so much for that." She inhaled a breath. "Gaya ng sabi ni Khol, class, mothers are our guiding lights so you have to ask yourself. Who serves as a guiding light in your life?"
Khol sat down and was about to move his chair a bit closer to mine when his teacher for the current class knocked on the door. Wala tuloy siyang choice kun'di ang pumunta na ng klase niya.
"Lunch, ha? Sunduin kita rito," aniya na nakapagpainit sa aking pisngi. Sinundot naman ni Rona ang tagiliran ko habang pigil niya ang sariling kilig.
Pabiro ko na lamang siyang inirapan. Inabala ko na lamang din ang sarili ko sa activity namin, gaya ng iba kong mga kaklase.
Even Rona got busy writing her grandmother a letter of appreciation. Kagat ko naman ang dulo ng ballpen ko habang nag-iisip.
Sino ang mga gabay na ilaw sa buhay ko?
As if the simple question unlocked so much memory, I started writing down everyone who influenced my life even without them realizing.
Una ay si tita Jessel na ilang taon akong pinaaral. Hindi ko man maibibigay nang personal, gusto ko pa rin siyang pasalamatan dahil kahit hindi naman niya ako responsibilidad ay sinubukan niyang ibigay sa akin ang ipinagkakait sa akin ng sarili kong ina.
Pangalawa ay si Aling Shion na madalas tinatawag si Mama na magsugal tuwing naririnig na pinagagalitan ako. Hindi man direktang nanggagaling sa bibig niya na naaawa siya sa akin, sapat na iyong titig na madalas niyang ibato sa akin tuwing nagtatagumpay siyang tawagin ang mama ko.
Pangatlo ay 'yong kapitbahay naming may tindahan na kahit alam na aawayin siya ni Mama ay pinapautang pa rin ako ng sardinas o ng kung ano ang pwedeng gawing lamang tiyan. Masungit man siya sa ibang nangungutang, maswerte akong pagdating sa akin ay hindi siya gano'n.
Pang-apat ay si Mrs. Baroma. Siya lang ang guro sa SJ na tila walang pakialam kahit hindi ako anak ng mayaman. Tuwing nakikita niya ako ay nginingitian ako't binabati.
Panlima ay si Mrs. Ducani. Sa kanya ko nakita ang klase ng ina na alam kong gagawin ang lahat para sa anak. She showed me the kind of mother I wish I have, and I appreciate her for giving me an example of the woman I wanted to become once I have my own family.
Pinakahuli ay . . . ang Mama ko. Sinasaktan man niya ako, binubungangaan, tila hindi minamahal, isa pa rin siya sa . . . masasabi kong gabay ko dahil ipinakikita niya sa akin ang klase ng buhay na gugustuhin kong talikuran. Ang klase ng pagkataong hindi ko kailanman gugustuhing mamana.
Hindi siya ang taong nanaisin kong tularan, ngunit mahal ko siya at ang pagtanggi kong magmana sa kanya ang tingin kong pinakamagandang regalong mabibigay ko sa kanya bilang anak. If my mother had failed to break the generational trauma, then maybe someday, once I am strong enough, I can do it for the both of us.
Natapos ang klase na pigil na pigil ko ang sarili kong luha. The messages I wrote for those people I consider my guiding light, made me emotional. Kaya naman nang bumalik si Khol sa classroom para sunduin ako ay namumula na ang tungki ng aking ilong.
He sat on the armrest of my chair and pulled a paper from his pocket. "I made you a little something," he said.
I sniffed. "Ano 'to?"
"My Mother's Day card for you."
Napakunot ako ng noo. "Khol, hindi pa naman ako nanay."
"I know." He tucked my hair behind my ear. "But you mothered yourself all these years, Ria, and for that, you deserve to be celebrated, too so . . ." He smiled. "Happy Mother's Day, baby. Thank you for surviving everything even without a mom to guide you . . ."